An Open Poem to the Guy Who Knows me As His Whatever

27 0 0
                                    

Hindi ko alam

Kung ano ako sa'yo, at ano bang ginagampanan mo sa buhay ko
Bakit ba hindi kita malayuan?
Bakit ba sa dami ko nang beses na sinabing isusuko na kita,
Hindi ko magawa gawa?

Eh sino ba ako, sa'yo?

Super duper best friend.

Magaling nga kung ganun,
At least alam kong may pinatutunguhan yung bawat araw nating pag kakausap.
Pero paano kung,
Acquaintances lang pala ang tingin mo
Sa kung anong mayroon tayo?
Grabe naman kung ganun.
Ako halos lahat na ng datos sa sarili ko at sa buhay ko nasabi ko na sa'yo
Pero ikaw nananatili pa ring misteryo.

Tagagawa lang ba ako ng thesis mo
Ng projects mo?
Taga-translate lang ba ako ng tagalog phrases mo?
Taga react na lang ba ako sa bawat salitang bibitawan mo
Taga asa na lang ba ako sa maaring maramdaman mo?

Ginusto kong tulungan ka sa project at thesis mo dahil gusto kong tumulong
At dahil para matutunan mo na din kung paano gumamit ng Microsoft Word.
Taos-puso ko yang ginagawa
Wala akong hinihiling na kapalit
Dahil sapat na sa akin na pinasasalamatan mo ako :)

Siguro para sa'yo
I'd just be that girl who'll be ready to listen anytime to your stories
Na eenjoy ko naman
Nakakatuwa ka magkwento.
Iniisip ko tuloy na baka komportable ka nang kausapin ako,
Kasi kahit mga bagay na hindi big deal naikukwento mo na sa akin.

Siguro para sa'yo
Ako lang yung babaeng lalapitan mo kapag magtatanong ka kung pogi ka.
Lagi ka namang pogi para sa akin.
Kahit na ilang sabi pa ng iba na hindi ka ganoon ka gwapo, para sa akin kamukha mo pa din si coco martin.

Siguro para sa'yo
Wala lang ako.
Kaibigan lang na napadaan,
Na okay lang kahit mawala ng biglaan,
Na hindi naging essential sa buhay mo.

Okay lang. Okay lang talaga.
Matatag na ako. Matatag at matibay.
Hindi na ako magpapatalo sa iyo.

My Biggest "AKALA"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon