AYAN NA title pa lang ng part na 'to
FRIENDZONED na.
Lagi mo na lang iginigiit na ang pait pait ko.
Eh bakit ba hindi
Ilang beses nakong nahulog at nasaktan sa'yo.
Hindi ko naman sinasabing dapat mo akong mahalin
Pinili ko din namang mapunta sa ganitong kalagayan
Dahil masaya ako sa'yo
Dahil masaya ako kapag kausap kita,
Dahil masaya ako kapag nakikita kita,
Dahil masaya ako sa ginagawa ko,
Dahil masaya ako sa mga sinasabi mo sa akin--Maliban na lang kapag nailabas nanaman yung usapan na hanggang magkaibigan lang tayo.
Nawawalan nanaman ako ng pag-asa
Iniisip ko nanaman na bitawan ka
Kahit na alam ko sa sarili kong hindi ko kaya.Alam mo naman ito eh,
Alam mo naman na ganito ang nararamdaman ko para sa'yo.
Grabe ka kung maka- patay malisya
Ang sakit tuloy sa puso.Sa bawat pagtanggi mo, nararamdaman ko
Na nagkulang pa ako.
Pinararating mo ba na,
Hindi ko nasabi ng ayos sayo
Ang nais kong sabihin?
Kaya sa bawat tula,
Sa bawat pag-amin,
Sa bawat paliwanag,
Sinasabi ko nang lahat.
Sinasagot ko ang lahat ng tanong mo kahit na ayaw kong sabihin,
Dahil igigiit mo nanamang
Ang hina mo sa akin.Ang lakas lakas mo nga eh,
Ang lakas lakas din ng tama ko sa'yo.
Kahit ano pang banggit mo na
"friends" lang tayo,
Kahit ano pang sakit na malaman na okay lang sa'yo kahit tuluyan na akong lumayo,
Iniisip ko na lang na"Sus, sabi mo lang yan. Mamimiss mo din ako."
Paano na lang kung hindi?
Eh di umasa nanaman ako.
BINABASA MO ANG
My Biggest "AKALA"
ŞiirSabi ko doon sa nauna kong tula (Para Sa Lahat), hindi na ako magsusulat ng isa pang tulang handog. Pero ito na eh, nag request sya. Ganun ba ako ka galing? Charot. So, for the sake of poetry, I'm gonna give it another shot tutal sa kanya lang nama...