"Peter, dapat kapag nagpalipad ka nang eroplano, dapat swabe lang. Hindi yung pangigigilan mo yung controls. Hindi to PlayStation ha, eroplano to. Wala ka sa video game kundi na sa totoong buhay. Hawak mo ang buhay nang mga pasahero mo."
Eto nga pala si Kuya James. Pinapangaralan ako sa pagpapalipad ng eroplano. Kaya nung unang sabak sa duty eh muntik nang malunod sa dagat, eh pano kasi kinukulit nya ko nun tapos siya pa yung magagalit.
At ako pala si Peter McCord, isang piloto. Mga 2 months palang ako sa Philippine Airlines eh yun nga, muntik nang masibak sa trabaho. Sayang yung pinagaralan ko nun! Valedictorian simula nung elementary hanggang college tapos wala pang isang taon wala nang trabaho? Wag ganun.
"Opo, Captain James."
"Good. Start mo na. Magsasalita na ko sa passengers."
Naks Kuya James, lakas maka good.
"To all passengers, this is your captain. Please fasten your seatbelts and please pick off any stragglers and any other objects and things that may interrupt the flight. Thank you." sabi nya.Ako naman, gaya nang sinabi niya, nagiistart na nang mga control. Habang siya kulelat sa pagtapik ng paa. Di man lang ako tulungan. Hay nako, bahala ka dyan.
BINABASA MO ANG
God Gave Me You (AlDub)
RomanceIsang kwento ng pag-ibig samahan natin si flight attendant Jazz Suarez at si Flight Captain / Pilot Peter McCord sa kanilang abot langit na love story. Sorry sa cover walang pera si author eh. Sorry po kung may nagaya po ako nang pangalan at nang...