RAK

155 0 1
                                    


Tumunog na ang alarm clock ng cp ko, este, ni Claire pala. Hindi pa niya ito nababawi sa akin. Babawiin pa ba niya ito sa akin? Siguro hindi na. mayaman naman yun eh. Dapt ko ba itong isuli sa kanya? Siguro nga dahil parang hindi na kami bati ngayon. siguro hindi kasi baka maoffend naman siya kung isusuli ko to sa kanya ng hindi nya naman sakin kinukuha. Haaaay nako.. ewan!

Oras na para bumangon. May klase pa ako. Aba teka, may txt message ako.

From: Angel

Good morning. Salamat sa paghatid kagabi. I enjoyed your company. J

Received: 5:45 am

Kaninang umaga pa pala to. Mareplyan nga.

To: Angel

Welcome. Basta ikaw. Bf ka na?

Sent: 6:31 am.

From: Angel

No. Nbsb eh L

Received: 6:31 am

Ay shet. Nakakahiya. Hala bakit ganun nereply niya. What I mean to say sa txt ko ay kung nag breakfast na siya. Shocks. Pero ... talaga? Nbsb tong babaeng to? Hindi halata ha. Well anyway. Kailangan ko nang maligo kaya nireplyan ko ulit sya.

To: Angel

Ok. Ligo na ako.

Sent: 6:32 am.

Naglalakad na ako sa may school grounds ng nakasalubong ko si Angel. May bitbit siyang gitara sa kanyang balikat. Nagtama an gaming paningin at nagsmile siya sa akin. Nagsmile din ako sa kanya pabalik. Gusto ko pa sanang makipag-usap sa kanya kaya lang medyo late na ako sa klase kaya binilisan ko nalang ang lakad ko.

Nang nasa room na ako, naabutan ko ang teacher na malapit nang mag-umpisa sa lecture niya kaya tahimik nalang akong dumiretso patungong upuan sa may bandang likod.

As usual, magkatabi na naman ang dalawang babaeng gumawa ng eksena kagabi sa party ni Dave. Hindi ko tuloy maiwasan na matawa sa tuwing naiisip ko yun.

Wala din namang special sa araw na to. Ganun din. Dedma parin ako ng dalawa. Tapos paguilty-guiltyhan din naman ako hanggang sa natapos ang klase. Uwian na naman.

Nakita ko ulit si Angel may dala na namang gitara na naglalakad. Ang ganda niya talaga. Bagay sa kanya ang suot niyang school uniform. Pero parang masyadong malaki naman para sa kanya yang bitbit niyang gitara. Hindi ba siya nabibigatan niyan?

Gusto ko sanang ihatid na naman si Angel sa kanilang bahay kaya lang masyadong out of way talaga yung bahay nila sa amin eh. Magastos na sa gasoline kapag-inaraw araw ko ang paghatid sa kanya. Lalo pat hindi na ako kinikibo ni Claire ngayon. Wala na tuloy akong libreng gasolina.

Hhmmp.. makauwi na nga. Tama na tong pagwiwindow shopping ko kay Angel hehe.

Habang nagdadrive ako pauwi ay napansin ko na parang marami yatang tao na may dala-dalang gitara ngayong araw na to. Hindi ko maiwasang magtaka kung anu ba ang meron. Mapababae o lalaki man ay mga dalang gitara? Anong klaseng pamahiin naman kaya ito?

Ilang liko pa sa daanan ay nakita ko si Chrys na naglalakad. At katulad ng iba ay dala-dala nya rin ang kanyang gitara. Malayo palang ay agad na niya akong nakita na papalapit sakay ng motor ko. Dali-dali niya akong pinara habang tinatawag ang pangalan ko. Agad naman akong tumigil.

"Kamusta kuya?" Pambungad na tanong niya sa akin sabay pacute.

"Ok lang, anong atin?" tanong ko naman sa kanya habang pinapatay ang makina ng aking sasakyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG CLASSMATE KONG MAHILIG SA HENTAITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon