Part 2 - Interview with the GANG

349 10 6
                                    

Lang yang lalaking to todo online tapos nakalimutan na may pamilya at talagang binago pa ang password sa FB dati rati pangalan ko lang password ngayon hindi na mabuksan pag nahuli huli kung may ginagawang kababalghan tong asawa ko magsasama ang tubig at langis.

Ako: Kilala mo paba ako?

Siya: Babes! Sorry busy ako sa trabaho

Ako: Kaya pala todo online ka? Tapos ni isang Hi Leigh hindi pumasok sa isip mo!! Sabihin mo lang kung nag sasawa kana sakin at talagang papalitan na kita.

Siya: Busy ako sa resort daming client kasi sorry na.

Ako: Sinabi ko na sayong hayaan mung si Latisha at Euan dyan diba? Totoong totoong kala mo eh dami mong anak na bubuhayin kaya nangingibang bansa ka! Pinaasekaso ko sayo ang Hotel at Mall! Pati si Steff hindi muna alam ang kalagayan! Aba Charlton kung kakalimutan mo kami sabihin mo lang madali akong kausap!

Siya: Sorry kakalimutan ba naman kita. May inaayos lang ako,bago ang anniversary natin uuwi ako.

Ako: Kailan pa pag nakaburol nako? Susme! Malaman ko lang na may kalaguyo ka dyan mapapaaga ang burol mo!

Siya: San mo ba nakukuha yan? Pag papalit paba naman kita. Busy na nga ako dito wala na panahon mang chix pa. Uwi ako dyan sa October 10.

Ako: Antok na ako, sige na good night.

Siya: Good night I miss you, i love you.

Wala na akong balak na magreply kaya nag out na ako puro post ni Cygnus at Nathaniel lang ang nakikita ko pati narin kay Australis at Austrinus. Lang yang life to -______- may asawa kanga wala naman sa piling mo. Ako na ata si Leigh Aubrey ang babaeng sawing palad at may bahid ng putik sa aking alaala. Juice na malamig! Naman oh! Kakainis na ang pagiging isang dakilang dyosang ina ko.

Nilagay ko ang laptop sa side table at nahiga nag iisip ako ng magandang gawin pag balik ko sa mansyon. Mag paparty kaya ako? Naku! Oo nga pala si Manang Tekla lang ang nasa mansyon sana lang makarating bukas yung mga nakuha niya sa Agency na Maid.

Kinaumagahan pumunta ako sa kwarto ni Niandra inimpake ko ang gamit niya nilagay sa maleta ang mga damit.Nang matapos ako bumaba na ako sa Living Room para tingnan kung gising na si Kuya Bodji at sa kinamalas malasan nahilik pa sa Sofa kaya nag punta nalang akong kusina at nag luto ng agahan. Maya maya naman ay nagsibabaan na yung tatlo kinukusot kusot pa ang mata. Si Patricia dumerecho sa CR, si Edray naupo sa may hagdan, si Chevalier dahil may pag kawalang hiya tinapatan ng speaker sa tenga si Kuya Bodji bago nag patugtug ng "Hayaan mo sila" nagising tuloy.

Nang mahimasmasan na sila ng antok tinawag ko na silang lahat at kumain kami ng sabay sabay. Ang itsura nila parang di nag hapunan .si Kuya Bodji naman daig pang hinahabol ng kabayo sa bilis kumain ano kayang nangyari sa mga to parang patay gutom lang ang peg nila. Lahat ng hotdog, itlog at tska bacon nadala nila ah balak ko nga sana idonate yung pagkain na para sakin dahil mukhang kulang pa sa kanila. Habang nasa gitna sila ng katakawan dumating si Niandra.

"Sobrina, kanina kapa ba?" Gulat kong tanong sa kanya

Siya naman ngumiti at parang hindi mapakali kasi may hinihigit siya sa labas ng pintuan.

"Tita, ayaw pumasok ni Phoenix ohhhh" Sumbong niya sakin

Hinatid siya ni Phoenix sa bahay kaya naman pala parang may nag hihigitan sa labas. Akala ko naka kuha na si Niandra sa lansangan ng aso.

Pumasok silang dalawa pero pag pasok palang ni Phoenix para may mga matatalim na kidlat nang nag tama ang mata nilang dalawa ni Edray. Alam ko na may pagtitinginan siguro silang dalawa sino kaya yung bakla sa kanilang dalawa. Dahil sa dakilang dyosa ang role ko dito inabutan ko si Phoenix ng tinapay at kape (walang kinalaman yung pagiging dyosa sa pag abot ng kape trip ko lang) parang may lamay lang ang lagay namin dito sa bahay. Kape at Tinapay kung sa bagay pwedeng pwede ko namang ipalibing ang asawa ko oras na mahuli ko na may malagim siyang gingawa.

Love Contract (Friends Forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon