Twenty two

262 7 4
                                    

Athena’s POV

1 linggo na matapos ang party. At nandito kami ng mga kaibigan ko sa isang kilalang coffee shop. Hinihintay kasi naming si ate Thea.

“Ate Thea, here!” tawag ko sakanya nang makita ko siya

“Yan ba yung fiancee ng kuya mo?” Diana

“Oo bakit?”

 “Mukhang familiar yung mukha niya..” Venus

“Ate, sila pala mga kaibigan ko Si Minnie, si Mars, si Venus, si Diana at si Hera”

“Hi sa inyo, ako si Thea. Nice to meet you” bati ni ate Thea sakanila

“Ate, bakit parang balot na balot ka?”- tanong ni Minnie

Yun din sana yung tatanungin ko. Ang weird kasi ng porma niya. Naka sweater siya tapos shades na sobrang laki.

“A-ano kasii..” *tanggal ng shades*

Nagulat na lang kami nang Makita naming may black eye siya.

“Anong nangyare sayo?”- takang tanong ni Mars

Pero sa halip na sumagot ay umiyak lang siya

“Umamin ka nga, sinasaktan ka ng kuya ko di ba”- tanong ko

Mas lalo siyang umiyak habang tumatango.

Nilapitan ko siya at niyakap

Sa pagamin niyang yon, naiyak na lang din ako.

Hindi lang dahil sa awa.

Pati na rin dahil sa puntong iyon napatunayan kong, Mali ang pagkakakilala ko sa kuya ko.

 Jupiter’s POV

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung maging magon na sila Athena at Kuya

Sa ilang araw na yun, nasaksihan ko kung gaano kasaya ang kuya ko.

Ako? Heto, tambay muna sa park.

“Hiro, may sasabihin ako.”

 

“Ano yun?”

 

Dare or Dare? (Wag muna basahin. ineedit pa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon