Prologue

114 4 0
                                        

''Kuya... Kuya... Pakiusap gumising ka. Huwag mo akong iiwan.'' Nanginginig at nanghihinang tawag ko sa kanya. Habang abot tanaw ko ang kanyang pigura.

Pinilit kong gumapang at kumilos patungo sa lugar n'ya. Kahit sumasakit ang buo kong katawan. Hanggang sa marahan kong naabot at tinapik ang mukha ni kuya.

Pero hindi tumutugon si kuya at nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata. Natatakot ako sa posibleng mangyari sa kanya. Kaya bigla akong napahagulgol ng iyak.

Hindi ko na rin alinta ang malakas na buhos ng ulan at ang lamig na hatid nito sa aking katawan.

Si kuya...

Si kuya lang ang mahalaga.

Napatigil ako sa pag-iyak nang biglang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa aking noo at nakapa ko ang mainit na likidong lumalabas dito.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kulay pulang likido.

Dugo!.

Hanggang sa hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na pangyayari. Sapagkat ako ay nahulog na sa madilim na karimlan.

Naging blanko na ang lahat.

Somebody to YouWhere stories live. Discover now