SI CLAIRE

376 2 0
                                    

Nasa kinder palang kami ni Claire ay magkaklase na kami. Hanggang sa elementary at sa high school classmate parin kami. Nakita namin na magdalaga at magbinata ang isa't isa. Kalaro ko siya sa mga larong kalye.

Maganda siya, mestiza at magaling kumanta. Tabain siya noong mga bata pa kami, kaya siguro yan ang dahilan kung bakit hindi ako nahuhulog sa kanya kahit na madalas kaming niloloko ng mga naging classmates namin.

Nagsimula kaming maintriga ng mga classmates namin nung 1st year palang kami. Tinutoo niya kasi yung halik sa akin sa aming dula-dulaan sa isa sa mga subjects namin. Mula noon, hindi na kami tinantanan kaya nasanay na rin ako kapag binibiro kami sa isat-isa.

Nasa 2nd year high school kami noon nang nagsimula siyang tumakas sa klase. Nung una hindi ko siya napapansing nawawala tuwing ng 3pm. Pero ng nagtuloy-tuloy iyon hanggang sa hanapin na siya s akin ng mga loko naming kaklase.

Ayun. Nalaman ko nalang nang maglaon na kaya pala nawawala ang gaga kasi nagmamadaling maabutan ang paboritong cartoons sa TV. Dati kasing pang-gabi yung cartoons na yun, kaya lang nilipat sa hapon kaya ayun.

Hindi pa namin alam na pwede naming mapanood yung palabas na yun sa youtube. Hindi pa kasi naglipana ang tinatawag na wifi noon. Wala din halos pa ding tinatawag smart phone, kung meron man mahal pa dahil kakaunti palang ang nagbebenta ng ganoon.

College na kami. And guess what! Classmate parin kami hanggang ngayon. Ayaw parin talaga niya akong tantanan.

Hindi pa ako nagkakagirlfriend. Medyo torpe kasi ako kaya wala pa akong karanasan sa panliligaw. Hindi naman ako gwapo. Payat ako at maraming pimples. Ang bagay na medyo proud lang ko ay magaling ako sa physics.

Nagsusulat din pala ako sa school publication namin. Tula ang paborito kong isulat. Magaling din magdrawing.

Hindi rin si Claire nagkakaboyfriend. Mukha kasi siyang masungit at parating mataas ang boses. Sabi niya may nanliligaw din daw sa kanya pero wala naman akong nakikita. Well, anyway, hindi naman ako interested talaga makita yun kung meron man.

Palagay ang loob namin sa isat-isa. Madalas kaming magsigawan pag nag-uusap pero wala namang pisikalan. Malakas talaga ang loob niya pag ako ang kausap. Minsan, pakiramdam ko nabubully na niya ako.

Marami siyang pera at madalas niya akong nililibre. Seaman kasi ang kanyang tatay. Madalas niya akong utusan na bumili ng kung anu-ano. Minsan pati napkin.

Mamahalin ang kanyang cellphone. Sa wakas ay nabilhan na din siya ng parents niya after many years ng pangungumbinsing ginawa niya.

Sabi nila magbestfriend daw kami. Hindi ko alam kung ano tawag dun. Ah basta.

Marami din siyang mga barkadang babae. Madalas silang mamasyal sa ibat-ibang lugar. Minsan isinasama nila ako minsan naman hindi. Pero ang pinakamadalas niyang gawin ay ang kumain. Baboy kasi.

"Kailangan mo akong samahan." As usual, demanding na sinabi niya sa akin.

Tinitigan ko siya na parang nagdududa. Anu na naman yang kalokohang iyan, ang tanong ko sa isip ko.

Hinawakan niya ako sa kamay at biglang hinila. "Kailangan kong mamili ng gamit at mag grocery." Ang sabi niya habang hatakhatak ako.

"Maggo-grocery ka lang pala isasama mo pa ako. Kaya mo nang mag isa yan." Sabay hugot sa kamay ko na hawak hawak niya.

"Anu ka ba, kailangan mo 'kong ipag-drive, anong oras na o."

Napabuntong-hininga nalang ako. As usual, wala din naman akong magagawa kapag siya na ang namilit kaya pumayag nalang ako.

Ginasolinahan niya ang aking motorsiklo. Full tank, yun ang demand ko sa kanya. At least, kahit papano may nakukuha akong maganda sa kanya.

Pagkapasok na pagpasok palang namin sa mall, napadaan kami sa mga sapatos. Inabot na agad kami ng isang oras sa kakatingin niya at kakasukat pero niisa wala siyang binili.

Lumipat kami sa tindahan ng mga cellphone. Muli siyang nagtitingin-tingin na parang gustong bumili.

"Ano ba talaga ang gusto mong bilhin? Bakit tayo nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Basta. Relax ka lang diyan." Sagot niya.

Sunod naming pinuntahan ay ang napakabooooring na ladies garments section. Hindi talaga ako nag eenjoy sa lugar na 'yun.
Hindi kasi ako makarelate sa mga itinitinda.

"Chris tignan mo to, bagay ba to sakin?" Sabay pakita yung damit na inilapat n'ya sa kanyang harapan. Chris nga pala pangalan ko.

"Ano naman ang alam ko d'yan." Wala talaga akong alam tungkol sa mga mga damit na 'yan. Para sakin kasi, hindi importante kung ano ang suot ng isang tao. Bigla ko nalang kinuha ang mini-skirt na nasa tabi ko at pinakita sa kanya. "Heto o. Ito yata mas bagay sa iyo, isukat mo dali." Pabiro kong sinabi sa kanya.

"Ah ganon?!.Hmmmp tse!" Tinignan nya ako ng masama at inirapan. "Pag ako naging sexy makikita mo, talagang isusuot ko yan, humanda ka." Banta niya sa akin.

"Talaga lang ha." Sagot ko naman habang nakatawa.

Isinauli ko na yung miniskirt at nagpatuloy na ako sa pagbuntot sa kanyang pagwiwindow shopping.

Inabot ako ng tatlong oras sa kakasunod sa kanya. Marami siyang pinamili... Sobrang dami talaga --isang piraso ng roll on.

Gabi na ng nakalabas kami ng mall kaya inubliga niya akong ihatid siya sa kanila. Sa looban pa kasi ang bahay nila kaya nadala niya ako sa pangungunsensiya. Nakakainis talaga kasi napagod na ako sa kakalakad at gusto ko nang umuwi.

"Dito na tayo." Sabi ko sa kanya.
"Hindi pa. Diretso mo pa." Sagot niya.
"Ano yan? Momotorin natin hanggang sa loob ng kwarto mo?"
"Grabe ka naman, diretso mo na, sige na."

Diniretso ko ang motor hanggang sa tapat ng pintuan nila. Agad naman siyang bumaba. Tinignan niya ako sa mata na parang may hinihintay. Tinignan ko din siya ng nakataas-kilay.

" 'yung roll on ko?"

"Ay oo nga pala." Pinatago niya pala yun sakin. Agad ko naman yun inabot sa kanya.

"Ok. Salamat sa company... Chow!."

Agad na siyang tumalikod at pumasok sa bahay, ni hindi na niya ako inanyayahang pumasok sa kanila. Umalis nalang ako at nang makapagpahinga na.

ANG CLASSMATE KONG MAHILIG SA HENTAITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon