TWO

280 6 1
                                    

Maligayang Pagdating!

Nakasilip lang ako sa bintana ng van nang mapansin kong wala na masyadong bahay at puro puno nalang ang makikita mo.

Napansin ko din na parang kanina pa kami pabalik-balik. Kinakabahan na ako at kinutuban baka nga dapat na talaga kaming bumalik? Tsaka bakit ba ang tagal ng byahe namin? Buong maghapon na kaming bumabyahe ahh. 

"Cleo! Tama ba tong dinadaanan natin?" may halong takot na tanong ko kay Cleo na seryosong nag da-drive.

Kunot noo niya akong nilingon at saka binalik ang tingin sa daan.

"Oo naman bakit mo naitanong?" Parang naiinis na tanong niya pabalik sa akin.

"Para kasing pabalik-balik nalang tayo eh?" nag-aalangan kong sagot. Alam nyo naman yan, takot ko lang dyan.

"Ano ka ba? Hindi noh! Psh! Baka imagination mo lang yan! Mabuti pa matulog ka na at kanina ka pa gising kaya kung ano-anong naiisip mo!" tumango nalang ako kahit alam kong di niya nakita yun.

Tahimik nalang akong sumandal at pilit na ipinanatag ang loob at natulog.

Mga limang minuto pagkatapos kong magising ay bigla kaming napahinto. Madilim na din sa labas at nakakatakot talaga dahil sa madilim na nga ay wala ka pang makikitang mga bahay kundi mga puno lang at weird na huni ng mga kulisap.

"Bakit tayo huminto?" takang tanong ni Terrence.

"Pare! Malas wala ng gas!" anunsyo ni Cleo

"Hah?" React nila Ry, Janna at Steph.

"Diba nagpa gas pa tayo kanina?" tanong ni Chandra.

"Ewan ko nga eh bigla nalang nawalan." napailing pang sabi ni Cleo.

Bumaba kaming lahat sa sasakyan. Nakakangawit na din kasi dahil maghapon na kaming nakaupo.

Agad kong tinignan ang cellphone ko at di napigilang madismaya nang makitang walang signal.

"Ano ba yan! Wala man lang katao-tao o kaya kabahay-bahay natatakot na ko" Tama si Lorraine, wala nga talagang tao o bahay man lang dito.

Kahit signal ay wala rin. Buti nalang at di ganon kaarte tong mga kaibigan ko kung hindi nasapak ko na sila, sadyang matatakutin lang talaga sila.

"Oo nga eh! Tanong mo nga kung malayo pa tayo?" Medyo mahinang sabi ko.

"Medyo malapit na tayo, Yun nga lang ay nawalan tayo ng gas pero inutusan ko na sila Terrence na humanap ng mabibilan ng gas." narinig pala ni Cleo yung tanong ko.

Saan naman kaya makakahanap ng gasolinahan yung mga yun eh ni bahay nga wala eh, gasolinahan pa kaya? Ayos lang sana kahit walang bahay, kahit mga street lights lang sana meron, okay na kaso wala din kaya mas nakakatakot.

"Saan naman kaya makakahanap ng gasolinahan yung mga yun? Eh ni isang bahay nga wala eh! Gasolinahan pa kaya?" parehas pala kami ng naiisip ni Janna.

"Oo nga eh! Nako kung wala nga lang kalsada to iisipin kung nasa gubat tayo eh. Tignan nyo oh puro puno ni wala man lang street lights o ano pa man!" Palinga linga pang sabi ko.

Nagpalinga linga din sila ng tingin.

Ilang oras na din siguro kaming naghihintay sa pagdating nila Terrence

Nakaupo lang ako sa may loob ng van kasama si Lorraine. Nagsa-soundtrip ako habang siya ay nagsusuklay ng buhok. Samantalang ang iba ay mga nasa labas ng sasakyan.

VILLA CATALINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon