THREE

246 7 1
                                    

Dople Ganger

Maaga akong nagising, pero nakahiga lang ako.

Nakita ko si Chandra na bumangon kaya sinitsitan ko siya.

"Pst!" hindi siya lumingon. Hindi niya yata narinig ang sitsit ko.

"Pst! Chandra!" hindi masyadong malakas na tawag ko. Baka magising kasi tong mga ugok na natutulog dito.

Hindi pa din niya ako nilingon. Nakakapagtaka naman kailan pa naging bingi tong babaeng to?

Pumasok siya sa may cr, yung cr kasi nasa loob lang ng kwarto.

Hinintay ko siyang lumabas para sabay kaming bumaba.

Limang minuto ko siyang hinintay na lumabas pero hindi pa din siya lumalabas. Baka tumatae lang yun, kaya napagdesisyunan kong bumaba nalang mag-isa.

Pagbaba ko dumiretso ako sa garden.

Nagulat ako sa nakita ko.

"Hoy babae!" sigaw ko ng makita si Chandra na nakaupo at umiinom ng juice.

Nilingon niya ako, kaya naman lumapit ako sa kanya at naupo sa kaharap na upuan.

"Bakit hindi kita nakitang lumabas?" takang tanong ko. Nakakapagtaka kasi talaga ni hindi ko man lang siya nakitang lumabas sa cr o sa kwarto tapos nauna pa siya sa akin dito sa may garden.

"Gaga! Paano mo ako makikitang lumabas eh tulog pa kayo noong lumabas ako." halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ano? Kanina ka pa lumabas? Edi kanina ka pa nandito?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi naman pero kanina pa nga ako lumabas. Madilim pa noong bumaba ako. Teka bakit ba?"

"Eh kung kanina ka pa nandito? Edi.. edi?" sh.t sino yun? Dople niya?o ano?

"Oy edi ano?" kunot noo niya akong tinignan at parang nawiwirduhan pa sa akin.

"Ehh sino yung babaeng tinatawag ko kanina sa kwarto bago ako bumaba? Nag cr pa nga ehh..."

"Ano? Seryoso ka? Baka naman nag jo-joke ka lang?" Mukha ba akong nagjo-joke?

"Nag cr ka ba bago ka bumaba?" seryoso kong tanong

"Hindi! Baka naman kasi hindi ako yung nakita mo?"

"Imposible! Ako yata ang pinagti-tripan mo eh!"

"Hindi ah! Seryoso nga ako Nica, kahit itanong mo pa si Mang Gardo, kanina pa ako nandito." Mahabang paliwanag niya.

"Eh bakit katabi pa ni Darren?" Hindi pa din ako makapaniwala na hindi nga siya yung nakita ko.

Nagkatitigan kami.

"Ahhh!" sabay naming sigaw

"Hala baka may multo dito?" natatakot na sabi ni Chandra kaya napasigaw ulit kami.

"Hala baka totoo yung sinasabi ng matanda?" napasigaw na naman kami

Tsaka lang kami napatahimik noong may marinig kaming sumitsit sa amin.

"Pst!" nagkatinginan ulit kami saka sumigaw

"Ahhh!!!" sigaw namin na makabasag eardrums. Wala na kaming pakialam kung ano mang isipin sa amin ng makakakita sa amin dito.

"Hoy!" nakita namin si Logan na papalapit sa amin

"Ano ba kayong dalawa? Ang ingay-ingay nyo, bakit ba kayo sigaw ng sigaw?" Iritableng tanong niya at nakatakip pa siya ng tenga.

VILLA CATALINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon