**Chapter 16

211 3 0
                                    

**Chapter 16






"Ate! Tulong!" Sigaw ni Jeanine.



Nilingon ko naman sya. May hila hila syang box na punong-puno ng mga Christmas decoration. 7 days to go, Christmas na and now we're going to decorate this 7-feet tall Christmas tree.



"Wait." Inilapag ko yung hawak kong garlands at saka lumapit kay Jeanine para tulungan syang buhatin yung kahon.


"Ate, gift ko ah." Paalala ni Jeanine sakin. Inilapag namin yung kahon at saka binuksan para kunin yung mga decorations na nandun.


"Ano bang gusto mo?" Tanong ko sa kanya habang nilalabas yung mga Christmas balls mula sa kahon.


"Iphone. Bwahaha!"



Napanga-nga naman ako sa gustong regalo ng kapatid ko. Shemay. Samsung nga lang yung cellphone ko eh -____-



"Sige basta yung regalo mo sakin kotse." This time ako naman yung tumawa. Sinamaan lang ako ng tingin ni Jeanine.



Natigil ako ng biglang mag-ring yung cellphone ko.




"Yeoboseyo?"



Dinikit naman ni Jeanine yung tenga nya sa phone ko para marinig kung sino yung kausap ko.




[Tungunu. Tigilan mo nga yan.] Boses pa lang, alam kong si Marcus na.


"Kailangan mo?!"


[Samahan mo ako sa SM. Pakibilisan. Nandito ako sa gate ng subdivision nyo.]


"Ayaw-"





Tatanggi sana ako kaso biglang inagaw ni Jeanine yung cellphone ko.


"Layas na Ate. Samahan mo na!" Sabi nya habang tinutulak ako palabas ng pinto.


"Pero-"


"No buts Ate! Bye!" Palam nya saka bigla akong tinulak ng malakas palabas. Napaupo ako sa tapat ng pinto. Bakit ba kasi ang lakas ni Jeanine tumulak? ;AA;

Once Upon A Time...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon