DOS

7 1 0
                                    

"Ugh, Uncle! Nakaka-asar talaga!" sabay inom ko ng orange juice na hawak ko. Tumawa naman yung mga abnormal kong kaibigan na nasa tabi ko. Aish! >______<

Nandito pala kami ngayon sa bar ni Uncle Jonah, ang tatay ni Jack. Yung bestfriend ko since yesterday, charot lang! Si Jack ang isa sa mga kaibigan ko lagi nandyan simulang iwan kami ni Mom, hindi niya ako iniwan kaya mahal ko siya. Mahal? I mean, mahal ko siya kasi kaibigan ko siya. Atska pala natataranta yan kapag di ako nag-reply sa kanya within 10 minutes, akala niya may nangyare ng masama sa akin. OA kasi eh. (¬‿¬)

Oo nga pala, Ako si Annastasia Caldwell isang mabait na babae at mapagmahal sa magulang. Joke! Well, mapagmahal naman talaga ako pero hindi lang sa ngayon, ayoko pa kasi. Ano daw?! Anyway, I'm 18 years old and currently taking up BS in Medical Technology, kailangan ko kasi maging Medical Doctor soon para ako ang mag-manage ng hospital ni Dad. I will never give up kung anong dapat sa amin. That's why I gave up my dreams para di matalo sa Scott na yun. ('̀-'́)

Sila Jack and Iza are taking up BS in Hotel and Restaurant Management while Careleen is BS in Business Administration major in Marketing Management, si Ace naman Bachelor Of Fine Arts major in Painting then lastly si Claud BS in Culinary Arts and Management.

Nasa third year level na kami ng college, konting kembot nalang at gragraduate na kami! Hahaha. Fighting (• ε •)

"Teka lang girl, sino ba yung nambastos sayo?" tanong ni Ace, wala pala siya kanina kasi nauna na siya sa parking lot. Sina Iza, Careleen and Claud lang naman talaga ang walang kwentang kong kaibigan na di ako tinulungan. Bwisit!

"Di ko kilala bhe."

"Gosh! Ace, sayang. Jackpot yan! Ang pogi kaya nun." sabat ni Claud. Pogi? Saan banda?!

"Teka, may video ako." sabi ni Careleen kaya hinahanap niya yung phone. "Wait, low battery na." sabay pakita ng phone niyang walang kwenta. Itapon ko pa yan eh!

"Ayos lang yan, Anna. Don't you worry pogi naman eh!" asar ni Iza sa akin. Isa pa itong akala mo matino!! Hayyyzz.

Habang umiinom kami ng juice, ayun inaasar nila ako about dun sa lalaki kanina. Ugh! Kapag nagkita tayo ulit, HUMANDA KA SA AKIN UNGGOY! PANGET MO!

Tumingin ako sa lalaking papalapit sa diretso namin, ngumiti ako saka lumapit siya sa akin kung saan nilagay niya yung braso niya sa balikat ko. "Ang bigat, Jack!"

"Arte mo naman, Anna." binitawan niya ako. Bakit? Ayy, ano ba! Umayos ka Anna. "So, bakit kayo nandito na naman?"

"Kasi libre and chill lang dito." sagot ni Ace.

"Malulugi si Papa yan dahil sa inyo eh! Magbayad nga kayo." bulyaw niya sa amin kaya natawa naman kami. Ang cute niya grabi! Wait, ano ba pinagsasabi ko?! Tumigil ka nga Anna. ¯\_(ツ)_/¯

"Alam mo ba, yang si Anna pinalayas sa kanila." sabi ni Careleen kaya nilakihan ko siya ng mata. Grabi naman bunganga ng kaibigan ko!! T______T

"Alam ko." kaya tinignan namin siya ng mabilis pa sa ibon na lumilipad.

"Alam mo? Paano?" tanong namin sa kanya.

"Kay Andrew, galing kasi ako sa inyo kanina tapos tinatanong kita, ayaw magsalita kaya alam mo na ginawa ko." paliwanag niya. Oo, alam ko na! Yang kapatid ko talaga hindi umayos. HUMANDA KA SA AKIN!!

Tinignan ko siya. "I'm fine, Jack. Wag ka na mag-alala."

"Sino ba nagsabi nag-aalala ako?" sabi niya kaya lumungkot bigla ang expression ko. Basag naman to' "Joke lang, alam ko naman kaya mo eh. Nandito lang ako." then niyakap niya ako.

Steps From BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon