Two

630 20 16
                                    

"Good morning my abnoy sister" bati sa akin ni kuya nang nakita niya akong pababa sa enggrande naming hagdan. Opo, enggrande. Mayaman kami.



"Will you please stop calling me that kuya, ano ba" I said then lumapit ako sa sofa na kinauupuan niya. "Why? cute naman ah" he said then ginulo niya yung buhok ko. Inis ko na lang inayos ito habang tumatawa siya.



"Bakit ba ang sungit sungit mo? Mag boyfriend ka na kasi para hindi ka na magsungit diyan." asar niya sa akin. Boyfriend? Nah. Problema lang yan. Lolokohin, iiwan at sasaktan ka lang niyan eh. At ayaw kong mangyare yun sa akin.. ulit



"Wala pa yan sa isip ko" sabi ko sabay irap. "By the way have you heard? Si Ero-" bago pa man niya matapos yung sasabihin niya ay pinigilan ko na siya. Hindi ako interesado. Hindi 'na' ako interesado. "Princess, it's been what? years? since that happened. Galit ka pa rin?" Tumayo na ako agad mula sa pagkakaupo ko sa mamahalin naming sofa. "Oh look, late na pala ako" sabi ko at madaling lumabas ng bahay.



Yes, its been years pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan yung ginawa niya. Hinding hindi ko yun makakalimutan. He's my first love. Paano ko makakalimutan yun?


"Athena, flowers for you" nakangiting sabi nung lalakeng nerd sa harap ko habang inaabot sa akin ang isang bouquet ng roses


Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "Athena, flowers oh" sabi niya ulit nang maabutan niya ako. "Alam ko. Tingin mo saken tanga?" naiirita kong sagot. Duh! Mukha bang hindi ko alam ang itsura ng flowers?



"Para sayo to Athena" sabi niya ulit. Kanina pa siya sumusunod sa akin at kanina pa ako naiirita sa kakulitang taglay niya kaya hinarap ko ulit siya.



"Ayaw ko niyan" sabi ko at iniwan siyang nakatanga. Lunes ngayon at papasok pa lang ako ng school. 7:30 ang una kong klase ngayong araw pero ayon dito sa relo ko 8:00 na. Pero okay lang, maganda naman ako.


"Athena, I missed you!" sigaw ni Minie pagkapasok ko sa classroom. Wala pa siguro yung teacher namin dahil may kanya kanyang business ang mga tao sa loob.


"I missed you too!" ganting sigaw ko tiyaka ako lumapit sa kinaroroonan nila.


"Hoy may news kami sayo" sabi ng nakangising si Venice.


"Ano?" bored kong tanong


"May transferee daw! Lalake ang pogi daw omg!" kinikilig na sabi ni Diana. Inis naman siyang binatukan ni Venice dahil pinangunahan siya nito sa pagkwekwento. Natahimik ang lahat nang bumukas ang pinto at pumasok sa loob ng classroom namin si Ms. Betchin.


"Good morning class" masungit niyang bati nang makapunta siya sa gitna sa harapan. Gumanti kami ng bati sakanya.


"So, alam kong alam niyo na kaya di ko na kailangang sabihin pero sabihin ko daw sabi ng principal na may bago kayong kaklase." Nagumpisang magbulungan ang buong klase dahil dito. May ilang babae pa ang humagikhik. Umirap na lang ako. Ang lalandi talaga.



"Hijo, pumasok ka na dito" sigaw ni Ms. Betchin. Napako sa may bandang pinto lahat ng mata namin. Natigilan ako nang makapasok na siya sa loob.



"Ikaw?!" malakas kong sabi



"The one and only" anya sabay kindat







--
Edited: Feb 19, 2016

Dare or Dare? (Wag muna basahin. ineedit pa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon