Ang Naiwang Nota sa Aking Musika

35 2 0
                                    

Ang Naiwang Nota sa Aking Musika

Hayaan mong ikuwento ko
ang musikang tumatak sa aking isip at puso
Bawat pagbigkas at tinig, ay boses na napakalamig
Kay sarap pakinggan, hindi ko alam kung paano tigilan

Sa umpisa ng musika ay napakasaya
Hindi ko alam na lungkot, ay darating pala
Ni hindi ako handa kaya isang nota ay sumala
Lingid sa kaalaman na ang notang iyon ay ikaw pala

Tanggapin, tigilan, tantanan
Bakit tila ito yata ang notang ayaw kong pakinggan?
Siguro'y dahil sa bawat pagtipa ng gitara ko
Hindi na sumasabay ang boses mo

Alam kong mayroon nang bago sa musika mo
Bagong sinasabayan ng ikaw at ako
Ang aking pagkapit, ay pagpuno ko ng sakit
At itong bawat sakit ay gusto kong sumalangit.

Kaya sa ayaw ko man o gusto
Kailangan kong bawasan
ang nota sa musika ko
Hindi ko pinili, nagbabakasakali. Pero hindi. . .


Sa musikang ito, wala na akong kasabay
Mag-isang tumutugtog, ngunit musika'y may buhay
Masasabi kong hindi ko man nakuha ang tamang tono

masaya akong dumating ka sa musika ko.  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Naiwang Nota sa Aking Musika Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon