FIFTEEN

79 2 0
                                    

NERISSA

Hindi ko mapigilang mapangisi habang pinagmamasdan si Nenita at Louie. Nasa garden ang mga ito at masayang nagtatawanan. Hindi ko inaasahang madaling mapapalapit si Nenita kay Louie, alam kong marupok siya pero hindi ko sukat akalain na ganito siya karupok. Sa ngayon ay mapapadali na ang lahat ng mga plano ko.

Pinagmasdan ko ang maamong mukha ng aking kapatid, hindi maitatago sa mukha niya ang kilig lalo pa at binigyan siya ni Louie ng isang bouquet ng bulaklak. Bahagya niya pa itong inamoy at napahawi sa buhok niya. Tss. Ngayon lang ba siya nakatanggap ng bulaklak?

Napairap nalang ako dahil sa kababawan ng kapatid ko. Hindi ko na gusto na pagmasdan pa sila kaya nagpasya na akong pumasok sa loob nang biglang sumulpot si Gabriel at humarang sa dinaraanan ko.

"Nerissa nasaan si Nenita hah? Tinatago niyo ba siya sa akin?" galit na galit ang tono na iyon ni Gabriel at mariin pa niya akong hinawakan sa braso.

Nasaktan ako sa ginawang paghawak na yun ni Gabriel at alam kong magpapasa ito kaya naman masama ko siyang tinignan.

"Ano ba Gabriel, huwag ka ngang mag eskandalo dito. Hindi namin tinatago sa'yo si Nenita." Kunot noo kong sabi sabay hawi sa kamay niya.

"Huwag mo nga akong niloloko Nerissa. Kung hindi niyo siya tinatago bakit hindi siya pumupunta sa tagpuan naming dalawa?" Napairap naman ako sa kanya. Bakit ba kasi baliw na baliw siya kay Nenita.

"Baka naman ayaw ka lang talaga niyang makita."  kalmadong sabi ko sa kanya. 

Mag iisang linggo na din kasing hindi nakakaalis si Nenita dahil nakabuntot sa kanya sa Louie. Bantay sarado din siya ni itay kaya hindi niya magawang makapuslit. Alam kong atat na atat na si Nenita na puntahan si Gabriel pero syempre kailangan nating palabasin na hindi na siya gusto ni Nenita at kailangang natural ang pag arte ko, kunwari may concern.

"Hindi ako naniniwala sa'yo. Tinatago niyo lang siya sa akin. Gusto niyo na naman siyang ilayo sa akin." 

"Nenita! Nenita lumabas ka diyan!" sigaw ni Gabriel. Napairap nalang ako sa kawalan. Bakit ba ang kulit netong si Gabriel? 

"Manahimik ka nga! Huwag kang manggulo dito baka makita ka ni itay." saway ko sa kanya sabay hila sa kanya papunta sa malaking puno ng Narra

"Wala akong pakialam kahit makita pa ako ni Mang Gardo. Gusto kong makita si Nenita kaya pwede ba tulungan mo akong makita siya." napapikit ako ng mariin dahil sa inis. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"Pasensiya ka na Gabriel pero si Nenita na mismo ang ayaw makita ka. Ayaw kong sa akin manggaling pero may iba nang kinalolokohan ang kapatid ko." malungkot ang tonong sabi ko pero lihim akong napangisi. Natahimik siya sa sinabi ko at para bang hindi makapaniwala.

VILLA CATALINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon