CHAPTER SIX

16 1 0
                                    


Naguilty si Adela dahil totoo nga ang sinabi ni Mitch na lagi siyang hinahanap ng matanda. Kaya nama'y pinaglabanan niya ang kagustuhang iwasan si Mitch para makasama ang lolo nito lalo na't madalas itong matamlay at parang laging nasa malayo ang tingin. Kasalukuyan silang nasa ilog sa Purok Maligaya na sakop pa rin ng Lorenzo para mag picnic. Ang sabi ni Pedro na katiwala ng mag-lolo ay puwede silang maligo doon dahil malinis ang tubig. Ilang beses pa lang siyang nakapunta roon dahil ayaw siyang payagan ng lola Felicidad niya. Marami raw puno roon at medyo liblib, baka mapahamak lang siya. Pero sa nakikita niya ngayon ay mas gumanda ang ilog at hindi na rin ito magubat.

Ibinaba na ni Mitch mula sa sasakyan nito ang mga silya at mesa para paglagyan ng mga gamit nila. Ang lolo Juanito nito'y parang bata na nagmamadaling hinubad ang sapatos para mailublob ang mga paa sa tubig. Napangiti siya nang maalala ang lola Felicidad niya.

"Kaya ko ng ayusin ang mga gamit natin. Samahan mo na si lolo 'don." hawak ng binata ang ilang plastic container na ang laman ay mga niluto nitong ulam. Nakasuot lamang ito ng maluwag na shorts at puting sando na fit sa katawan nito habang siya ay nakashorts at kupasing t-shirt lang. Plano niya kasing maligo bago sila umuwi.

"Sige.." tipid siyang ngumiti rito at pinuntahan ang matanda na nakaupo sa malaking bato roon. Tinapik niya ang balikat ni lolo Juanito at nginitian ito.

"Napaka espesyal sa akin ng lugar na ito Adela." huminto ito sandali at tumingin sa malayo. "Dito ko nakilala ang lola Felicidad mo. Naalala ko pa noon, nakasuot siya ng bulaklaking bestida at napakaganda ng kulot niyang buhok tulad mo hja." bigla ay napukaw ang interes niya sa kuwento ni lolo Juanito. Wala kasing nabanggit ang lola niya tungkol kay lolo Juanito.

"Kasama niya ang nanay niya na naglalaba rito sa ilog. Ako ay nadestino sa Purok Josefa at napagdesisyonan namin ng mga kasamahan kong sundalo na magtungo rito sa ilog para mamasyal. I was hesitant at first dahil gusto ko lang manatili sa kampo pero pinilit nila ako. Pero kung alam ko lang pala na isang napakagandang babae ang makikita ko nang araw na 'yon ay hindi na ako nagpapilit pa." nakita niya ang pagningning ng mga mata ni lolo Juanito habang nagkukwento ito.

"Doon po ba nag-umpisa ang pagkakaibigan niyo ni lola?" marahan itong tumango.

"Hindi lamang maganda si Felicidad sa panlabas na anyo, maging ang buong katauhan nito ay maganda na siyang hinangaan ko sa kanya. She was eighteen and I was twenty five when we met and I offered her my friendship na noong una ay tinanggihan niya. " bahagya itong natawa na tila may naalala mula sa kinukuwento nito. "Halos araw-araw ko siyang sinuyo at noong naging magkaibigan na kami ay labis ang kagalakan ko."

"Siya nga po pala lolo Juanito. Hindi ba't sabi 'nyo na hindi 'nyo na nakita si lola pagkatapos 'nyong madestino sa ibang lugar?"

"There's more to that story Adela.." ang ningning sa mga mata nito ay biglang naglaho at napalitan ng kalungkutan. "Nahulog ang loob ko kay Felicidad at 'ganon din siya sa akin. But a happy ending that I hoped didn't happen dahil ako ay ikakasal sa babaeng napili ng aking mga magulang at 'ganon din si Felicidad." bigla ang pagbangon ng kirot sa puso niya. I'm getting married to Victor too.

"Ibig 'nyo po bang sabihin ay naghiwalay kayo ni lola dahil 'don?"

"No Adela, sana nga'y 'ganon na lang ang nangyari. Felicidad was a strong woman at dahil sa pagmamahal niya sa aki'y ako ang pinili niya. We both followed what our hearts wanted. Nanirahan kami sa Purok Josefa at ang mga araw na nakasama ko siya'y mga araw na hinding hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko. Ang bahay kung saan ka nakatira ngayon ay napaka espesyal para sa aming dalawa." siya kaya'y kaparehas rin ng lola Felicidad niya na sinunod ang puso nito? She's crazy. Bakit niya pa naiisip ang mga bagay na 'yon. "Ang bahay na 'yon ay ginawa ko para kay Felicidad tanda ng wagas kong pagmamahal para sa kanya. Tuwing hapon ay sabay naming tinitingnan ang paglubog ng araw sa balkon. Pero gaya ng ibang relasyon ay sinubok din kami hja...." unti-unting namuo ang luha sa mga mata ni lolo Juanito ng tumigil ito. Maging siya ay natatangay rin sa kuwento nito kaya nakagat niya ang ibabang labi para 'di maiyak.

My Mitchell : Make it with You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon