PARTY

129 0 1
                                    


Two days after ng halikan naming ni Claire sa may beach. Cold parin ang treatment namin sa isa't-isa. Hindi ko nalang siya pinapansin ngayon para maiwasang lumaki kung anu man ang problema. Siguro dating din ang araw na mawawala na sa isipan naming ang mga nangyari at babalik din kami ulit sa dati.

Minsan pag may time tinitignan ko si Claire in my attempt to read her mind pero wala talaga. Wala akong clue sa kung anu ang iniisip niya except awkward na ngayon ang pakikitungo naming s isa't-isa.

Palagi niyang kaasama si Maya kahit saan magpunta. Sabay din sila kahit sa pagpaunta sa CR. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip kung pinag-uusapan ba nila ako. Naikuwnto kaya ni Claire kay Maya ang nangyari sa beach? Turned off na kaya si Maya sa akin? Baka sinisiraan na ako ni Claire kay Maya? At ang piankamatindi, alam na ba ni Claire ang nangyaring halikan sa amin ng kanyang nakababatang kapatid na si Chrys? Naku! Mukhang malalagot talaga ako nito. Wala na ba akong pag-asa kay Maya? Hindi pa nga ako umaamin, end of possibility na agad para sa akin. Napabuntong-hininga nalang ako.

Naglalakad ako sa hallway papunta sa canteen. Naisipan kong magmeryenda muna habang wala pang klase.

Marami akong mga nakakasalubong sa daanan. Hindi ko maipaliwanag pero parang lahat sila'y nakatitig sa akin. Ang iba'y binabati pa ako. "Uy chris goodmorning!", "Uy Chris ikaw pala." "Uy Chris musta." "uy Chris long time no see ah." Ako lang ba to? Parang awkard na eh.

Well, pagkarating ko sa canteen, agad akong nag order ng banana-cue, suman at softdrinks. Sa may pinaka gilid na table ko napiling umupo. Sakto namang andun ang mga tropa ko sa kabilang table kasama ang mga girlfriends nila.

"Uy, boss, tara meryenda." Bati ni Dave na akbay-akbay ang girlfriend niya. Boss kasi yung tawagan naming mag tu-tropa.

"eto na nga oh" sagot ko naman habang ipinapakita ang dala kong foods. Mukhang masaya sila sa kanilang pinag uusapan sa table nila so naisip kong doon nalang sa tabi ng table nila umupo. Nase-sense kong maganda ang mood at panay biruan at tawanan nila. Panay din ang pag-fifist bump nila na parang mga tanga. Dati pa man ay close na kaming tatlo ni Dave at Rey. Dati na kaming nabansagan na triong gwapo. Pero sa totoo lang parang di naman ako kasing gwapo nila.

"Boss, ang ganda ng timing mo ah, sakto, may partner na yung iba dito." Sabi naman ni Rey na isa ko pang tropa. "kanina pa kasi siya nagrereklamo dito oh, nao-OP daw kasi siya" sabay tawanan ng lahat sa table nila. Mga loko naman talaga dati pa yung dalawa hanggang yung mga gf nila nahawa na rin sa kanila.

"Talaga boss? Maganda ba yan?" sagot ko naman sa kanila ng pabiro habang inaayos ko yung mga foods sa table ko pagkatapos kong maki pag-apir sa dalawa.

"Aba, hindi lang maganda, makinis pa at sexy." Sabi naman ni Sarah na girlfriend ni Dave.

"Talaga, si Jessie Mendiola ba yan?" sagot ko.

"Mas maganda pa doon." Sagot sa akin ni Dave.

"Presenting... the beautiful, the sexy at ubod ng kinis na si..." ang sabi naman ni Anna na girlfriend ni Rey. Tapos sabay-sabay na sila sa pag banggit ng pangalan ni "Angel!" sabay lahat sila nakaturo sa dalaga na nasa-corner ng kanilang table.

Agad namang napatingin ako sa babaeng tinutukoy nila. Kaagad kong napansin sa kanya ang kaniyang makinis at maputing balat, matangos na ilong at hindi naman gaanong kulot na buhok na may pagkaslightly blonde. Mukha siyang artista sa mga latin-American telenovela. Agad ko rin napansin sa kanyang magagandang ngiti. Mukha siyang mahiyain.

"Wow. Mukha nga talaga siyang angel." Ang sabi ko sa kanila. Alam ko sa aking sarili na na-attract ako sa kanya pero hindi ko masyadong pinansin yung attraction na iyon. Nakipag-biruan nalang ako sa mga tropa ko hoping na mawawala din kalaunan ang nararamdaman kong ito. Meron na akong Maya na kinahuhumalingan at kuntento na ako doon.

ANG CLASSMATE KONG MAHILIG SA HENTAITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon