Chapter 6

67 2 0
                                        

"Franz's POV"

~*~

Kasalukuyan akong andito sa cafeteria at gaya ng nakasanayan kasama ko ulit yong kambal. Pero ngayon nakiusap ako kay Shun, na bilhan nalang ako ng pagkain.

Samantalang ako naman ang siyang nagpresentang maghahanap ng bakanteng mesa na mapwepwestuhan namin.

Mahirap na rin kasing mawalan kami ng makakainang lugar. Lagi pa namang busy at punuan dito sa cafeteria.

Habang nasa pila sila. Sinimulan ko ng maghanap ng pwesto. 

Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar at napangiti ako ng agad  makakita ng bakanteng mesa.

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at nagmadaling nagtungo sa mismong lugar na yun.

Aba!. Mahirap ng maagawan ng iba.

Ilang minuto na rin ang lumilipas mula ng makahanap ako ng pwesto pero wala pa rin yong dalawa.

Medyo naiinip na nga ako sa pag-aantay. Pakiramdam ko tuloy tutubuan na ako ng ugat sa kakaupo.

Tumingin ako sa dereksyon nila at napangiwi ng makitang sobrang haba pa ng pila.

Bakit kaya 'di pa magdagdag ng iba pang cafeteria ang school namin?.

Siksikan na kasi at inconvenient na sa'ming mga students.

May budget naman siguro para dun 'di ba?. Sa mahal ba naman ng tuition fee namin.

Hindi naman siguro nakakahiyang sabihin. Na dapat mag-expand na sila.

Andami na kaya namin.

Haist!. Bahala na nga sila sa issue na ito. Meron naman Student council.

Sana nga lang maisip din nila ang ganitong sitwasyon.

Sa ngayon wala yata kaming magagawa kundi magtiis muna sa crowded na cafeteria.

Haist!.

Honestly, ang boring ng araw nato.

Wala naman masyadong ginawa maliban nalang dun sa mga brief discussion ng mga past lessons namin at pagbibigay ng pre test.

Sabagay papalapit na kasi yong exam. Kaya mga pointers nalang ang binibigay ng teachers.

Pumasok nga pala ako ng napakaaga kanina.

Iniiwasan ko kasi na makita ako ng mga tuko este mga fangirls ko pala.

Dangan naman kasi ang mga yun.

Nasa kabilang side yong building nila pero dumadayo sila dito para lang mangstalk. Pambihira!.

Alam naman nilang bawal na magpunta sila dito sa area namin.

Dahil nga dapat focus sila dun sa mga gawain nila.

Scholars nga sila ng  school at sinadyang ibukod sila.

Pero yun nga, mga pasaway.

Nakakaasar na sila.

Wala bang hot and handsome na kagaya ko sa department nila?.

Di joke lang with smirk.

Sabagay mukha kasing mga nerd yong mga guys dun.

Mas gusto yata nila pakasalan yong mga Robots na designs nila.

Eww!

Crazy and Weird!.

And speaking of weird.

Ilang araw ng absent yong si Miss. Wierda.

Somebody to YouWhere stories live. Discover now