An Open Poem to the Guy who Knows Me as a Poet

52 0 0
                                    

SA'YO

Eto ka nanaman.
Lahat na lang ng tula ko tungkol sa'yo nabasa mo na.
Alam mo din namang yung mga 'yun ay patungkol lahat sa'yo.
Hindi ko alam kung anong reaksyon mo sa mga nababasa mo kasi alam mong may nagmamahal at nagpapahalaga sa'yo.
Natutuwa ako dahil napapasaya kita o napapangiti sa bawat tulang isinusulat ko para sa'yo.
Kaya ka siguro nagrequest ng kahit isa pa,
Dahil naaaliw ka
Sa mga nararamdaman ko.
Buti ka pa, natutuwa
Sa mga sinusulat--

KO

Pero para sa akin, yung mga tulang 'yun ay bakas ng bawat pagkabigo ko
Sa bawat paglaglag ko
Sa bawat pagpatak ng luha ko
Sa bawat paghulog ng damdamin ko
Sa bawat pag-asang nararamdaman ko--

SA'YO

-pa rin ako bumabalik.
Kahit gaano ka sakit bilang manunulat
Dahil hanggang dito na lang ang mararating ng bawat bugso ng damdamin--

KO

Hanggang tula na lang,
Hanggang tugma na lang,
Hanggang salita na lang.
Sana naman naiisip-

MO

-kung gaano kalaki ang ibinubuhos kong panahon
Para mag-isip at magsulat ng akdang tulad nito
Dahil kahit gaano pa ako ka-bihasa sa pagsusulat ng tula
Ang bawat isa sa mga isinulat ko ay malaking bahagi ng aking buhay.
Maaring mukhang madali
Pero hindi.

Sa pagsasaisip pa lamang ng inspirasyon mo, masakit na
Iniisip mo pa lang 'yung mga isusulat mo,
Nakakapanlumo na
Iniisip mo pa lang 'yung titulo,
Nakakadala na

Dahil sa bawat tulang sinulat ko
Na handog-

SA'YO

--ay sayo ko pa lamang nararamdaman.
Marami na akong naisuko,
Marami na akong naisakripisyo
Marami na akong sinayang
Para lang SA'YO.

Alam kong di ito obligasyon.
Taos-puso ko 'tong ginagawa.
Kahit na alam kong ikaw lang ang sasaya dito,
Kahit na lungkot na lungkot na ako,
Itutuloy ko pa rin

Dahil ang mga tulang ito lamang ang makapagsasabi sa'yo ng tunay kong nararamdaman
At dito mo lang din ako mapapansin.

My Biggest "AKALA"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon