That's Moon Ga-young as Olivia. 'Di po ganyan ang suot niya except sa salamin niya sa story ko po. Basahin niyo na lang po para maintindihan niyo po. Thank you. :)
~!~!~!~
Unknown
Nandito ako sa jeep para pumasok sa school. Grabe, hindi na talaga magbabago ang EDSA dahil sa traffic. Dapat pala inagahan ko.
Pagkatapos ng 45 minutes, nandito na ako sa school. Late as always. Saka 'di na ako papasok sa first class ko. 1 hour and 15 minutes kasi yung first subject ko. May 30 minutes pa naman ako para magpahangin.
5 minutes na lang para matapos na ang first subject ko, pumunta na ako sa susunod kong subject.
Malapit na ako sa room ko kaya lang biglang may bumangga sa akin, at ang kamalas-malasan nga naman e natapunan pa ako ng kape.
"Oh motherfucker! Ang bobo mo naman! Tignan mo damit ko! Ang init-init pa niyang dala mo!" tinignan ko siya. Mukhang pamilyar yung tindig niya.
Tinignan ko siya ng maigi at nung nakita ko ang mukha niya, 'di pa din siya nagbago. "Charles?".
Nerd pa din siya. Pagkatapos kong lokohin at gamitin lang siya e wala 'man lang pagbabago sa mukha niya. Charles na pwedeng gamitin at loko-lokohin ng mga tao dahil sa talino at pagka-utu-uto niya. At oo, isa sa mga former boyfriends ko. Akala ko magbabago siya sa kabila ng panloloko ko si kaniya. Kasi ganiyan naman ang ginagawa ng mga nasasaktang tao 'di ba? Nagbabago sila ng katangian para ipamukha sa taong sinaktan sila na mali 'yong disisyon nila na iwan at saktan sila. Marami na akong nabasang libro na ang nerd nagiging guwapo pero ba't 'tong isang 'to wala 'man lang pinagbago? At mas worst may mga tigyawat na siya.
"O-oh. H-hi." inayos niya ang eye glasses niya. May kinuha siya sa bulsa niya, "S-sorry sa g-ginawa ko." pinunasan niya ang damit ko pero inawat ko lang siya sa pagpupunas.
"Ba't ka nandito?" sabi ko nang naka-poker face.
"A-ah, e a-ano k-kasi--." 'di ko na siya pinatapos. Tagal e, pautal-utal pa.
"Oh well, i don't care. Magpapalit na ako ng damit. Thank you sa pagbangga mo sa akin." sabay irap at talikod ko sa kaniya.
Pumunta ako ng CR para makapagpalit. Amoy talagang kape kasi parang hindi instant 'yong dala niyang kape kanina. Stupid nerd. Isang fandom shirt ng The Hunger Games pa naman ang suot ko ngayon, isa sa mga pinakapaborito kong shirt 'to. Buti na lang itim 'to.
Lumabas na ako ng CR at dumiretso na ako sa room ko. Sakto buti papasok pa lang si Kevin sa room namin para magturo. Magkasalubong kaming pumasok ng room kaya lang ako ang nauna.
At bakit ko ba tinawag na 'Kevin' ang 'professor' namin? Simple lang, isa siya sa mga former boyfriends ko. 33 na siya at mukha lang siyang 18. Dami din nagkakagusto diyan sa prof na 'yan dahil baby face e.
Pribado ang relasyon namin. Sa loob o sa labas 'man ng school, kailangan tago ang relasyon namin para hindi malaman ng iba. We make love in his condo pero hindi pa kami nagsesex. Natandaan ko nga e, habang naghahalikan kami, malapit na niyang hawakan ang sensitive part ko buti na lang sinampal ko siya ng malakas sa pisngi niya. I know he have the hots for me. Kahit baby face 'yang tandang 'yan may kalibugan na taglay 'yan.
Nakipag-break ako sa kaniya noong last week lang. Sinisi ko siya dahil puro bagsak ako at hindi niya tinaasan ang grades ko sa lahat ng subjects ko. Ang mataas ko lang ay Physics which is yung tinuturo niya.
Nasa proper seat ako ngayon at pinapakinggan ko lang siya sa mga pinagsasabi niya. 'Di ko nga maintindihan kung anong dinidiscuss niya. Parang wala akong pakialam.
"In theories of--" nagring na 'yong school bell. Save by the bell.
"Ok, lets continue this tomorrow. Goodbye class." at ayun, nag-goodbye na din kami sa kaniya.
Inayos ko ang gamit ko at sinuot ko na ang bag ko. Buti nasa hulihan ako ako nakaupo kaya sa pangalawang pinto ako dadaan. Lalabas na sana ako ng room kaya lang tinawag niya ako.
Nung wala na ang iba 'kong ka-blockmate, nagsalita ako, "ano na naman?"
"Gusto kong bumawi sa 'yo." naglakad siya at lumapit siya sa akin, "Please makipagbalikan ka sa akin." Nakita ko ang sincerity ng mata niya.
Sincerity ng kalibugan niya. Tss. Alam ko na kilos niyan. At alam kong 'di niya ako matitiis.
Hahawakan niya sana kamay ko kaso iniwasan ko ito. Nagsalita ako, "Alam ko namang 'di mo ako matitis e."
"So nakikipagbalikan ka na sa akin?" ngiti niyang sabi.
"Nope. Wala pa akong sinasabi. Basta kakausapin kita kung gusto ko na ba."
"Make it sooner, honey."
"I don't know if it's sooner or later. Depends on my mood."
"Hihintayin ko 'yong sagot mo. Ramdam ko kasi na gusto mo pa ako." Yuck. In your dreams.
"Lalabas na 'ko. Gutom na ako e."
"Oh, bye. Ingat ka ah." tumalikod na ako at 'di ko na siya pinansin.
Nasa pinto na ako pero tumigil ako, "Oh wait," humarap ako sa kanya, "If you can't manage my grades again, i will leak your sex scandal and the photos." ngumiti ako ng nakakaloko at umalis na 'ko.
***
Breaktime. Nasa McDo ako ngayon. Ang daming tao, halos puro estudyante ng school namin. Malapit lang kasi dito 'yong school namin. Buti nakahanap ako ng pwesto dahil halos lahat nakareserve ang tables. And jackpot, nasa tabi ako ng bintana.
Sinimulan ko nang kainin ang rice at chicken na inorder ko.
Nakatingin ako sa pagkain ko at ninunguya ko ang kinakain ko nang may nagtanong sa akin.
"Uhhmm, ate," inangat ko ang ulo ko para makita kung sino 'yong nagtanong, "puwede po bang makipagshare ng table sa inyo?".
Tinignan ko siya, head to toe. Maputi, naka-lipstick ng red na matte at rounded ang salamin which is makapal ang frame. Naka-low pigtail siya, naka-t-shirt na sky blue at paldang maong na hanggang lagpas tuhod. Baduy niya. Nerd nga naman. At naka-rubber shoes pa siya ng Nike Air Max. Pinaka-baduy na nakita ko sa lahat ng taong nadaanan o nakilala ko.
Hihindi na sana ako kaya lang may nakita ako sa likod niya sa wall na sign ng McDo, 'Share a sit and win a friend.'
Binalik ko 'yong tingin niya, "go. Sit." sabi ko nang naka-cold tone.
Umupo na siya at nagsalita, "sorry po sa istorbo. Wala na po kasing upuan e."
"Alam ko." sabay irap sa kaniya. Actually, gusto ko na siyang paalisin dahil nakakasuka 'yong outfit niya. Maganda sana siya kaya lang maka-porma parang magsisimba na may lalandiin. Kumain na lang siya dahil nagulat siya sa inasta ko at nahiya siya.
"W-what's your name? I-i'm Olivia." kahit maingay dito sa McDo dahil sa mga estudyante, narinig ko pa rin ang boses niya.
"Kilala ba kita?"
"H-hindi. K-kaya ako nagtanong ng pangalan p-para makilala ka." uggh, i hate nerds, timid and shy people. Pautal-utal sila.
At ayaw kong sabihin ang pangalan ko.
"Porket may sinabi lang ang McDo makikipagkilala ako sa 'yo? Bakit? Kailangan ko bang sabihin sa 'yo ang pangalan ko?" irita kong sabi.
Wala siyang imik. Napatigil lang siya sa kinakain niya.
"Let me tell you something. Kahit kilala mo lang ang pangalan ko, dahil pangalan lang ang alam mo, hindi mo masasabing kilala mo talaga ako." tumayo na ako dahil tapos na akong kumain at iniwan ko na siya doon.
Kaya ayaw kong magpakilala sa mga 'di ko kilala dahil ayaw ko nang maulit 'yon.
I feel betrayed 'pag sinabi ko ang pangalan ko.
A/N: Haha! Medyo naguluhan ba kayo sa "pangalan" thingy? Haha! Sorry kasi baguhan lang akong magsulat ng gantong genre.
"CS" - Call sign
BINABASA MO ANG
Unknown
General FictionHindi mo siya makikila sa kaniyang pangalan. Makikilala mo siya sa kung ano siya at ang buhay niya. She had a deep hate in her past.