LWTCH 1

528 12 10
                                    

I immediately closed and locked the door of my Van before the media came and start to ask me again. Manggugulo lang sila sa 'kin and for sure mga walang kwentang tanong na naman ang itatanong nila tungkol sa buhay ko.

Ayoko na ng issue kaya umiiwas ako. Lalo pa't ngayon na ako ang laman ng balita at headline sa diyaryo, hindi dahil sa ako ang female model of the year, kundi dahil na din sa pakikipag-break ko sa ex-boyfriend ko na sikat din.

Nagkaroon ako ng boyfriend for almost 1 year. Mayaman, gwapo, sikat, at model din siya ng isang sikat na modelling company. Everything between us happened so fast. Until one day, may nalaman ako tungkol sa kanya na naging dahilan ng aming break up.

Katawan ko lang pala ang habol niya.

Akala ko noon mahal niya talaga ako, pero hindi pala. Niloloko niya lang ako simula pa nung una. Tapos sabi pa niya na ako lang daw ang babae sa buhay niya pero malaman-laman ko, may kina-kama siyang iba.

Hindi lang basta babae sa tabi-tabi yun ha. Take note, magagandang model ang gusto niya. Balita ko pa nga na halos karamihan sa 99 pang model na kasama ko sa magazine ay natikman na niya.

Ako na lang ata ang hindi pa.

Hah! Ano ako tanga para ibigay ang 'v' ko sa kanya? Duh, manigas siya kasama ng kung ano pang pwedeng tumigas sa kanya! G*go pala siya e. Pakasalan niya muna ako bago niya yun kunin. 'Di ako katulad ng iba na easy to get makatikim lang ng heaven. Tapos ano? Biglang magsisisi pagkatapos gawin yun? E sira pala ulo nila e! Ginusto nila yan kaya dapat panindigan nila. Sus, kunwari pa e nasarapan din naman sila.

"Manong, take me to our company. Pakibilisan, bawal akong ma-late." Utos ko sa driver ko habang nag-re-retouch. Nakakalokang yung mga media na 'yun, muntik nang masira ang beauty ko dahil sa kanila.

Para tuloy silang mga bangaw at ako yung tae. Kung nasaan ako, nandun din sila.

"Okay po, Ma'am Aliyah." My driver answered and he started to drive the Van.

After few minutes, nakarating na din kami sa company at dali-dali akong pumasok sa loob.

Sexy na sexy akong lumakad papasok ng kompanya namin wearing my sunglasses and my most expensive 3-inch high heels. And what would I expect? Lahat ng makasalubong at makakita sa 'kin ay napapatitig at napapa-second, third, fourth, and fifth look sa kagandahan ko.

Syempre naman, si Aliyah 'to, no. Ang anak ng nagmamay-ari ng kompanya na 'to at ang pinaka-sexy na female model ngayong taon. O 'di ba? Nganga silang lahat sa ganda ko.

I continued walking until I reached the elevator. Pagpindot ko at pagbukas ng pinto ay nagulantang ang kagandahan ko nang makita kong sobrang dami ng tao sa loob. Siksikan na sila at halos ata magkapalitan na ng amoy.

Punyeta naman, sasabay ba ako sa mga 'to? Parang 'di ko keri. Mamaya may mga putok pa sila, mahawa pa ako. Nakakadiri.

Pero dahil ako ang boss dito, ako ang masusunod. At wala silang magagawa kapag ako na ang nag-utos.

I stood up straight in front of them and removed my sunglasses first. Pagkatapos ay tinaasan ko sila ng kilay at tinitigan ng masama.

Manginig kayo sa takot ngayon.

"All of you, get out." I commanded in a higher tone para mas intense. Pero itong mga lecheng 'to ay parang wala atang narinig at imbis na umalis ay nakatunganga pa rin sila sa 'kin.

Aba at talagang ginagalit ako ng mga 'to ah.

"Potangina, sabing labas!" I yelled at wala silang nagawa kundi magtakbuhan palabas ng elevator. Yung isa nadapa pa sa harapan ko sa sobrang pagmamadali. Tanga ampungat.

Living With the Campus HottieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon