**Chapter 15

209 5 0
                                    

**Chapter 15





Palapit na sana ako sa taxi na tumigil sa harap ko kaso may isang halimaw na humarang sa daanan ko.



"Tss. Nandun yung kotse ko sa kabila."


"Leshe naman oh -____-" Bulong ko.


"Arte mo. Ikaw na nga tong sinusundo. Buti nga nakakatipid ka sa pamasahe at nadadagdagan yang ipon mo." Sabi nya sakin. Umalis na sya sa harap ko at naglakad papunta dun sa kotse nya.



Automatic naman na nag-flash sa utak ko yung mga gastusin sa DKFC kaya naman binilisan ko yung lakad ko papunta sa may kotse nya at saka sumakay doon.


Actually two weeks na nya akong sinusundo pag uwian. Tumatanggi ako pero he always insist tapos lalo na ngayon na nalaman nya na nag-iipon ako para sa DKFC. Sayang din kasi ;AAA;



"Salamat. Bye. Ingat." Paalam ko kay Marcus.


Sakto namang pagkalabas ko ng kotse ni Marcus ay nakatanggap ako ng text mula kay Lawrence.





From Lawrence:

Aalis na si Seungri sa isang linggo. Sama ka sa airport?




Aalis na agad?!


Napatingin naman ako sa kalendaryo na nakasabit sa pader ng kwarto ko. Dec 22?




To Lawrence:

Sa airport lang? Pwede ba sumama hanggang Korea? XDD




Habang hinihintay yung reply ni Lawrence ay pumunta muna ako sa tapat ng drawer ko para maghanap ng pangpalit na damit.



"Talagang tinatago. Lakas pala ng tama mo sakin eh."



Nagulat naman ako ng marinig ko yung boses ni Marcus. Lumingon ako sa likod ko at nakita sya na nakatayo habang nakangiti ng nakakaloko.



"Ang kapal naman pala talaga ng mukha mo." Sabi ko sa kanya saka sya inirapan.

Once Upon A Time...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon