Alyssum.
“Wala kaba talagang naaalala?”
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon tumatakbo parin ang tanong na iyan sa isipan ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, may parte sa akin na nag pupumilit mahanap ang sagot sa tanong na ‘yan. Tanong ni Carl.
Papauwi na sana ako nung hapon na yun. Nasa may bandang corridor na ako nang may narinig akong ingay sa loob nang classroom malapit lang sa room namin. Hindi ko na sana yun bibigyang pansin kung hindi ko lang narinig ang pangalan ko. I know this is wrong but do I have a choice? Nacurious lang ako kasi naman e! Tsaka eavesdropping is not my nature anyway. Curious lang talaga. Diba nga sabi nila 'curiousity kills a cat.'
Lumapit ako nang dahan dahan sa labas nang pinto para hindi nila ako mamalayan. Sinigurado kong nakapwesto ako sa lugar na hindi nila makikita.
“So anong plano mo ngayon kay Alyssum?” narinig kong tanong nang isang lalake kay— err sa lalaking kinaiinisan ko. Sino pa nga ba? Edi si Carl. Siya lang naman ang lalakeng kinaiinisan ko sa buong campus. Ewan ko ba kung bakit. Basta ang alam ko sa tuwing nakikita ko siya, nabwebwesit ako bigla.
Hindi ko narinig ang sagot sa tanong na yun nang kaibigan niya. Sumilip ako saglit at nakita kong naka yuko at nakahawak lang si Carl sa ulo niya. Halatang frustrated. Pft. Ano ba kasi yun?
Nag hintay ako pero parang malabo nang sumagot pa ang lalakeng iyon kaya napag desisyonan kong umalis nalang at baka makita pa nila ako dito sa labas na nakikinig sa usapan nila where, in my case is true.
Lumakad na ako pero napahinto ako bigla nang marinig kong magsalita si Carl “She needs to know.”
Knows what?!
Napalingon ako sa kinaroroonan nila bigla at nakita kong tumatayo na sila mula sa pagkakaupo. Malamang pauwi na sila kaya naman dali dali akong nag lakad papuntang hagdanan nang building nato para maka uwi na.
“Oh, Alyssum. Hapon na ah. 'Bat di kapa umuuwi?” nasa baba na ako nang building nang masalubong ko ang aking adviser.
“Pauwi na po, Sir.” ngumiti nalang ako sa kanya at nagpaalam na. Malapit na ako sa gate kaso may biglang humawak sa aking braso at hinila ako malapit sa guard house. Wala masyadong tao kasi lahat nang mga studyante ay nag sipag uwian na.
“Ano ba?!” inis kong sabi. Tinignan ko siya at nakita ko si Carl. Great!
Tinaasan ko lang siya nang kilay pero ang loko! Hindi man lang natinag. Tss. Seryoso lang siyang nakatitig sa aking mga mata. Hindi ko alam pero at some point na conscious ako bigla. Ayaw ko kasing may nakatitig sa akin.
Inirapan ko lang siya. Bigla kong naibaba ang tingin ko at nakita kong hawak hawak niya parin pala ako. Nag tatakang tinitigan ko ang mga kamay niya sa dalawang braso ko. I tried to loss his grip but he's too strong.
“Ano ba—“
“Wala kaba talagang naaalala?” hindi niya ako pinatapos sa pag sasalita dahil pinutol niya sa tanong na yan.
Napa angat ako bigla nang tingin sa kanya. Seriously?! Para saan naman ang tanong na yan? Is he on drugs?
“Ano bang pinag sasasabi mo?” nalilito kong tanong sa kanya. At ano rin ba ang dapat kong malaman? “Naka drugs kaba? Oh well not to mention that you look like one.” kahit nalilito ay nagawa ko pading mamilosopo sa harap niya. E sa naiinis ako e! Hmp. Ano kayang tinitira nito.
Naiinis na tinignan ko siya sa mga mata niya pero ewan ko ba kung totoo yung nakita ko sakanya. May nakita akong emosyon sa mga mata niya. Hindi ako sigurado pero parang. Parang nalungkot siya bigla. Woah?! Nag hahalucinate lang siguro ako dahil alam kong imposible. Oo, imposible talaga. Si Carl Yuel? Magkakaemosyon? E binansagan itong cold gazer e. Naman! Ang cold kasi makatingin.
Walang emosyon.
Bigla siyang nag shift mood. Ngayon, nakatingin na siya sa akin with his usual stare. Oh, see? Kaya malabong mangyari yung iniisip ko kanina no.
“Tss. Magkapangalan lang siguro kayo.” bigla niya akong binitiwan at tumalikod na. Sa hina nang pagkakasabi niyang yun ay hindi ko na masyadong narinig ang sinabi niya.
I was about to ask but he'd left me already, leaving me a question mark in my head.
Aarrggh! Nakakainis kang bakulaw ka! Tanging nasambit ko nalang sa sarili ko nung likod nalang niya ang tinatanaw ko.
At hanggang ngayon parin ba ginugulo niya ako? “Ano nga ba ang dapat kong malaman at ano nga ba ang dapat kong maalala?” bulong ko sa sarili ko.
Nasa kwarto ako ngayon at kasalukuyang inaayos ang program para bukas. Napatingin ako sa relo ko at napagtanto kong 11:17 na nang gabi. Usually nakakatulog na ako before 8 palang pero bakit ngayon naka dilat parin ang mga mata ko?
“Gaga! E diba nga? May tinatapos ka?” tanong ko sa sarili ko. Tinignan ko ang program at okay na naman siya e. Tapos na.
Hayst! Ano ba ‘to. Napakamot nalang ako sa ulo ko at napag desisyonang humiga nalang. Nakahilata ako ngayon sa aking higaan at naka tanaw lang sa ceilings. Gusto kong mag isip kaso dahil sa pre-occupied na ang isipan ko ay wala akong maisip. I mean, distraction. Oo, iyan ang kailangan ko ngayon. Distraction sa lahat nang kabalbalang naiisip ko.
Minsan sumasagi sa isipan ko ang nangyari kaninang hapon. Ano ba ‘to! Bat siya na naman ba ang naiisip ko? Sino ba siya? At ano ba siya sa buhay ko? Gosh! Sana nalang kasi di na ako dumaan ‘don e. Ayan tuloy. Napapaisip kana nang hindi naman dapat binibigyan nang pansin.
Bigla akong napabalikwas at nasabunotan ko nalang ang aking buhok, literally dahil unang una narealize ko na ang tanga tanga ko pala. Bakit ngayon ko pa nalaman?
“Gaga ka Alyssum.” saway ko sa sarili. Oo nga! Sinabi lang yun kanina ni Carl, ginawa lang niya yun dahil gusto niya akong hindi maka pag focus para bukas. Intramurals na namin bukas at alam niyang matatalo lang namin ang section nila kung matututukan kong mabuti ang section ko lalong lalo na sa mga larong malalaki ang mga puntos.
Lumalaro ako, siyempre. I somewhat like sports pero hindi talaga totally. Alam niya kasi na ang section namin ay may unity, at yun ang wala sa kanila. Maraming studyante ang ayaw sa class II dahil narin sa mga ugali nila. Bukod sa mga nag hahanap sila una nang gulo, hindi sila lumalaban nang patas at palage silang may idadahilan. Kesyo daw nananalo lang kame dahil daw ay first class kame, pinapaburan nang lahat nang mga teachers at sipsip. Gosh! Inggit lang sila. Tse.
Kaya hindi pwede to. Kailangan ko na talagang matulog. Napasulyap ako sa relo ko at sobrang late na talaga. Tumayo nalang ako at kinuha ko ang headset ko na nasa lamesa. I swipe the music section and put my earphones on. Humilata na ako at pumikit.
“Gusto ko nang matulog. Please? Patulugin niyo na ako.” frustrated kong sabi. Maraming tumatakbo sa aking isipan ngunit parang hindi ko na maaluminigan ang lahat dahil sa antok na aking nararamdaman. I felt my phone vibrated from my stomach so I sheepily turn it on and read. Hindi pa medyo nakakapag adjust ang mata ko sa liwanag nang phone ko kaya medyo sumasakit pa.
“Naman e! Gusto ko nang matulog.” nababagot kong sabi.
From:+692634...
Good luck. Good night. <3Tinatamad na akong mag reply pa. I was left unconscious as I let myself fall asleep.
Keep reading guize. Please, continue supporting. Thank you all 😘
![](https://img.wattpad.com/cover/37977455-288-k392499.jpg)
YOU ARE READING
Requited Too Late (On Going)
RandomMoody is her surname. Pride is his surname. But they both have the same name, "BIPOLAR". What if these two creatures meet together? And worst, in an accident way. What if at first, fire plays in between? Would they became the best of bests? Would...