**Chapter 18.5

172 4 0
                                    

**Chapter 18.5





"Ano ba yan ako na lang lagi! Wag na lang kaya ako mag-aral at maging delivery girl na lang ako ng Tous Le Jours!" Sigaw ko. Nagsisimula na naman akong magtantrums na parang bata. Kasi naman ako na lang lagi taga-bili ng pagkain.



"Drama mo! Dali na~ wala ka na namang gagawin sa shop, trabaho namin tong mga naiwan oh." Dahilan naman ni Strawberry.



Tumayo si Misty mula sa pagkakaupo sa harap ng computer at lumapit sakin.



"Daan ka na ding coffee shop after mo sa bakery. Iced caramel macchiato ah." Habilin sakin ni Misty. Hinawakan nya yung kamay ko at hinila ako palapit sa pinto ng shop. Di na ako pumiglas ang sarap ng feeling na hinihila ka habang nakahiga sa sahig eh. XD


"Ganun na din yung akin." Sabi naman ni Strawberry habang pinapanood yung ginagawang paghila sakin ni Misty.




Tumayo na ako at pinagpagan yung damit ko bago lumabas ng shop.



"Daan ka ding Happy Lemon. Yung regular nila biggest size!" Narinig kong pahabol ni Apple.






Napangiti ako. Atleast ganito lang yung pinagaawayan namin, pagkain at damit minsan naman pag nagkakaagawan ng bias (excluded si Strawberry syempre).


Nagsimula na akong maglakad papunta sa bakery, buti na lang talaga walking distance yung mga shops dito. Mall lang talaga yung hindi.




I mentally smack my head pagkapasok ko ng bakery. Nakalimutan kong itanong sa mga baliw kung anong cake yung bibilhin ㅡㅅㅡ Bahala na. Kahit ano naman kakainin ng mga yun eh.





Last kong pinuntahan yung coffee shop. Pagkapasok ko, sumalubong sakin yung amoy ng kape. Nakakarelax talaga dito. ㅠㅅㅠ






"Lagi kitang nakikita sa mga shops dito." Naupo ako sa empty space sa tabi ni Lawrence at inilapag ko muna yung mga pinamili ko sa lamesa.


Palabas na sana ako kaso bigla ko syang nakita sa table malapit sa pinto sa kaya pinuntahan ko muna.


Once Upon A Time...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon