Alyssum.
Late akong nagising kaya wala na akong time para mag almusal. Di bale na, sa canteen nalang ako kakain. Dali-dali akong tumayo, naligo at nag bihis.
"Anak, almusal ka muna." sabi ni mama habang pababa ako nang hagdanan. Nakita ko siyang nag hahain nang pagkain sa lamesa.
"I can't mom. I'm sorry. Babawi nalang po ako later, bye." hinalikan ko siya sa pisngi at nag mamadaling umalis. Nakokonsenya tuloy ako. Naman e! Kailangan kong magmadali. Ngayon na yung laro ko. Patay! Baka hindi ako umabot 'wag naman sana.
Tinakbo ko nang tinakbo ang school mula sa bahay ko at buti nalang nakaabot ako bago mag simula ang laro. Dinig na dinig ko ang kantang Breakeven ng The Script. Maingay as usual. Ngayon na nga pala ang katapusang araw nang intramurals kaya naman todo cheer at suporta ang lahat nang mga studyante sa kanilang tig iisang team. Syempre ako sa section ko.
"Thanks God! Nakaabot ka." salubong sakin bigla ni coach. "Sige na, ikaw ang team captain nang team kaya gawin mo na ang dapat mong gawin. Good luck." ngumiti siya sakin at ngumiti nalang din ako sa kanya. Sa totoo lang fighting for championship na namin 'to kaso lang 'bat parang kinakabahan ako ngayon? God, please guide us!
Tumakbo na ako papunta sa teammates ko. Ako nalang pala ang kulang. Ngumiti sila sa akin kaya medyo naibsan nang kaonti ang pag-aalalang naramdaman ko kanina. Thankful ako kasi teammates ko sila. Pumito na ang referee at nagsimula na nga ang laro.
Unang game palang todo sigawan na ang mga manonood. Marami ang nakatutuk dahil narin siguro last game na ito sa women section. Senior category. Lahat nang studyante nakalatag sa quadrangle. Siyempre hindi magpapahuli ang section namin. Sa unang game palang, lamang na kame.
"Hoooh! Go! Go Aly!" sa tinis palang nang boses nang taong sumigaw ay alam ko na kung kanino galing to. Hindi na ako tumingin pa dahil alam kong ang baliw kong kaibigang si Pink ang sumigaw. Natawa nalang ako nang bahagya sa ginawang suporta niya. It somehow ease the tense I'm felting right now. Nag serve na ako at dahil hindi nasalo nang kalaban kaya score sa amin. Hoh! Nabuhayan ako kahit papano.
Natapos ang first game nang kami ang nanalo. Yes! Nag change court na kami at ganun parin. Pumihit ang pito at nagsimula na. Losers ball kaya nasa kanila ang bola. First serve, hindi nakuha nang toser kaya todo support akong nasa center. Ipinasok ko agad ang bola pero natamaan naman yun nang team captain din nila. Nasa ere palang yung bola alam ko na agad na matatamaan iyon nang center nila. Tinignan ko yung team captain nila at bigla akong nainis nang bigla siyang ngumisi na bahagya bang ako'y iniinis. Nainis ako bigla.
"Out!" sigaw nang referee.
Mas lalo akong nainis sa ginawa ko. Natamaan ko nga ang bola, napalakas naman. Tinignan ko lang ang babaeng nang iinis sa akin. Nakangisi lang siya at halatang natutuwa pa dahil hindi ko nagawa nang maayos.
'Ay ang gaga! Tumawa pa talaga! Humanda ka sakin kakalbuhin kita.' Isip-isip ko.
Ang mga sumunod na laro ay ganon parin. Kung hindi nagagawa nang maayos nang mga ka teammates ko, ay ako ang nakakapatay nang bola sa rally.
Sigawan na naman ang mga tao sa quadrangle at mas lalo pang nagsigawan sila.Tumigin ako sa score board. 9-17. Wala na, napag iwanan na kami. Apat na puntos nalang at panalo na sila. Hindi ako papayag. Kilala ang team namin bilang 'roughneck' kaya nakaka insulto kung matalo kami sa isang sophomore. Hindi maaari. Frustrated na ako dahil sa score, sa team, sa championship, sa section at isa pa 'tong mukhang hipon na team captain nila. Alam nilang pag naiinis ako ay naaapektuhan ang laro ko.
"Break!" napalingon ako at nakita ko ang coach namin na tinatawag kame. Mabilis kameng pumunta sa pwesto niya at nakinig sa mga sasabihin niya. Alam niya kung ano ang dapat kaya kung ano ang sinasabi niya sa amin ay ginagawa namin.
"Good luck teams! Kaya nyo yan." ipinatong-patong namin ang aming mga kamay. Ibinaba at itinaas. "We will win!" sigaw naming lahat.
Bumalik na kami sa pwesto. Sa kanila na ang bola. Ready na akong saluhin ang bola ngunit sa gitna nang mga nagsisigawang studyante ay isang pamilyar na boses ang narinig ko.
"Yeah! Go SOPHOMORE!" uminit bigla ang tenga ko kaya hindi ako medyo naka focus sa bolang paparating. Although natamaan ko yung bola pero mali ang pagkakapalo sa kamay ko. Akala ko wala na pero nakita ko si Julianne na nakuha ang bola at naipasok sa court nang kalaban na hindi naman nila natamaan. Score sa amin. Thanks God! Buti naman.
Lumingon ako at nakita ko yung sumigaw kanina. Carl! Nakakabwesit ka talaga! Inirapan ko nalang siya dahil sa inis. Please Alyssum! Concentrate! Pumikit ako at inalala ang sinabi ni coach kanina.
Huwag kang magpadala sa emosyon mo Alyssum. Sa tuwing naiinis ka kasi naaapektohan ang kilos mo. Huwag kang mairita. Huwag mo silang pansinin. Ito lang palage mong tandaan, iniinis ka lang nila para mawala ang atensyon mo sa laro. Tama! Kaya hindi dapat ako nagpapadala sa kanila.
Time ko na para mag serve at nakapwesto na ako nang biglang sumigaw si Pink. "Hoh! Go Bestie! Kaya mo yan! Mananalo tayo! Go lang team roughneck!" kahit minsan pala may nagagawang tama din 'tong babaeng to. Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko at nabuhayan ako sa laro. Hindi ko sana gagamitin to pero parang bumalik ang gana kong mag serve na gamit ang spike. Hinanap ko muna yung babaeng nang iinis sa akin kanina at sa kanya ko ipinupuntirya ang serve ko. Nakita ko siyang parang namumutla habang nakatanaw siya sa bola na papalapit sa kanya. Bigla siyang nag panic kaya hindi niya nakuha ang bola. I smirk at her and with my signature bitchy-smile. Kala mo bruha ka! Inirapan ko siya at siya naman ang nainis. Sige lang! Mainis ka lang.
"Hooooooohhh!" hiyawan nang mga studyanteng nanunuod. Tumingin ako sa section namin at nag thumbs up silang lahat. Last 1 na nga pala at panalo na kami kaya todo hiyaw sila. "Last one! Last one!" puro kantyaw lang nilang lahat. Okay! Let's hit the crown.
Ako ang nag serve at normal lang, hindi ko muna ginamit ang spike ko kasi alam kong hindi nila yun matatamaan kaya let's play it cool muna. Natamaan naman nang kabila ang bola at naipasok sa court namin. Matagal-tagal pa bago napatay ang bola. Nag laro muna kame. Back and fourth kung baga. Ang saya.
Ilang minuto sa laro ay nakaramdam ako nang pagod at naisipang patayin na ang bola. Habang nasa ere ito, tinignan ko si Mitch. She just stop it and for me it's the perfect timing to do my spike. Ini-spike ko yung bola pero natamaan nang kabila gamit ang paa. Pwede yun at counted yun. Kaya naman hiyawan ang section nila, okay. Let's end this show. Dahil ako ang nasa tosser, hindi ko na pinaabot pa ang bola sa amin. Plano ko sanang e block yun kaso nakita ko na naman yung team captain nila kaya bigla akong nag spike. Sapul! Natamaan din sa noo.
Lahat nang taong nanunuod kanina ay tumakbo papunta sa amin lalong-lalo na ang section namin. Whow! Tagumpay kami! Yes! Kami ang panalo. Ang saya-saya ko.
Nasa kanya-kanyang booth na lahat para makinig sa anunsyo nang emcee. E-aanounce na kasi kung sino ang over all champion.
"And now for the most awaited result!" sigaw nang emcee sabay drum roll. Tss. Ang dami pang alam! E kung sabihin nalang nila? Ang daming extra e. "Okay! And for the over all chapion. The title has been awarded to-" isang drum roll ulit. Nyemas! Kinakabahan na ako oh! Tignan mo to. Mamaya ka lang emcee ka talaga! Masasabunutan talaga kita. Ang bagal e! E-aanounce lang naman pinapakaba pa ak-
"Is to fourth year, first class!" what?! did they just mentioned our section?! Oh My Gosh! And before I knew it, nagkasigawan na sila.
YOU ARE READING
Requited Too Late (On Going)
RandomMoody is her surname. Pride is his surname. But they both have the same name, "BIPOLAR". What if these two creatures meet together? And worst, in an accident way. What if at first, fire plays in between? Would they became the best of bests? Would...