Pusong Namaalam

13 0 0
                                    

Paano mailalabas aking nararamdaman,
Kung puso ko'y bihag ng nakaraan.
Mabuti pa siguro ang lumisan,
Nang hindi na maramdaman ang kasawian.

Puso ko ay labis na nagmahal,
Kahit na nga sabihin nilang ako'y isang hangal.
Sadyang labis na nasasakal,
Pag-ibig kong umubos sa aking dangal.

Lubos akong nasaktan,
Sa biglaan mong paglisan.
Pusong labis na nagmahal,
Ngayon ay isa ng sugatan.

Sa ating pagkakalayo,
Puso ko'y labis na naninibugho.
Di malaman kung saan tutungo,
Puso ko ay langung-lango.

Larawan ng isang sawi,
Puso'y puno ng puot at pighati.
Umaasang ako ay makahango,
Mula sa sakit at pait ng pusong bilanggo.

Sum of All EmotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon