LWTCH 2

66 0 0
                                    

"Fifty eight."

"Fifty nine."

"Sixty." Pagbibilang ko sa segundo ng oras habang nakatitig sa aking wristwatch.

One and a half. One and a half hour na akong nakaupo sa coffee shop na ito kahihintay sa hinayupak na best friend ko. Ang usapan namin 12:00 in the afternoon kami magkikita dito pero itong hinayupak na best friend ko ay 1:30 na pero di pa rin dumadating. Ay jusko!

"Coffee pa po ba, Ma'am?" A waiter asked when he reached my table.

I raised an eyebrow. "No, thank you."

"You're welcome, Ma'am." The he left.

Tiningnan ko siya ng masama habang papalayo. Hayup yung waiter na yun. Aalukin pa ako ng kape e halos nakatatlo na ako.

Ano koya? Ayaw mo akong patulugin mamaya? Kakaloka.

Suddenly the door of the coffee shop opened. Napalingon ako. I saw my best friend, smiling at me. Inirapan ko lang siya at di pinansin.

"Ang init na naman ng ulo mo, Bessy." She said when she reached my table, putting her belongings on the chair in front of me.

"Oo, mainit Bessy. Sobrang init. Kasing init nitong kapeng iniinom ko na sa sobrang inis ko baka maibuhos ko sa'yo." I said in a sarcastic way. Sino bang hindi maiinis e pinaghintay ako ng pagkatagal-tagal ng babaeng ito. Nakakainit talaga ng ulo.

"So tatawanan mo lang ako ha?" I asked but she keeps on laughing. Aba, tingnan mo. Tinawanan lang ako.

"E ikaw naman kasi, Bessy. Init ng ulo mo lagi. Relax. Nakakasira ng beauty yan." Sabi niya saka tumawag ng waiter. nakakaloka 'tong babaeng 'to.

She's Nicole Cyril Buenavista, my best friend since grade school. 'Di ko nga alam kung bakit ko naging best friend yan e. Bakit ko nasabi? Kasi magkasalungat na mundo ang kinalakihan namin. Mabait siya, maldita ako. Palakaibigan siya, palaaway ako. Simple lang siya, maarte ako. Ibang-iba 'di ba? Pero pareho kaming maganda, mas maganda lang ako ng mga limang pulgada. Ganern. Di tulad kong swerte sa buhay, si Nicole ay simple lang ang buhay. Namatay ang mga parents niya sa isang aksidente nung first year high school kami. Kaya simula nun ay nabubuhay na siyang mag-isa. Nagtatrabaho siya para makapag-aral at take note, university scholar yan sa kanila kaya wala siyang problema sa tuition. Oo, aminado ako. Dun siya lamang sa'kin. Ewan ko ba kasi kung bakit nung nagsabog ang diyos ng katalinuhan ay wala akong nasalo. Siguro nakapayong ako nun kasi alam niyo na. Mainit. Masisira ang skin.

"O anong problema?" she asked me. Napatingin lang ako.

"Ha?" Yun lang yung nasabi ko. She rolled her eyes. Aba! Natututo nang magmaldita si g*ga. Nahawa sa'kin?

"Alam ko namang 'di mo ako papupuntahin dito sa Manila ng walang dahilan at wala kang kailangan. Ang layo kaya ng byahe papunta dito." Reklamo niya sa'kin.

"Ay sorry ha. Di kasi ako nakatira sa probinsya."

"Whatever. O ano ngang problema? Alam kong may problem ka. Sabihin mo na." bigla siyang nagseryoso nung sinabi niya yun. Para bang iisa lang ang damdamin naming dalawa kasi everytime na may problema ako, ramdam niya agad.

"Ayoko na dito." I announced. "Ayoko na sa buhay na 'to?"

"What?" she asked in a higher tone. "T-teka, bakit?"

"Nag-away kami ni Daddy kahapon. Nakita niya kasi yung list of grades ko last sem. Galit na galit siya. E alam mo naman di ba na ayoko sa course na yun pero pinipilit niya ako dahil sa lintik na kompanyang ipapamana niya sa'kin. Sobrang nahihirapan na ako. Stress, pressure, depression – they're killing me." Emotional kong naikwento kay Nicole ang mga yun. Halos tumulo na yung luha ko pero ayaw kong umiyak sa ngayon. Matapang akong babae, ayoko ng umiiyak.

"Hindi ito yung gusto kong buhay, Nicole. Hindi ako masaya. Hindi." I hold her hand tightly. Alam kong nararamdaman niya kung anuman yung nararamdaman ko dahil kaibigan ko siya.

"So ano'ng gagawin mo Aliyah?" she asked, bothered.

I stared at her eyes. Deeply at her two brown eyes.

"Take me where you live." I said with sincerity.

"What?!" She yelled. Tinakpan ko kaagad yung bunganga niya. Pinagtinginan tuloy kami. Napaka-iskandalosa talaga nitong babaeng 'to kahit kalian.

"Wag ka ngang maingay. Naririnig nila tayo." I said in a lower tone. "Kapag narinig nila tayo at nakarating yan sa media patay tayong dalawa."

"Seryoso ka ba diyan?" tanong niya.

"Oo nga. Paulit-ulit naman."

"E paano ang mga iiwan mo dito? Yung parents mo, yung business niyo, yung career mo?"

"Handa akong iwan lahat iyon." Sinabi ko sa kanya ng seryoso. Medyo kumalma siya nang makita akong ganun. Kilala niya ako. Alam niya takbo ng isip .

"Pati kasikatan mo, handa mong iwan, Aliyah-slash-Priscilla?" Tanong niya na para bang sinusubukan ako sa mga desisyon ko.

Napayuko ako at napaisip.

"Alam kong mahirap ang lahat ng ito,pero di na ako masaya sa buhay na 'to. Marami nga akong pera, lahat nabibili ko, pero bakit parang may kulang pa rin sa buhay ko? Hindi ako masaya, gusto kong maramdaman yun. Gusto kong hanapin ang sarili ko."

Yun na lang yung nasabi ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga yun pero yun ang nararamdaman ko. Napa-face palm na lang ako.

O my gosh. I've never been so drama like this before.

Naramdaman kong bigla na lang ulit hinawakan ni Nicole ang kamay ko. Napatigil ako at napatingin sa kanya. Nakita kong nakatingin din siya sa'kin at nakangiti.

"Haaay." She sighed. "Ano pa nga bang magagawa ko? O sige na, Bessy. Tutulungan na kita."

"Really, Bessy?" I said in glee.

"Wala akong magagawa. Kaibigan kita. Kung saan ka masaya dun din ako sasaya." She said then smiled.

Sobra akong na-touch sa sinabi niya. Natahimik na lang ako at niyakap siya.

"Thank you, Nicole." I whispered.

"You're welcome, Priscilla."

At dun natapos ang usapan namin. Ngayon alam ko na pala kung bakit naging magkaibigan kami nitong g*gang 'to. Ang totoong kaibigan ay hindi sa itsura o estado ng buhay binabase. Dahil ang tunay na pagkakaibigan sa puso ang pinagmumulan at nandiyan kahit wala kang kailangan. Yun yung pinakita sa'kin ni Nicole kaya naging best buddies kami nito kahit magkasalungat ang aming mga mundo.

After that long conversation we decided to leave the coffee shop. Sumakay kami na kami sa private car ko at nag-decide nang umuwi para maghanda sa aming plano mamayang gabi. Yes, you read it right. Plano mamayang gabi. *Insert evil laugh*

"Bessy, may tanong ako." Bigla niyang sinabi habang naglalagay ng seatbelt.

"Ano yun, Bessy?"

"Sabi mo di ba kanina yung grades mo puro tres?"

"Yup. Sa inis ko kasi sa mga professor kong gurang e minsan nasasagot ko sila ng 'di maganda. Kaya ayun, ginantihan ako. Buti nga naka-tres pa." Sabi ko sa kanya na medyo mas inis sa boses.

"E yung is among grade sa Algebra. Naka-1.5 ka dun ah."

"Ay syempre naman, Bes. Yang subject lang na yan ang reason kung bakit ako pumapasok. Dahil sa professor."

"Bakit? Gwapo ba?" She asked with curiosity.

I nodded with matching lip bite pa.

"Bessy akin na laaaaaang!" And we both laughed. Sa sobrang kakiligan naming dalawa ay naghahampasan kami sa loob ng kotse.

Naisip ko lang. Di lang pala sa ups and downs ng buhay kasama ang kaibigan. Mas madalas din pala sa kalokohan at kalandian.

Jusme, ang kire.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Living With the Campus HottieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon