Naupo si Peter kasama ang isang alak at remote. At binuksan niya an TV.
"Isang piloto po ang naaksidente habang patungong Philippine Airlines. Ang biktima po ay si Matthew Perez, 25 years old. Sabi nang mga saksi ay umiwas daw ito sa bat-" pinatay niya ang TV.
Napahawak siya sa buhok niya at marahang hinimas ito.
"Anong ginawa ko? Bakit ganito? Pinasalo ko lang ying flight ko pero bakit nangyari ito? Bak-" naputol ang sinasabi niya nang may kumatok sa pinto.
"Pasok." sabi niya. Pumasok si Kuya James.
"Kuya James al-" naputol ulit yung sentence niya habang maluha-luha sa halu-halong emosyon.
"Oo, alam ko na." sabi niya.
"Pinasalo ko lang naman yung flight ko eh. Bakit kailangang mangyari ito?" sabi niya.
"Naiintindihan kita Peter. Alam kong may hangover ka pa noong uminom tayo. Kaya mo pinasalo kay Matthew yung flight mo diba? Kasi narinig ko kayo noong madaling araw." sabi ni James.
Tumayo si Peter at sinabi, "Bakit kailangan mong gawin ito?! Huh?! Kinuha mo na lahat mayroon ako, pamilya ko, mga kamag-anak ko, tapos ngayon yung bestfriend ko?! Sino pang mga tao ang kukunin mo sa buhay ko, huh?!" galit na sabi ni Peter habang binasag ang bote ng alak at mga shot glass.
"Pare, tama na! Hindi mo alam kung sino ang kausap mo! Kami rin naman nawalan ng mahal sa buhay ah! Pero hinarap namin iyon. Pero ikaw sinisigawan mo ang Maykapal dahil dito? Alam mo kung bakit? Kasi duwag ka! Duwag ka Peter, at hindi mo kayang harapin ito!" nagalit na rin si James.
Napahawak ulit siya sa buhok niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/67131298-288-k18110.jpg)
BINABASA MO ANG
God Gave Me You (AlDub)
RomanceIsang kwento ng pag-ibig samahan natin si flight attendant Jazz Suarez at si Flight Captain / Pilot Peter McCord sa kanilang abot langit na love story. Sorry sa cover walang pera si author eh. Sorry po kung may nagaya po ako nang pangalan at nang...