Apat na taon ang itinagal,
Sa Pamantasan ng Silangan.
Ang pamantasang humubog
sa aking natatanging kakayahan.Mga karanasang di malilimutan,
Baon ko sa aking paglisan.
Kagandahang asal na aking natutunan,
Dadalhin ko pang habang buhay.Lubos ang pasasalamat,
Ang tuwa ay nag-uumapaw.
Bunga ng pagsisikap.
Ngayon ay aking nang malalasap!Sa aking paglisan,
Sa pinakamamahal kong pamantasan
Dala ko ay saya at kaalaman,
Na aking tataglayin sa dulo ng walang hanggan.
BINABASA MO ANG
Sum of All Emotions
PuisiThis book is a compilation of all my poems, my songs (na wala pang melody so lyrics pa lang siya. wahahahahah), confessions and everything under the sun. May mga narrations din 'to tungkol sa mga bagay na basta ko na lang napansin sa buhay. Somehow...