Kinabukasan ay hindi mapalagay ang kalooban ni Adela dahil sa matandang lalaking nakausap niya. She have to talk to him at ng malaman niya ang dahilan ng pag-iyak nito at paghingi ng tawad. Mag-aalas dyes ng umaga ay nilakad niya ang tinitirhang bahay ng matanda. Hindi mainit dahil sa iba't-ibang puno na nasa daan kaya naaaliw na rin siya habang naglalakad. Tuloy-tuloy siya hanggang sa pinto ng malaking bahay dahil wala namang bakod doon. Kumatok siya ng ilang beses bago bumukas ang pinto.
"Adela?" she's expecting na ang magbubukas ng pinto ay ang matanda pero to her dismay, ang supladong apo pala nito.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"Maliit lang ang lugar na ito at halos lahat ay magkakilala. Pero to answer your question, nabnaggit sa akin ni Pedro kung sino ka." antipatiko rin pala ito at pilosopo. Hindi bagay sa mukha nito ang ugali nito. Ngayon pa lang ay parang gusto niya ng umuwi sa bahay niya at kalimutan na nagkaroon siya ng kapitbahay na kagaya nito. "Come in." thank God at naisipan pa nitong imbitahin siya sa loob. Ang akala niya ay talagang wala itong modo. Sinenyasan siya nitong maupo sa malambot na sofa. Naupo rin ito sa tabi niya na labis niyang ikinagulat dahil malaki naman ang sofa, gusto pa talaga nitong tumabi sa kanya.
"Gusto ko sanang makausap ang lolo mo." Umaga na ngayon, baka pwede na Gusto niya sanang idagdag pero pinigilan niya ang sarili. She doesn't understand pero hindi niya gusto ang lalaking ito. "Kung okay lang? I want to know what he needs to tell me. Nas'an ba siya?" Luminga-linga siya para hanapin ang lolo Juanito nito. Baka natutulog lang ito o nasa isa sa mga kwarto.
"Wrong timing ka ata kasi nasa palayan si lolo. Kung gusto mo talaga siyang makausap ay pwede mo siyang puntahan doon." malapit lang naman 'yon kung lalakarin niya. Isa pa wala naman siyang ginagawa sa bahay. Mas mabuti na rin iyong nakakapag exercise siya paminsan-minsan.
"Sige, pupuntahan ko na lang. Salamat ha?" she smiled para naman sabihin nitong friendly siya kahit na suplado ito. "Ano nga bang pangalan mo?" naalala niya nga palang unfair kung ito lang ang may alam ng pangalan niya.
"Mitchell Rivera but you can call me Mitch." he handed her his hand at mabilis na inabot niya ang kanyang kamay rito. That strange feeling as soon as his skin touched hers. Hindi iyon mala kuryente tulad ng nababasa niya sa mga nobela sa halip ay nakaramdam siya ng takot. Mabilis niyang binawi ang kanyang kamay at napansin niyang nakatitig ito sa kanya. From that close ay mas maigi niyang natitigan ang mukha nito.
Oh Shit! Buti nalang ay hindi siya napamura sa harapan nito ng may marealize siya bigla.
"You were the same person doon sa karinderya 'diba?" lakas loob na tanong niya kay Mitch. Unti unting sumilay ang pilyong ngiti sa labi ng binata bago tumango. Sinasabi niya na nga ba, nakita niya na ito.
"Pupunta ako sa palayan. Sumama ka kung gusto mo o tumayo ka na lang diyan." hindi niya namalayan na nakatayo na pala ito sa bungad ng pinto. Mas gusto niya na atang umuwi. Kung mamalasin ka nga naman!
Habang nag-uusap ang lolo Juanito niya at ni Adela ay panaka-naka niyang sinusulyapan ang dalaga. She's undeniably attractive lalo na ang maliliit na biloy nito sa magkabilang pisngi. Naalala niya tuloy ang aksidente sa karinderya. He didn't curse that night dahil galit siya sa paglanding nito sa mesa niya dahilan para matapon ang mga kinakain niya, kung hindi ay muntikan na itong maglanding sa pagitan ng mga hita niya. Nang unang beses niya itong nakita ay nakaramdam na kaagad siya ng atraksyon rito. He wished na magkrus ulit ang landas nilang dalawa pero he never expected na sa ganitong pagkakataon iyon mangyayari. He is a man and he is attracted to beautiful women like Adela.
"Sir, baka matunaw si Adela sa titig ninyo!" nasa di kalayuan sila ng kasama niyang si Pedro. Tinulungan niya itong kumuha ng ilang buko para may mainom si Adela. Nakalimutan kasi nilang magdala ng tubig. May poso naman doon pero mas magugustuhan nito ang sabaw ng buko.
BINABASA MO ANG
My Mitchell : Make it with You (COMPLETED)
Romance"Ang alin? Ang mahalin ka o ang katotohanang hindi mo kayang aminin sa sarili mo na mahal mo rin ako? Hindi ko kailangan ng mga dahilan para mahalin ka Adela dahil sapat na ang pangalan mo ang isinisigaw ng puso ko..." Adela is engaged with Victor...