Hate 03

17 2 1
                                    

Picture above: Jang Geun-suk as Kevin.

~!~!~!~

Olivia

"You don't choose your life, it choses you." - Linda.

Nagbabasa ako ngayon ng Adultery ni Paulo Coelho. Nung nabasa ko ang phrase na 'yon, naalala ko na naman sila papa at mama.

3 years ago, ang papa't mama ko ay namatay sa car accident noong 16 ako.

Bakit kaya pinili ako ng buhay para pahirapan ako ng ganito? Na ako lang mag-isa sa buhay ko?

At wala din akong mga kaibigan. Neither true friends nor a best friend. Ginamit lang nila ako dahil sa katalinuhan ko. Kaya simula noong 4th year high school ako, ako ang pinaka-"others" sa lahat. Hanggang ngayon. Mas mabuti na 'yon para hindi na ako sabihan ng patalikod na "utu-uto". 

Masakit din sa una na gawin ko ang bagay na 'yon na magpapaka-"others" talaga ako kasi sabi nga nila 'No man is an island.'. Pero ngayon sanay na talaga ako na wala akong kaibigan. Kung may lalapit 'man, kakausapin lang ako dahil may kailangan. 

Parang nagiging manhid na din ako.

Ibinaba ko ang libro at tumingin ako sa bintana ng library ng school. Parang may nakita akong pamilyar na tao. Nakatalikod siya pero alam ko 'yong tindig niya.

'Yong ate sa McDo?

Naka-upo siya sa bench katapat lang ng bintana ng library pero medyo may distansya ito around 2 meters.

Tumayo na siya at ngayon naman naglalakad na siya at kita ko na ang right side ng mukha niya.

Siya nga! Tumayo ako kaagad at tumakbo ako papalabas ng library. Pero nung pagkalabas ko wala na siya. Ang bilis naman ata maglakad no'n? Ang lawak kasi ng library at sa dulo pa ako nakaupo kaya hindi ko siya naabutan.

Sayang. Ibibigay ko sana 'yong panyo niya na iniwan niya sa McDo e.

At gusto ko rin siyang makilala. Pamilyar kasi 'yong mukha niya. Parang nakita ko na siya dati.

Oh well, saka na lang 'pag nakita ko ulit siya. Tinatamad ako e.

Bumalik ako sa library at kinuha ko ang bag ko kung saan nakaupo ako.

Pagkalabas ko ulit ng library, bumuntong ako ng hininga.

Gusto ko talaga siyang maging kaibigan.


Unknown

Magkikita kami ngayon Kevin sa Greenbelt. Tinawagan niya ko kanina lang. Nangungulit nga sa tawag e. Desperado talaga na makipagbalikan sa akin. Ako naman pumayag na lang, kesa naman na bumagsak ako 'di ba?

At saka may gagawin kami ngayon ni Kevin. Manunuod lang daw ng sine at fling sa condo niya.

Nandito ako sa harapan ng pedestrian lane. Tinignan ko ang countdown malapit lang sa stoplight. 10 seconds pa.

Nung tapos na ay naglakad na 'ko. Medyo madaming tao ang dumadaan ngayon sa pedestrian lane. Dire-diretso lang ako sa lakad at wala akong pake sa iba, kaya lang may humarang sa daan ko.

Nandito kami sa gitna ng pedestrian lane. Medyo malapit ito sa akin at matangkad siya. Pero diretso pa din ako ng tingin. Saka tinatamad akong iangat ang ulo ko, wala akong time tumingin sa mukha niya.

"Ano ba? 'Di ka tatabi?" sabi ko sa lalaking humarang sa akin.

'Di siya nagsalita.

Dumaan ako sa kaliwa niya at nilagpasan ko siya nang hindi ko tinitignan. Kairita e.

UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon