Chocolat's P.O.V
Natulog ako ulit matapos kong ichat si Kuya pero nagising naman ako dahil sa mahinang pagtapik sa mukha ko. Sina Freyah na siguro to...
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang mga kaibigan ko.. Isa-isa silang lumapit sa akin atsaka ako niyakap..
"May practice ba tayo ngayon?" Tanong ko sa kanila
"Sa lagay mong yan? Seryoso ka Bie?" Nakapamewang na tanong ni Freyah
"Chocs we know you're not okay, you can tell us what's wrong, we're your friends after all" Sabi ni Harper atsaka ako inakbayan, nagsilapitan naman ang iba at nag group hug kami...
Di ko namalayan na umiiyak na pala ako kaya naman kumalas silang lahat sa yakap.. Nakatingin lang sila sa akin habang umiiyak ako, I don't really show my weak side to them pero ewan ko ba, ang hirap kasing pigilan eh..
"Iiyak mo lang lahat Bie, Sa baba lang kami, bumaba ka kapag handa ka nang sabihin ang problema mo" sumenyas si Freyah na lalabas muna sila kaya nagsilabasan na silang lahat at naiwan akong mag-isa..
Naiinis ako sa sarili ko...
Naiinis ako kasi ang babaw ko....
Nasasaktan ako sa simpleng mga salita na binitawan ni Aquarius, kahit na sanay naman na akong marinig yun mula sa bibig ng mga kaibigan ko..
Ganon na ba kalala ang nararamdaman ko para sa kanya at sobra nalang akong nasaktan sa mga sinabi niya sa akin?
Alam kong tanga ako kasi bigla nalang akong umasa na magugustohan niya rin ako, kahit naman sisihin ko pa ang sarili ko wala rin namang magbabago
Hindi ako galit kay Aquarius,
Hindi ako desperada para humabol sa taong ayaw sa akin,
Di ko sasayangin ang ganda ko kahahabol sa taong di ako kayang mahalin.. Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo...
Pero bakit ganito?
Mahal ko parin siya?
Ang daya daya naman ata, Di pa pwedeng nagmahaal ako sa taong mahal din ako?
Kung sana si Forest nalang ang nagustuhan ko, magiging masaya kaya ako? Sana nga si Forest nalang ang nagustuhan ko..
Pinahiran ko ang luha sa pisngi ko atsaka ngumiti ng mapait..
Maybe hindi pa ngayon..
But Ill move on from him
Ayaw ko na, awat na ako.. Sobra na ang sakit...
Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko atsaka nagtungo na sa baba, nadatnan kong nasa sala silang lahat at parang ang seryoso naman ata ng mga mukha nila..
"Mga dyosa" napatingin silang lahat sa akin
"Okay ka na?" tumango lang ako sa tanong nila, kahit ang totoo niyan di pa talaga ako okay, ayaw ko lang na mag-alala sila...
"Tell us now, di ako mapakali sayo eh" Freyah
"Sa kwarto ko nalang sasabihin" sumnod naman sila sa akin. Pagkapasok naming lahat sa kwarto ay agad ko namang kiniwento sa kanila yung nangyari..
"Kailangan talaga nating galingan ang practice natin para sa sing & dance contest para nga nga siya sayo Choco" ngumiti lang ako
"Dapat lang, at ako na ang bahala sa mga susuotin natin" sabi naman ni Alina
"Okay" pagsang ayon naming lahat.. Nagkuwentohan lang kami hanggang sa nagdesisyonan nila na umuwi na...
"Salamat mga dyosa"
"Wala yun Choco ikaw pa" Scarlett
"Ge na babush" Sabi ni Freyah atsaka kumawaykaway pa talaga habang naglalakad na siya palayo...
BINABASA MO ANG
Chocolat
Teen FictionChocolat Hong messaged you [ Epistolary #1 ] (Mingyu x Nayeon)