Franz's POV
~*~
Nagulat ako ng biglang may bumundol sa akin. Di ko tuloy mapigilan na mainis sa nangyari. Malawak naman kasi tong room namin tapos babanggain pa ako.
Ang galing naman.Napaigik pa ako sa sakit. Feeling ko kase pinalo ako ng dos por dos sa lakas ng impact. As in sapol na sapol ang likod ko. Kaya naman nilingon ko agad kung sino ang maswerteng nilalang na bumangga sakin. Sabay sabi ng kung ano dito pero hindi ko naituloy ang nais sabihin.
Creepy!
Si Alona kasi yong nakaharap ko. Kaya napatigil ako sa pagsasalita at piniling huwag nang ituloy ang sasabihin.
Kahit pa nga gustong gusto ko na sanang sigawan s'ya at sabihin sakanya na...
"Magdahan dahan at tumingin sa dinadaanan niya, dahil di naman siguro s'ya bulag."
Pero...
Huwag na.
Di ko na itinuloy, kasi wala rin namang mangyayari. Parang wala naman kasing nakikita ang babaeng to at parang hangin lang s'ya na dumaan sa harap ko. Di nga nag- abala na humingi ng paumanhin sa ginawa niya. Ayun nagmartsa lang s'ya patungo sa lugar n'ya.
Tsk! Tsk!. Ang weird talaga ng isang to!. Lagi nalang walang pakialam sa paligid n'ya. Kahit nga siguro lumindol wala parin siyang gagawin. Haist!
Kaysa tuluyang mabadtrip at mainis ay nagpasya nalang akong umupo . Panira talaga ng araw pero ano pa bang magagawa ko?. Sa ganun talaga yang si Alonah. Always wierda!.
Maya maya pa ay dumating narin ang teacher namin at nagsimula ng magturo.
Nagingsmooth naman ang kabuoan ng klase namin.
Hindi nakakabagot dahil magaling naman magturo ang mga teachers dito sa school.Nagtest pa kami sa Geometry. Piece of cake! Super easy naman kase ng test namin.
Isa kasi ang " Math" sa favorite subject ko. Second syempre sa "Physics". Mas love ko kasi ang Science. Anything na may kinalaman sa Agham. Kaya Okey na okey sa akin at hindi naman sa pagmamayabang pero malaki ang nakukuha kong marka sa mga subjects nato. Kaya pinagbubutihan ko pa.
Hindi naman ako "Genius" at hindi rin ako "GC". As in "Grade Consious". Average lang din naman ako. Sadyang nagsisikap lang ako. Gusto ko kasing magtapos sa highschool.
Dahil nga madali lang sa'kin ang suprise test ni Mam Terra. Ang "Terror Teacher" namin, ay maaga kong natapos ang test niya.
Nagdouble check pa nga ako sa test paper ko at confident naman ako na tama lahat ng sagot ko sa test kaya napangiti pa ako at pinasa na ang papel ko.
Tamang tama pa, kasi ilang minuto lang pagkatapos kong magpasa ay tumunog na ulit ang school bell.
Hudyat na tapos na ang Math Period at syempre masaya at relieve na ang lahat dahil tapos na ang kanilang kalbaryo.
At sino bang hindi matutuwa?. Kapag ang usapan ay Recess. Ang pinakapaboritong subject, ay este paboritong time pala ng mga stupident! Lol!
Sumabay na din ako sa paglabas ng mga classmates ko na tuwang tuwa dahil sa RECESS!.
~*~
''Cafeteria''
Akala ko sa isang taon pa kami matatapos sa pagbili nang pagkain sa canteen. Sa sobrang haba ba naman ng pilang sinuong namin. Halos mapapamura kana lol!.
"Gosh!, I'm so hungry. The tenants on my stomach having rally right now!." Ayan narinig kong maarteng palatak pa ni Mia. Isa sa pinakaclose kong kaibigan habang dala dala ang tray na may laman ng binili nitong mga pagkain.
Kasalukuyan kasi kaming naghahanap ng mapwepwestuhan para makainan. Halos punuan na kasi kaya kailangan na namin maghanap ng bakanteng mesa.
''Ang ingay mo talaga at sobrang takaw mo." naiiritang sabi dito ni Shun. "Andami mo pang binili, ayan nagtagal pa tuloy tayo tsk!"
''Hmp!. Sa gutom na gutom na ako eh, paki mo ba? Kaya ko naman tong ubusin eh!"
Ops!. Here we go again!.
Habang naglalakad kaming tatlo ito nanaman ang dalawang to. Parang mga aso at pusa. Lagi nalang silang nagtatalo at hindi magkasundo sa mga bagay bagay.
Naisip ko tuloy minsan na baka di talaga sila " k". As in Tutuong "Kambal" Sobrang layo kasi ng ugali nila sa isa't isa. Nagkamali lang siguro yong doktor na nagpaanak dito sa mga to. O baka naman nabiktima sila Aunte ng child swapping sa Ospital.
Huwag naman sana. Though baka mas maintindihan ko pa kung bakit sila ganito.
Dapat kasi malapit sila diba? kasi nga kambal sila at lagi magkasama. Kaya dapat sanggang dikit sila.
Pero iba yata sa kaso ng dalawang to. Mukhang mga ewan eh.
Puro bangayan nalang. Bakit ko ba sila natagalan makasama?. Ang hirap kaya nila spellingin.
Meet my Twin bestfriends ...
'' Mia Ella Kim '' Ang kaibigan kong kamukha ni Shin- Min -Ah, yong lead actress ng Korean drama na My Girlfriend is a Gumiho at Arang and the Magistrate.
Ang ganda niya diba?.
Super ganda niya. Kaso lang reyna s'ya ng katakawan at bukod pa dun. Daig pa nito ang mga talkshow host sa kadaldalan. Walang break ang bibig nito kung makapagsalita.
Kinaiinisan naman yun ng kapatid niyang si '' Shun Ju Kim'' Her twin brother.
Magkakambal sila pero gaya ng sinabi ko kabaliktaran ni Mia si Shun.
''Shun Sungit''. Yun ang bansag sakanya ng mga girls dito sa school namin.
Dahil super cold at snob kasi nito sa lahat ng girls. Sayang ang pogi pa naman nito.
Look alike pa naman nito si Kim - Bum. Isa ding sikat na Korean actor.
Pero yun nga...
Super suplado nito at di masyadong nagsasalita. Kj kasi si Shun. Lagi nga lang may nakapasak na ear phone sa tainga nito kapag walang ginagawa.
Minsan nga hinablot ko yong earphone nya. Kasi pinagtripan ko s'ya and guess what?. Nakakagago din tong si Shun. Kasi wala naman palang music na pinakikinggan. Baliw din ang isang to.
Kaya ayun nga asar na asar tuloy lagi itong si Twin sis niya.
Nga pala di naman masyadong nakakapagtaka kung bakit mukha silang Koreans. Kasi half Filipino and half Korean yung kambal.
Mayaman din sila. Their family owns a textile company. Supplier sila ng mga mamahaling tela that was known worldwide.
Sa Gangnam district din sila nakatira sa korea. Isa sa lugar kung saan mayayaman ang nakatira.
Pagpumunta ka sa bahay nila. Naku malulula ka sa ganda.
Their father was my dad best pal.
That's why, we are close and they are also my childhood friends. kaya kabisado ko na ang saltik ng dalawa.
''Just shut up Mia! '' Nababanas na sagot ni Shun. Patuloy parin sila sa pagtatalo.
'' Abat! Sumu---"
"Hep! Hep! Hep!" awat ko na sakanila. Bago saan pa mapunta ang umiinit nilang bangayan. Siguradong mag-aaway nanaman ang mga ito. Kaya pinigilan ko na.
''Guys, Calm down okey?. Doon tayo pwesto!. '' Turo ko sa may dulo kung saan may bakanteng mesa. Pumagitna pa ako sa kanilang dalawa para matigil na sila.
"Great!'' nahagip kong bulong pa ni Mia. Bago nagmamadaling nagmartsa patungo sa itinuro kong mesa.
Halatang naiinis ito kay Shun. Na poker face lang habang sumasabay sa akin. Muntik ng magkaworld war.
Buti nalang napigilan ko. Pinagpawisan tuloy ako bigla ng malapot.
Kumain naman kami ng matiwasay pagkatapos. Thanks to God. Wala man silang pansinan habang kumakain at least kahit pano tumahimik sila at naging maayos kami.
Hirap talaga magpalaki ng mga bata.
Let there be peace on earth!.

YOU ARE READING
Somebody to You
Teen Fiction"Alona Forever Alone" The Famous School Weirdo, Alona already accepted this Fate. Struggling in keeping up in her daily Senior High School life. Alona didn't care about the people in her surroundings. She's stuck up in her own world and not minding...