Kailangan mo akong samahan. Hay nako! Pupunta na naman kami siguro sa tindahan ng piratang pesteng DVD na yun.
Hindi kasi nagtxt kay Claire nung araw na naghintay kami sa bahay nila.Pero laking gulat ko na hindi pala kami dun pupunta.
Nag away daw kasi yung pinsan niya at ang kanyang asawa. Nagkakagulo daw ngayon sa bahay nila. Halos magkakalapit lang sila ng bahay ng pinsan niya kaya dinig nila ang kanilang sigawan sa bahay.
Pagdating namin, naabutan naming nagsisigawan ang mag-asawa. Nakisali na rin ang kanikanilang mga magulang. Nagbanta na ng hiwalayan ang bawat panig.
Teka. Teka lang! Sigaw ni tita Josie. Yung nanay nga pala ni Claire. Nakalimutan ko siyang ipakilala. Hiwalayan agad? Anu ba naman kayo.
Hooyy! Sabay turo sa mga magulang nila. Hindi kayo nakakatulong ha! Manahimik kayo diyan. Ang taray ni tita. Binaling niya ang kanyang attention sa mag asawa. Hali nga kayong dalawa dito. Pasok sa bahay. Mag uusap tayo dali!.
Pumasok naman yung mag asawa.
Sumunod naman kaming tatlo ni Chrys at Claire sa loob. Dumiretso kaming lahat sa likuran ng kanilang bahay kung saan may mga malalaking puno ng mahogani.
Malilim ang lugar at masarap ang dampi ng hangin. Merong round table sa isang corner na yari sa concrete. Sa tabi nito ay meron ding mga bench na gawa sa bakal. In short, meron silang mini-park sa likod ng bahay nila.
Maupo muna kayong dalawa. Ang mag asawa ang tinutukoy niya. Wait lang, ipagtitimpla ko muna kayo ng juice na may maraming-maraming ice para lumamig naman ang mga ulo nating lahat. Sabay alis papuntang kusina
Naupo ang mag-asawa na magkatabi.
Naupo din kaming tatlo sa paligid nila. Tahimik lang silang dalawa. Actually, lahat kami tahimik.
Tanong ko lang po. Bigla nalang akong nag salita. Gaano na kayo katagal mag asawa? At saka paano kayo nagkatuluyan?
Napaisip silang dalawa. Six? Six years na kami. Sabi ni babae. Eight! Sagot ng lalaki. Nagtinginan yung dalawa. Ikaw talaga, ulyanin ka na.
Six lang. Nagkahiwalay tayo ng 1 year after graduation diba? Kasi nga nagtrabaho ka sa abroad. Sagot ni babae.
Eh, hindi naman tayo nagbreak diba? I tried to reach you everytime i can, but parehas tayong busy lang talaga. Kaya nga hindi na ako bumalik right after my contract sa abroad eh.
Kasi nga ayoko nang malayo sayo ulit.Biglang nagblush yung babae at at pinilit itago ang kilig. Attentively naman kaming nakikinig na tatlo. Kaya nga niyaya kaagad kitang magpakasal pagdating na pagdating ko dito sa atin eh.
Maslalong namula yung babae at hindi naitago ang smile.Pano nga naging kayo. Saan kayo unang nag meet? Follow-up question ko sa kanila.
Eh, eto kasi eh... sabay siko sa kanyang katabi na asawa. Halatang kinilig yung babae. Eh panu ba naman ng nakipagbasagan ng mukha dun sa ex kong isa pang adik.
Binasag ko mukha nun para maging masgwapo na ako kesa sa kanya. Oh diba nainlove ka sa akin? Nagtakip ng mukha yung kilig na kilig na babae. Habang kami naman ay nagtawanan.
Nakita kong napatingin si Chrys sa akin. Kagaya ng asawang babae kilig na kilig din siya at nagbublush.
Ikaw na, ikaw na ang gwapo! Nakatawang sinabi ng babae.
Hindi nga! Ganito nangyari.. she continued with what she was saying. Nag-away kasi kami ng ex ko up to the point na nakakaladkad na niya ako kasi ayaw kong sumama sa kaniya, so out of nowhere, he stepped, in and ayun, nagrumble yung dalawa.Parang 'knight in shining armor'? Chrys asked.
She slipped her fingers through her hair at kilig na kilig. Mahaba ang buhok ne ate.
Hmmmm... nagpakipot. maybe?. At napatili sa kilig ang magkapatid na Dalisay.
Ok tapos?. Tanong ko just to keep the story going. Hindi na namin namalayan si tita Josie na nakabalik na at may dalang meryenda. Isa-isa niya kaming binigyan ng juice at brownies.
Niyaya ko siya sa isang fastfood. Yung lalaki naman ang nagkukwento. Mukha siyang eng-eng noon. Iyak siya ng iyak. Namamaga ang kanyang mga mata. Feeling niya K-pop siya.
Napatingin si babae sa mukha ng kanyang asawa na parang natatawa. Ganun din ang lalaki nakatawa din siya habang nagkukuwento.
Maraming nakatingin sa amin. Akala siguro nila retarded yung kasama ko, panu ba naman, eh naghalo na yung uhog at luha niya.
Ewww.. walang ganun. Grabe ka. Bigla siyang sumingit at kinorot ang lalaki sa tagiliran. Nakiliti naman yung lalaki at bahagyang lumiyad.
Aray ano ka ba. Sagot ng lalaki na tawangtawa. Wait lang, wag ka nang malikot. Nagkukuwento ako.
Ampangit ng kuwento mo. Kainis ka. Ako na. Sabi ng babae.
Babe, ako na. Nagpumilit ang lalaki. Agad namang nagreact ang Dalisay sisters sa salitang BABE.
Hoy ano yan?! Ha?. Sumingit si tita Josie. kanina awayan, ngayon lampungan?.
Ma, shut up ma.! Saway ni Claire
So eto na nga. The whole time na andun kami sa fastfood. Hindi na siya tumigil sa kakaiyak. Hanggang napunta na kami sa plaza. Iyak parin siya ng iyak. Dinala ko na siya sa simbahan, dinala ko na din siya sa mall, hanggang sa pier dinala ko na din siya pero ganun parin.Hanggan sa doon na kami sa may burol inabutan ng sunset. Binilhan ko siya ng isang gallon na ice cream tapos tumahan na siya na parang bata.
Magkasama naming pinanuod yung sunset. She started to smile and became conversant. It was a very serene moment. Doon ko narealize na...
Tumungin siya sa kanyang asawa. Kinilig ulit yung babae. Dun ko na realize na... mas gusto ko siyang nakatawa kesa sa mukhang k-pop.
Hinampas siya ng kanyang asawa. Tumigil ka nga?! Baliw!. Ang corny mo.
Well anyway inabot kami ng 9pm dun sa burol sa kakakwentuhan namin. Parehas naming hindi napansin yung oras. Sabi ng babae.
Oo nga eh. Funny talaga yun. Kung di ka lang nakaramdam ng gutom eh malamang inumaga na tayo dun. He said.Then they both laughed.
So pano? Bati na kayo? Tanong ni tita josie. Tumango yung dalawa no realising na nakaholding hands na pala sila.
Nakita kong nakatitig sakin si Chrys. Then the usual. She looked away when she noticed that I saw her staring at me.
Si Claire naman nakatitig lang sa akin. Siguro bilib na bilib siya how the things turned out. i just gave her a wink at kakaibang tingin.
BINABASA MO ANG
ANG CLASSMATE KONG MAHILIG SA HENTAI
RomanceI have a childhood friend. Sabay kaming lumaki. Classmate ko kasi siya mula kinder hanggang ngayon na sa college na kami. Pero hindi talaga kami close until this college na sinimulan na niya akong utos-utusan. Unti-unti ko din siyang nakikilala. ...