Eleven

359 10 9
                                    

 Jupiter's POV

“Uyy pare, anong masamang hangin ang nagdala sayo dito sa bar ko?”—bungad sakin ni Apollo. Hindi ko na lang siya pinansin at nagdiretso sa bar counter

“Bigyan mo ako ng lahat ng matapang na alak”—utos ko sa bartender

“Whoooh! Anong problema?”—tanong ni Apollo

“I saw her a while ago”

“And?”

“She’s with that bastard”—I said through gritted teeth.

“Speaking of. .”—sabi ni Apollo habang nakatingin sa likod ko. Napatingin naman ako doon at nakita ko ang babaeng pinaka mamahal ko.

“Pare dun muna ako”—paalam ni Apollo. Tumango na lang ako

“Babe”—mahinang tawag saakin ni Thea. My girlfrien—my ex rather. Siya yung kasama mo sa mall nung ginawa ni Athena yung walangyang dare na yun.

How come hindi nila nakilala ang isa’t isa kanina? Psh! They’re both stupid.

“Babe naman, akala ko ba napagusapan na natin to? Di ba sinabi ko na naman sayo na di ko siya mahal?”

“Yeah. Na pinakikisamahan mo lang siya para sa pamilya mo. Alam ko naman yun pero hindi talaga maalis sakin na magselos! Nakipaghiwalay ka saakin ng dahil sakanya! What do you expect?!”

Yeah right. Hindi si Athena ang dahilan kung bakit kami naghiwalay. It’s because naarrange siya sa anak ng business partner ng mga magulang niya which is yung kuya ni Athena.

I knew it from the very start. Una pa lang alam ko na na magkapatid silang dalawa. I did my research nga diba? Sinadya ko talagang palabasin na si Athena ang dahilan ng break up namin para maging slave ko siya. Gusto ko siyang pahirapan. I want her to suffer para makabawi ako kahit papaano sa kuya niya but.. God! Nahihirapan ako. Hindi ko magawa.

“Babe, pansamantala lang naman ito. Pagkatapos ng one year makikipaghiwalay na din ako sa kanya tapos magsasama na tayo. Maghihintay ka naman di ba? Hihintayin mo ako di ba?”

“Ofcourse I’ll wait for you.”—I said tapos niyakap ko siya ng mahigpit

Hindi ko man kayang makitang may kasama siyang iba

Hindi ko man kayang makitang may ibang magpapasaya sa kanya

Hindi ko man kaya na hindi siya lagi makasama

Hindi ko man kaya na hindi ko lagi makita yung mukha niya

Hindi ko man kaya na nahahati yung atensyon na binibigay niya

Pero lahat to kakayanin ko para sa kanya

Mali man sa tingin ng iba

Payag akong maging kabet niya

Yun ay dahil sa ‘tatlong salita, labing isang letra’

MAHAL KO SIYA

Dare or Dare? (Wag muna basahin. ineedit pa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon