UNO

16 1 0
                                    

"Good morning, Anna." bati sa akin ni Nanay Love, ang aming kasambahay. Siya ang pinaka-close ko sa lahat ng kasambahay namin. Simula kasing nagka-isip ako siya na ang tumayong Ina para sa akin at sa aking kapatid na si Andrew.

Ngumuti ako para sa aking tugon. Umupo ako sa may sofa at binuksan ang laptop na hawak ko. Habang hinihintay ko mag-loading ang laptop ko, tinignan ko si Nanay Love. "Nanay Love?"

"Yes, Anna?" sabi ni Nanay Love habang naglilinis sa may table kung saan nakalagay yung mga pictures namin. Nakita ko hawak niya ang litrato ng aking Ina kasama si Ama na halatang masaya sa araw na kinuhanan silang dalawa, sa pagkaka-tanda ko buntis si Ina kay Andrew diyan. Habang nakatingin ako sa litrato ngumiti ako ng mapakla.

"Nasan po si Andrew? Kumain na po ba siya? Paki-sabi naman po, sabayan niya ako kumain." sabi ko sa kanya habang nakatingin parin sa litrato. "Di ko po kasi siya nakita sa kanyang kwarto." saka binalik ang aking paningin sa laptop.

"Anna, kumain na si Andrew atska nasa pool area siya kasama ang kanyang kaibigan. Kung gusto mo tatawagin ko si Sir, sabay na kayo kumain di pa kasi siya kumakain." sabi ni Nanay Love kaya't sumalubong ang dalawang kilay ko.

Sinarado ko yung laptop saka tumayo. "Wag na po, Nanay Love. Pupuntahan ko nalang po si Uncle, doon nalang po ako kakain. Salamat" sabi ko atska lumakad papalayo ng di man hinihintay sumagot siya.

Habang naglalakad ako papunta sa aking kwarto, narinig ko bumukas ang pinto ng kanyang kwarto. Tinatawag niya ako pero di ko pinansin, snob kasi akong tao lalo na sa kanya. Bat kasi, madadaanan ko yung kwarto niya bago sa kwarto ko, kaasar. Nang mahawakan ko yung door knob ng pinto, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking balikat.

"Anak." nang marinig ko ang salitang yon, humarap ako sa kanya agad. "Pwede ba tayo mag-usap? Kumain ka na ba? Sabay na tayo."

"Ano naman pag-uusapan natin? Aalis ako." bulyaw ko. Halatang nagulat siya, pero kiber ko ba. Sanay naman siya na ganito ako umasta sa kanya, simulang nawala si Ina di na maayos ang pakiki-tungo ko sa kanya.

"Saan ka pupunta?"

"Wala ka na dun." tumalikod ako saka binuksan ang pinto. Dire-diretso ako sa aking cabinet para maghanap ng damit na susuotin.

"Saan ka pupunta?"

Humarap ako sa kanya saka nag-roll eyes. "Look Dad, pupuntahan ko si Uncle at doon ako kakain. Ayoko kasi kasabay ka." then tumalikod na ako para maghanap ng damit.

"Dito ka kakain, Anna! I'm warning you. Sumosobra ka na." sigaw niya sa akin saka sinarado ang cabinet ko. Muntik na ma-ipit ang aking daliri, buti nalang alerto ako. Aish, bwiset!

"Bigyan mo ko ng dahilan Dad para sumabay sayo, ay oo nga pala...naubusan ka na ng dahilan kasi lagi nman ako ganito sayo. Dad! Di mo ba nakikita, ayoko sayo." sigaw ko sa kanya at naramdaman ko ang kanyang palad sa aking pisnge saka bigla naupo sa sahig. Bat kasi nangyari pa ito sa akin? Amin? Ayoko na ng ganitong buhay T____T

"I'm sorry Anna, di ko sinasadya." sabi sa akin ni Dad, habang nakaluhod kaharap ako.

Tumawa ako ng malakas kaya't tumingin siya sa akin, tumigil ako saka tinignan ko siya ng matalim. "Sorry? I can't accept Dad. Masyadong masakit na kasi. I'm leaving this house now! Kailangan ko ng malaking space sayo. Habang nakatira ako dito, puro sakit lang ang pumapasok dito. "turo ko sa kanyang puso habang umiiyak. Gosh! Breakdown na ako, I hate it. Umagang umaga, sira na araw ko. "Di ko na kaya."

"Ayan ba ang gusto mo? Sige, umalis ka na. Iwan mo na kami...diyan ka rin naman magaling, ang iwanan kami." sabi ni Dad habang tumatayo siya. Nakatalikod na siya sa akin at malapit na sa may pinto ng kwarto ng bigla siya magsalita ulit. "Oo nga pala, ngayon darating si Scott and iniisip ko na ayusin ang mga papers niya para maging tunay ko na siyang anak. Kung mag-gugulo ka lang, you better leave this house." atska sinarado ang pinto ng malakas.

Steps From BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon