A/N- NAPANSIN NIYO YUNG STORY NI KITTY? PARANG GRABE MASYADO YUNG INA NIYA. MAY PINAGHUGUTAN KASI AKO DIYAN HINDI YAN STORY NG BUHAY KO HA. PERO MAY NAKAKASALAMUHA NA AKONG MAY GANYANG SITWASYON SA BUHAY YUNG INA PURO SUGAL TAPOS ANG ANAK NAPAPABAYAAN. MAY ISANG CHARACTER SA STORY NA KWENTO KO MISMO :) HULAAN NIYO NALANG KUNG SINO YUN. MAGING HELL AT HEAVEN YUNG STORY.
"Nay ang banas pakibuksan ng aircon" -Korina
Ano bang kaartehan yan ni Electric Fan nga wala kami. Aircon pa kaya?
"Teka buksan mo bintana" Nanay
Dahil nakakainis si Korina ng wagas na wagas sisingitan ko na sila. Ilusyunadang to pambili nga ng pagkain wala kami, aircon pa kaya.
"Nay, pakisampal nga ho yang si Korina para sakin" -Ako
Nang sabihn ko yun hindi na sya nag salita pa.
KENRY's POV
Pag kagaling namin sa SM mabilis kong pinatakbo ang sasakyan. Hindi ko alam kung saan nag punta si Scotty hindi siya maaring mawala mahalaga siya sakin. Lalong lalo na yung taong nag bigay sakanya. Hindi niyo pa kasi alam e kung sino yun kaya hindi niyo ako maiintindihan kung bakit ganito ko mag drama.
Author: Paano ba makikilala eh kakakwento mo palang nga -_____________-
"Baba na! Mamaya manakaw pa yun ng kung sino sino diyan" Sigaw ni Jamee sakin.
Bumaba naman ako agad sa sigaw palang niya natatakot na ako. Hindi ko alam pero kakaiba ang dating ng babaeng to sakin utos palang niya kinikilabutan na ako. May katulad kasi siya.
"Jamee, salamat ha" Nakangiti kong sabi sa kanya.
Alam ko bigla siyang nagulat nung sabihin ko yun sa kanya. Hindi ko naman kasi akalain na si Jamee Fleur Hennesy makakasama ko? Napakaimposible, bakit? Kung alam niyo lang kung anong klaseng babae yan.
FLASHBACK.
Lumabas ako ng classroom para mag CR habang nag lalakad ako papunta sa CR may nakita akong pinag kakaguluhan syempre ako naman may pagka chismoso pero very light lang yun. Pumunta ako dun sa mga babaeng nag uumpukan. May nadinig akong nagsisigawan.
"Kung sa tingin mo kaya mo kaya mo akong higitan, Sige lumapit ka at samaplin mo ako" Mataray na sabi ni Jamee dun sa babae alam ko taga Rose yung babae na yun.
Lumapit naman yung babae sa kanya sasampalin na sana nung babae si Jamee pero sinalo ni Jamee yung kamay nung babae at siya ang sumampal sa babae.
"Hindi pwede sakin ang babagal bagal. Pwede, sa susunod umalis ka sa dadaanan ko ayaw ko kasing mag amoy payatas sa baho ng ugali mo." Pag mamataray niya sa babae tapos umalis na.
Ganyan siya katapang dami ko pa nasaksihan na eksena pero di ko maiisa isa kasi baka mapuno ito ng flash back.
END of FLASHBACK
Pero mabait parin nama siya diba kasi kinakausap niya ako kahit nung gabing binigyan ko siya ng Vitamilk palasamat na nga din ako na nagkakilala kami. Nung gabing yun wala naman akong balak na kausapin siya e, pero tinulak siguro ako ni Destiny para makilala siya.
"Hoy! Kenry tatayo kana lang ba diyan! Oh baka gusto mung buhusan pa kita ng kumukulong asido ng gumalaw galaw ka" Masunget niyang sabi sakin.
Ayan nanaman siya. May lahi ba silang dragon kasi ang tapang tapang niya nalang lagi. Tuwing kasama ko siya pakiramdam ko sisisgawan niya ako ano mang oras.
"Ito na nga po boss nag lalakad na po ako" Makulit kong sabi sa kanya, sya nama eh napangiti lang.
Alam niyo ba kung ano nagustuhan ko sa kanya kahit ubod siya ng sunget at tapang, kapag ngumingiti siya parang lahat ng magagandang bagay nasa kanya kasi kung tititigan mo siya ibang iba ang mukha niya pag nangiti.
BINABASA MO ANG
Love Contract (Friends Forever)
Teen FictionPapaikutin kita sa pag ibig na lahat ay nabuo sa kasunduan kung sinong unang mahulog siya ang talo. Basahin mo ang kwento ng mga kabataang nag simula lang sa isang labanan na mauuwi sa pag iibigan.