26

197 15 0
                                    

Chocolat's P.O.V

Tinignan ko ang cellphone kong tunog ng tunog,

Its been how many days since nung umalis ako sa bahay, alam kong nag-aalala na sila sa akin lalong lalo ni si Freyah at si Kuya Hunter..

Nandito ako sa hospital ngayon, tumatambay lang lang.

Di joke!!

Ang totoo niyan may sakit kasi ako, at walang ibang may alam kundi ako lang...

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa table atsaka ito inoff, dahil bawal daw akong gumamit ng cellphone.. Bumukas ang pinto at iniluwa non ang nurse ko..

"Hi Choco, Kumusta?" Tanong niya sa akin

"Kailan ba ako makakalabas dito ate Wessley?" Ngumiti lang siya sa akin atsaka ginulo ang buhok ko.. Alam ko na agad ang ibig sabihin non..


It means matagal pa akong mananatili dito.. Miss ko na silang lahat, lalong lalo na si Aquarius....


"Wag kang mag-alala Choco, pwede ka nang lumabas bukas pero babalik ka pa rin after 2 months" agad nanlaki ang mata ko sa sinabi ni ate Wessley..


"Talaga po?" Niyakap ko si Ate Wessley at niyakap din naman niya ako pabalik..



*kinabukasan*


Nakauwi na ako sa bahay at wala si Kuya Hunter, nagulat pa nga yung mga katulong namin pagkakita nila sa akin.. Dumeretso nalang ako sa kwarto ko at natulog nalang..


Nagising nalang ako dahil may  narinig akong maingay sa baba, parang ang daming tao.. May bisita kaya si Kuya?


Bmangon na ako at agad na nagtungo sa baba at nakita ko ang mga tropa ni kuya pati na si Aquarius... Literal na lumaki ang mata nila pagkakita nila sa akin...



"Serene!" Tumakbo patungo sa akin si kuya atsaka ako niyakap, nagsitayuan naman ang iba atsaka lumapit sa akin


"Saan ka ba galing?"


"Wonderland" biro ko sa kanya kaya naman sinamaan niya ako ng tingin


"Hi Choco" bati nilang lahat sa akin pero kay Aquarius lang ako nakatingin.. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako pabalik sa kanya..

ChocolatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon