An Open Poem to the Guy Who Knew Me When He was Broken

27 0 0
                                    

Ano ba yan, nag break kayo.

Akala ko pa naman forever na kayo.
Pero bakit ganun,
Umasa ako bigla. Nag automatic eh,
Di ko na napigilan.
Sorry ha.

Alam ko naman na I'm way out of your league and vice versa-

Pero nagawa ko pa ding umasa.
Kahit konting pagtingin lang o?

Maganda yung ex mo.
Matalino.
Matangkad.

Yun lang alam ko sa kanya eh.
Bagay kayo.
Pero nag break kayo.
Tapos nandito ako.

So what haha

Walang wala ako 'dun

Maliit ako,
Hindi ako ganun ka talino,
Hindi ako maganda.

In short, di moko type.

Pero, okay lang.
Kasi diba, nandito lang naman ako for the sake na maging kaibigan kita
At hindi maging malaking parte ng buhay mo.
Ang taas kaya ng standards mo
Pati na rin pala yang pride mo.
Sa sobrang taas kayo na lang yatang dalawa ang maaring magkaabutan sa isa't isa.

Sabi mo dati,
"Only the best man can go to sea and only the best girl can be with the best man."
Hinahangad ko na,
Sana matagpuan mo na siya.

Para hindi na ako maging ganito sa'yo.

Baka kung saka sakali na may makapukaw na ulit ng atensyon mo,
Makapagpatibok ng puso mo,
Makapagpa-fall sayo,
Mawala na ako ng tuluyan sa buhay mo.

Kasi minsan ko na ding naisipang sumuko
Dahil sa tagal ko nang umamin sa'yo wala pa din
Hindi ko hinahangad ang magmadali
Nakakaramdam din naman ako ng pag-asa; di ako manhid
Wala lang akong matinong rason kung bakit kailangan ko pang maging involved sa buhay mo
Kaya iniisip ko na lang na umalis.
Para hindi na ako umasa pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Biggest "AKALA"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon