Nakatulog si Adela habang nasa biyahe pero hindi iyon nakatulong sa bigat ng kalooban niya. Tumingin siya sa labas ng bintana at napansing palubog na ang araw. Gaya ng paglubog ng araw na pinagmamasadan nina lolo Juanito at lola Felicidad. Ilang oras na lang ay makababalik na siya sa San Vicente. For sure magtataka si Victor dahil ang sabi niya rito'y hindi na siya makababalik pa lalo na't nagresign na siya sa trabaho niya sa eskwelahan. Pero hindi na importante 'yon dahil pwede naman siyang manirahan sa kung saan niya gustuhin. Ang kailangan niya lang ay makuha ang mga gamit niya sa tinitirhan niya.
Nasa ganoon siyang pag-iisip ng bigla ay huminto sa tabi ang bus na sinasakyan niya. Sa pagkakaalam niya'y hindi na mag-iistop over ang bus na sinasakyan niya dahil malapit na sila sa San Vicente. Nagsibabaan ang mga kasama niyang pasahero at ang dinig niya'y nagkaaberya ang sinasakyan nila.
"Makakaalis pa po ba tayo?" nag-aalalang nilapitan niya ang konduktor at tinanong ito.
"Eh, kasi Maam kailangan pa naming icheck ang makina. 'Wag kayong mag-alala dahil tatawag kami ng isang bus mula Lorenzo para kunin kayo rito." nagpasalamat na siya rito at naglakad-lakad sa tabi ng daan. Nakita niya ang karatola sa tabi ng daan. Nasa Santa Monica na pala sila. Naupo siya sa malaking kahoy sa labas ng maliit na tindahan habang ang ilang pasahero ay pumasok sa grocery store sa kabilang daan.
Naisipan niyang maglakad-lakad muna dahil hindi naman kaagad darating iyong bus na sinasabi ng konduktor. Sigurado namang madadaanan siya ng bus at mapapansin niya 'yon. Napansin niya ang karinderyang kinainan nila nina Mang Roger at Berto. Hindi pa naman siya nagugutom pero for sure kailangan niya ng kumain dahil baka matagalan sila roon. Nag-order na siya ng kanin at adobo. Hindi pa man iyon naibibigay ng serbedura ay pinalitan niya ang order niya. Naalala niya kasi ang adobong niluto ni Mitch noong nag picnic sila.
Si Mitch na naman ang nasa isip mo! saway ng isang bahagi ng isip niya. Naghanap na siya ng bakanteng mesa para makakain na siya.
Pagkatapos kumain ni Adela ay naupo siya sa maliit na kubo sa labas lang ng karinderya. Medyo may kadiliman doon dahil may malaking puno na tinatakpan ang ilaw mula sa poste na nasa daan. Ngayon ay nag-iisa na uli siya. Nang umalis siya sa Lorenzo apat na taon na ang nakakaraan ay hungkag ang puso niya dahil sa pagkamatay ng lola niya, at ngayong umalis siya ulit doon ay parehong sakit ang dala niya dahil sa mga nangyari. Wala na siyang babalikan pa roon at mas lalong walang naghihintay sa kanya sa San Vicente.
Napahawak siya sa noo dahil sumasakit na ang ulo niya sa kakaiisip ng maaaring dahilan ni Mitch. Pero sa tingin niya'y tama lang na umalis siya. Hindi niya na kailangang magmakaawa rito na ibalik ang bahay ng lola niya, tutal alam niyang mahalaga rin 'yon kay lolo Juanito. Alam niyang hindi nito pababayaan ang alaala ng lola niya.
"So you're really leaving......" awtomatikong nagtaas ng tingin si Adela para hanapin ang nagmamay-ari ng boses na 'yon kahit pa kumislot ang puso niya at nahuhulaan niya kung sino 'yon. She cleared her throat and from the darkness, she saw him coming towards her.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" puno ng sakit ang boses niyang tinanong ang binata. Nakatayo pa rin ito may kalayuan sa kanya.
"Hindi mo lang ba ako tatanungin kung 'pano ako nakarating dito? Halos liparin ko ang daan para lang sundan ka." she can sense the bitterness in his voice too. Siguro'y nakokonsensya ito sa ginawa nito sa kanya. Hindi siya kumibo at naglakad para lagpasan si Mitch. "Where do you think you're going?" hinawakan nito ang braso niya para pigilan siya.
"I don't think you have the right to know kung saan ako pupunta Mitch. So please let me go." pigil ang pag-iyak na sinubukan niyang alisin ang kamay nito sa braso niya pero hindi iyon pinayagan ng binata.
"You're coming home with me." diretshang pahayag nito na sinabayan niya ng matalim na sulyap sa binata.
"I'm not going anywhere with you Mitch."
"Huwag mo akong susubukan Adela. Ibabalik kita sa Lorenzo kahit pa gumawa ako ng eksena rito'y gagawin ko para isama ka lang pauwi!" galit na hinawakan nito ang mga balikat niya. Pinigilan niya ang sariling maluha. She shouldn't be crying and act so weak lalo na sa harapan nito.
"You don't own me at wala kang karapatang diktahan ako kung ano ang dapat kong gawin. Take your hands off of me!" ng inalis ng binata ang mga kamay sa balikat niya ay kaagad siyang naglakad para makalayo rito.
"Damn it Adela! Bumalik ka rito!" tuloy-tuloy pa rin siya sa paglakad dahil ang gusto lang niya'y makaalis doon at makalayo sa taong sinaktan siya. "Lolo Juanito's dying...." bigla siyang napalingon kay Mitch dahil sa sinabi nito.
"A-anong sinabi mo?"
"You've heard me right. Lolo is dying and you have to come with me." bigla siyang natigilan at nag-isip. Mitch wouldn't want to lie about a serious thing like that. Pero kung babalik siya roo'y para ano? Mabubuhay ba si lolo Juanito? Isa pa'y galit siya sa binata dahil sa ginawa nito sa kanya. But a part of her mind ay gustong makita ang matanda lalo pa't naging malapit ito sa kanya. Isasantabi niya ba muna ang galit niya at sasama sa binata? Pero para niya na ring binalewala si lolo Juanito kung 'yon ang gagawin niya.
Lolo Juanito, ano'ng gagawin ko?
BINABASA MO ANG
My Mitchell : Make it with You (COMPLETED)
Romance"Ang alin? Ang mahalin ka o ang katotohanang hindi mo kayang aminin sa sarili mo na mahal mo rin ako? Hindi ko kailangan ng mga dahilan para mahalin ka Adela dahil sapat na ang pangalan mo ang isinisigaw ng puso ko..." Adela is engaged with Victor...