Nasa trabaho ako ngayon, yung part time job na binigay sa akin ni Claud. Isa akong cashier dito sa cake shop nila, nung nalaman nga ni Tita Gia na magtratrabaho ako dito pati yung mga kaibigan ko at anak pinasok niya eh. Kailangan daw namin maging responsible sa lahat ng gagawin namin kaya naman binigyan niya kami ng trabaho.
Sabi ng mga kaibigan ko "Exciting" daw kaya, nag-aapply na rin sila. Mag-work lang daw kami dito kahit kailan namin gusto sabi ni Tita Gia, basta naman daw wag kami kumain ng kumain. ┬─┬ノ( º _ ºノ)
Bumakas ang pinto ng shop kaya bumati ako ng "Magandang tanghali! Love, love, love." Okay, ang korny pero kailangan daw talaga yun. Aish! Ang baduy pero no choice.
Oo nga pala, hindi pala kami nagkita nI Lucas na yun nung isang araw dahil nagtext siya kay Ace na busy raw ito kasama yung tatay niya. Sus! Siguro nalaman na niya kaibigan ko si Ace kaya't na duwag na yun.
PAASA!!
Habang nagpupunas ako ng table, oo kasama din ito sa trabaho ko. Aish! Wala naman ito sa description ng course ko pero ginagawa ko. (>ლ)
Anyway lumapit sa akin si Iza, pareho kami ng time nito dahil same schedule lang naman kami sa school kaya't afternoon nalang kinuha naming time para sa job na to' malapit lang naman itong shop sa school atska may car si Iza kaya walang hassle sa aming dalawa.
Tinignan ko siya at ngumiti. "Ano yun?"
"Alam ng dad mo dito ka nagtratrabaho, sinabi ata ni Tita Gia. Ayun telephono para sayo, di mo raw sinasagot mga tawag niya."
"Sana sinabi mong wala ako, Iza naman eh. Ay! Mababaliw na ako."
"Kausapin mo na mukhang importante sasabihin niya eh."
Padabog ko kinuha yung cellphone sa cute na apron na suot ko, agad ko naman siya dinayal at wala pang tatlong ring, sinagot agad niya.
Halatang hinihintay tawag ko. Psh!
"Hello?"
"Ano ba! Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko sayo?"
"Busy ako. Bakit ba?"
"Nandito na si Scott, gusto ko mag-dinner tayo magkakasama."
"Di ako pwede, marami akong ginagawa kung gusto mo kayo nalang atska di ba pinalayas mo ko?"
"Pwes, bumalik ka na." Wow! Lakas, naka-high siguro si Dad. Tss
"Ayoko sabi, bahala kayo." then pinatay ko yung tawag.
Hinawakan naman ni Iza yung kamay ko kaya tumingin ako sa kanya. "Anna, ano ba talaga sinasabi ng puso mo sa ginagawa mo?"
Tinitignan ko siya saka inalayo ko yung kamay ko sa kanya. "Wala ka na dun, magtrabaho nalang nga tayo." sabi ko saka lumakad papalayo sa kanya.
Ano ba pinagsasabi niya, nakaka-asar naman siya oh. Tumingin ako sa malaking salamin na nasa harap saka hinawakan ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko.