Chapter Five

61.7K 984 82
                                    

                                ~oOo~

Ilang buwan na ang nakalipas pero ganoon parin ang set up namin ni Angelo, palagi siyang umuuwing lasing sa gabi o 'di kaya'y umuuwi ng madaling araw na lasing. Sobrang lamig ng pakikitungo niya sa akin, hindi nga niya pala talaga ako pinapansin. Kahit na buntis ako ay ginagalaw niya parin ako at palagi niyang sinasabi kung gaano niya ako kinamumuhian.

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Umiiyak lang ako kapag tulog o wala na siya, sinubukan kong umalis. Ilang beses kong sinubukan pero hindi ko magawa, hindi ko alam pero kapag aalis na ako ay palaging may pumipigil sa akin. Palagi rin akong napapaisip katulad ng, kung aalis ba ako ay mabubuhay ko ba ang batang dinadala ko?

Magiging maayos kaya siya habang dinadala ko siya? Ano ang magiging buhay naming dalawa kapag nailuwal ko na siya? At marami pang iba, pero napaisip rin ako kapag hindi ako umalis ay, ano nalang ang magiging buhay ng batang dinadala ko dito?

Palagi ba siyang sasaktan ng Ama niya? Tatanggapin kaya siya nang Ama niya paglabas niya? Matatanggap kaya siya nang pamilya ni Angelo? Pero naisip ko rin na posibleng kapag lumabas na ang batang ito ay mamahalin siya nang Ama niya, tatanggapin at aalagaan, kase kahit anong gawin niya ay anak niya parin ito.

'Yan ang palagi kong dalangin, na sana matanggap niya ang anak niya sa akin, kahit ang bata nalang, kahit 'wag na ako. Alam ko naman kung ano ako sa buhay niya. Napaisip rin ako, paano na kaya ako kapag naipanganak ko na ang bata? Dito parin ba ako titira o palalayasin na niya ako? Naiisip ko palang ang huli at hindi ko yata makakaya. Hindi ko kayang iwan ang anak ko, Ina niya parin ako at kailangan niya ako. Gusto ko ako mismo ang mag-aalaga sa anak ko, gusto kong masubaybayan ang paglaki niya. Gusto kong marinig kung ano ang unang salita na maibibigkas niya, makita ang unang paglakad niya, lahat ng bagay na una niyang magagawa at malaman ng anak ko.

Gusto ko nandoon ako sa tabi niya sa lahat ng oras.

Aalagaan ko pa siya, mamahalin ng buong-buo at ipapakita ko sa kanya kung gaano kaganda ang mundong ginagalawan namin.

Malalim na hangin ang pinakawalan ko. Nakarinig ako nang marahang pagkatok sa pintuan, bumukas ito at bumungad sa akin ang masayang mukha ni Manang Minda. Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko. "Hija, may check-up ka mamayang hapon sa OB mo sabi ni Angelo." Nagulat ako sa tinuran ni Manang Minda. Sa anim na buwan kase na namalagi ako rito ay hindi pa ako nakakapagcheck-up ni minsan.

"T-talaga po?" Sabi ko, tumango ito sa akin at hinaplos ang malaki kong t'yan. "Oo, sasamahan ka raw ni Angelo." Nanlaki ang dalawang mata ko, ako sasamahan ni Angelo? Ngumiti si manang Minda sa akin. Hindi ako makapaniwala. "Kung iniisip mo na balewala lang sa kanya ang anak niya, nagkakamali ka, Hija. Hindi niya man sabihin pero nakikita ko, excited na siyang makita ang anak niya sayo. Alam mo bang nagtatanong siya sa akin kung nakakain ka na ba, o kung may masakit ba sayo? Nag-aalala rin sayo 'yun." Nakaramdam ako nang saya sa sinabi ni Manang Minda. Parang hinaplos ang puso ko sa nalaman ko, ngayon alam ko na ang mangyayari sa anak namin paglabas niya.

Mamahalin siya nang Ama niya. Lihim akong napangiti sa naisip ko.

"O, siya. Ala una ng hapon ka niya susunduin mamaya, matulog ka muna kung gusto mo. Gigisingin nalang kita." Sabi niya sa akin. "Thank you po, Manang." Nakangiti kong sabi at umalis na ito. Nang makalabas na ng tuluyan si Manang ay hinaplos ko ang t'yan ko. "Narinig mo 'yun, anak? Magpapacheck-up ako mamaya tapos sasama ang daddy mo sa atin, siguro malalaman narin namin kung babae ka ba o lalaki." Umayos ako nang higa at nagbasa na ng libro, mamaya nalang ako mag-aayos.

His Property(Published On Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon