Ayan po si "Unknown" (sa may media) na ginagampanan ni IU. Lagi niyo na lang pong imaginin na nakasimangot at suplada si IU dahil si "Unknown" ay cold. Haha.
~!~!~!~
Unknown
"Ano ba namang bata ka?! Ano na naman 'tong grado mo?! Singko?! Punyeta! Ano pa bang gusto mo ha?!" nasa kwarto ako ngayon kasama ang bunganga ni mama na nagtatalak dahil nag-email yung school namin kay mama dahil ito nga, ang grades kong halos puro bagsak.
"Ano ba ma? Ayos lang 'yan, first sem pa lang naman 'yan kaya 'wag kang O.A. Parang 1st grading lang 'yan ng high school at elementary."
"Anong 1st grading ng high school at elementary? Hoy! Hindi mo ba alam na mapapahiya kami ng papa mo dahil sa kagaguhan mong ginawa mo?! Mapapahiya kami ng papa mo dahil ang alam ng mga kaibigan at ka-business partners namin na Computer Engineering ang kurso ng anak namin! Pinagmalaki ka namin na magaling ka! Tapos ito lang ang gagawin mo sa amin?! Ipapahiya mo kami?!"
"Ma! Ano ba?! Lagi na lang pasikat ang inaatupag niyo sa mga kaibigan niyo! Puro kayo na lang nasusunod! Ni hindi niyo man lang ako pinapakinggan! Ni hindi niyo man lang ako--!" tumigil na 'ko sabay ginulo ko ang buhok ko na parang frustrated at napayuko ako. Sawa na kasi akong sabihin ang mga katagang yun kay mama. Palagi na lang. I'm fucking tired. Hindi nila ako pinapakinggan.
Tumayo ako at kinuha ko ang JanSport na may doodle design sa loob ng clothset ko na nakasabit sa pintuan sa loob nito. Kumuha ako ng isang color green na muscle tee kung sakaling madumihan ang damit na suot ko ngayon. Naglakad na ako papuntang pintuan palabas ng kwarto ko.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na sinundan ako ng tingin ni mama, "Saan ka pupunta na naman?! Puro ka na lang lakwatsa at gala! Wala ka na lang ginawa sa buhay mo kung 'di gumawa ng walang kwentang bagay!" tinignan ko lang siya tapos inirapan ko sabay labas ng kwarto at salpak ng earphone sa magkabilang tenga.
Tumakbo na ako palabas ng bahay para 'di ko na marinig ang talak ni mama. Ingay e.
Pagkalabas ko ng subdivision namin, pumara ako ng taxi para pumunta sa Suburban Bar. Gusto ko uminom ngayon dahil this month of February hindi pa ako nakaka-inom. At sakto friday ngayon, holiday kaya puwede akong uminom.
Pagkapasok ko ng bar, naglakad ako papunta sa counter. At oo, regular customer na ako ng bar na 'to.
Nung umupo na ako sa stool ng counter, tumingin ako sa bartender. Iba na pala yung bartender ng bar dito. Dati si Johann ang bartender dito.
Si Johann ay former boyfriend ko. Tumagal lang kami ng 1 month nun dahil 'di ako interesado sa kanya. Pampalipas oras ko lang siya. Nilandi ko lang siya, at oo, naglalaplapan lang kami pero never kaming nagsex. Naalala ko nag-attempt din siya nung 1st monthsarry daw namin na makipagsex sa akin pero hiniwalayan ko kaagad siya. Bastos e.
Halos 1 month din akong wala dito sa bar. Buti wala na yung bastos na 'yun.
Pinanood ko lang na magflair yung bagong bartender. Magaling siya.
Nung matapos yung pagf-flair niya, pumalakpak ang mga tao. Nagbow siya. Ilang saglit lang ay bumalik na siya sa trabaho niya para pagsilbihan ang mga customers.
"Miss, what order do you want?" nakangiti siya.
"Tequila." sabi ko na walang ekspresyon ang mukha.
Pumunta siya sa may divider kung saan nandun ang mga alcoholic drinks. Bumalik siya sa 'kin, "here.". Kinuha ko kaagad ang tequila sabay inom ng kaunti.
"Walang thank you 'man lang?" sabi niya.
Nilapag ko ang tequila, "anong gagawin ko? Bartender ka lang."
"Grabe ka naman. Alam mo mas maganda ka kung nakangiti ka."
Tumigil ako ng ilang saglit. Tss. Na naman?
'Di ko pinansin yung sinabi niya. Tinungga ko ang tequila sabay lapag sa lamesa. "Ahh!" sabi ko na parang napapaitan ako sa ininom ko. Tae, ang tapang. "2 orders pa nga ng tequila." utos ko.
Bumalik naman siya na may dalawang basong tequila. "Easy babe, baka matumba ka niyan."
'Di ko pinansin yung sinabi niya. Wala akong pake. Tinungga ko kaagad ang sunud-sunod na baso.
Naiinis ako. Bwisit.
Ngayon, nakayuko ako sa lamesa. Naka-pito na akong shots ng tequila at tingin ko sa sarili ko may amats na ako. Nahihilo na ako e.
"Oohh shit...", inangat ko ang ulo ko tapos tinignan ko ang cellphone ko. 9 pm na. "Uwi na 'ko." nilagay ko na sa bag ko yung cellphone.
Tumayo ako at maglalakad sana ako nang may sinabi yung bartender, "need a company?".
"Ok lang ako." sabay alis at naglakad na ako.
Buti nakakalakad pa ako ng maayos kaya lang medyo pa-sway-sway ako pero inaayos ko lakad ko. Wala pa lang sa akin yung 7 shots ng tequila dahil 'di pa ako tumba niyan. Natandaan ko dati nung kasama ko ang ex-boyfriend ko, si Matthew, naka-11 shots ako ng tequila. Tumba na nga ako no'n e.
Uuwi muna ako sa condo ko. Ayaw ko munang umuwi sa bahay. Naiirita ako. Pumara ako ng taxi para makauwi na sa condo ko.
Nung nasa 9th floor na ako, lumabas ako ng elevator. Tangina, lalo akong nahilo dahil nag-elevator ako. Parang nasusuka ako.
Nandito na ako sa harap condo ko. Hinanap ko ang susi ko para kuhanin.
"Tangina, sa'n na ba 'yun?!" tae, 'di ko siya mahanap. Hinubad ko ang bag ko sa katawan ko para halungkatin ang susi.
Jackpot. Nakita ko na.
Sinara ako ang bag ko at pumunta sa pintuan ng condo ko para buksan. Kaya lang napatigil ako.
"Hi my loves." nagulat ako. Ngumiti siya na parang may balak.
Si Johann. Ano na naman gusto niya?
"Umalis ka na, wala na akong pakialam sayo. At tigilan mo na nga ako sa CS na 'yan! Wala na tayo 'no!" irita kong sabi.
"Ang sungit mo naman." lumapit siya sa akin, "tulungan na kitang buksan 'yan.", sabay kuha ng susi ko at binuksan niya ang pinto.
Pumasok na ako ng condo ko at sinabihan ko siya, "umalis ka na. Hindi na kita kailangan."
Sasara ko sana ang pinto kaso pinigilan niya 'to.
"'Di mo 'man lang ako papapasukin? Bisita mo ako e."
"Hindi ko kailangan ng bwisita ngayon." irita kong sabi. Bwisit kasi, ayaw ko muna ng tao ngayon. Ayaw ko nang istorbo dahil nahihilo ako. Sama mo pa 'yong dakdak ni mama dahil sa grades ko.
Pumasok siya sa condo ko pero pinigilan ko siya. "Ano ba?! Umalis ka na nga e!" tinulak ko siya para lumabas kaso nagpipigil siya.
Nasa harapan ako ng pintuan na nakatalikod ako at si Johann naman nakatingin lang sa akin.
Bigla niya akong hinalikan. Torridly. Ako naman pinipilit ko siyang pigilan kaso hinang-hina ako at nahihilo pa ako.
May narinig akong naglalakad kaya naman buong lakas kong tinulak si Johann. "Tulong!".
Narinig kong may tumatakbo at ayun nakita ako at si Johann ng mga guard.
"Hoy! Anong ginagawa mo?! Umalis ka dito!" sabi nung isang guwardiya sabay hila sa damit ni Johann.
Ah, naalala ko na. Tuwing 9:30 pm nag-iikot ang mga guwardiya sa condo na 'to para i-check lahat ang condo units.
"Ito na po! Aalis na!" sumunod na naiinis si Johann sa mga guwardiya.
Sinara ko kaagad ang pinto. Alam kong may sasabihin ang isa sa mga guwardiya pero bwisit ako ngayon.
Naglakad ako papuntang kwarto ko at humiga sa kama ko.
Nakakapagod. Nakakasawa.
BINABASA MO ANG
Unknown
General FictionHindi mo siya makikila sa kaniyang pangalan. Makikilala mo siya sa kung ano siya at ang buhay niya. She had a deep hate in her past.