An Open Poem to the Guy who Knows Me as Larah

29 0 0
                                    

Hindi ko itatanggi

Na sa bawat pagbanggit mo ng pangalan ko kinikilig ako
Kahit nga makita ko lang na tinype mo yung pangalan ko napapangiti na ako.
Talagang may pagka-babaw ang kaligayahan ko

Kaya pagpasensyahan mo na kung mabilis ding nahulog ang loob ko sa'yo.

Para sa'yo
Ako lang siguro yung babaeng nakikita mo dati sa school,
Nakakasalubong sa corridor,
Na tinatarayan ka sa tuwing magkakatinginan.

Tinatarayan kita
Kasi ayokong malaman mo na, may nararamdaman ako para sa'yo.
Ayokong dumating sa puntong,
Makikita mo yung mga kahinaan ko bilang tao.
Yung mga bagay na nakakapagpasaya sakin,
At yung mga bagay na nakapagpapalungkot sa akin.
Ngunit eto na ngayon,
Alam mo nang lahat at kilala mo na talaga ako.

Pero sinasamantala mo.

Ako pa rin ba kaya,
Yung Larah na tinitignan mo?
Yung Larah na palagi mong nababanggit;
Yung Larah na maganda sa mata mo?
Yung Larah na magaling magsulat ng tula
Yung Larah na "well-trained" at "well-educated"?
Yung Larah na namumula kapag nakikita ka
Yung Larah na pinagdadala ka ng school supplies
Yung Larah na nagsulat ng maiksing sulat sa'yo noon pero bawi naman sa effort,
Yung Larah na nagka-crush sa'yo
Yung Larah na mataray,
Yung Larah na matatag?

Parang,
Hindi na yata ako yan.

Nang makilala kita, nag iba na ako.

Hindi na ako yung dating Larah na sentimental,
Hindi na ako yung dating Larah na sobrang tutok sa studies,
Hindi na ako yung dating Larah na may sleeping schedule,
Hindi na ako yung dating Larah na soft-hearted,
Hindi na ako yung dating Larah na nagpaplano kaagad ng mga bagay-bagay.
Hindi na ako yung dating Larah na super organized,
Hindi na ako yung dating Larah na kahit maliliit na bagay ay binibigyang halaga,
Hindi na ako yung dating Larah na gullible at mabilis umasa.

Dahil sa'yo ang lahat ng yan.
Binago mo ako.
Binago mo ang maraming bagay na nakasanayan ko.

Pero,

Dahil sa'yo,

Ako na yung Larah na independent.
Ako na yung Larah na nakakatawid ng kalsada.
Ako na yung Larah na hindi mabilis mag expect.
Ako na yung Larah na optimistic.
Ako na yung Larah na happy-go-lucky.
Ako na yung Larah na matiyaga.
Ako na yung Larah na marunong mag-balance ng nararamdaman.
Ako na yung Larah, na hindi pumapayag na I'd receive less than I gave.

Maraming nawala,

Maraming nadagdag,

At maraming natutunan.

My Biggest "AKALA"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon