three

59 3 4
                                        


Kim Jongin

May mali talaga kay Luhan hyung ngayon eh. Parang wala talaga siyang gana tapos parang pagod yung mata. Is he doing drugs? Oh shoot Jongin! Hindi naman ganun si hyung. Maybe he is really tired. Hindi niya lang pinahalata. Ayaw niya kasi na nag-aalala ako sakanya. I'am always with him to make sure that he's always okay yet parang wala naman siyang tiwalang ilabas ang nararamdaman niya. I'm such an actor of a drama. And an actor where all I've got to do was to act normal infront of hyung.

Natutulog na siya ngayon. Peacefully and beautifully sleeping in his bed. I stared at him. From his gorgeous eyes down to his adorable nose to his lips. Oh God.. kelan ko ba maaangkin to? If only..

Pero akala niya ba nakalimutan ko yung kanina? Ang tagal niya sa comfort room ah! Naghintay ako ng kalahating oras kakahintay sa kanya at sinalubong lang niya akong pagod. As his caring and loving 'bestfriend', tinulungan ko nalang siyang maglakad.

Nung natapos ang party, gusto ko sana siyang kausapin if meron talagang masama sa kanya but the way he looks at me nung tinawag ko siya, he's tired so I insist na wag na lang makipagusap sa kanya.

Gusto kong samahan si Luhan hyung matulog so I've decided na hindi nalang muna umuwi sa condo unit ko at matulog na lang dito.

Tumabi ako sa kanya at inilagay na rin ang kumot sa katawan ko.

"Goodnight hyung." Sinabi ko kahit na nakapikit na siya at tulog na. I can't stop myself from staring at him. Parang midnight paradise ang mukha niya which leads me to a sweet dream later. Nilagay ko ang kaliwang kamay ko sa bewang niya at natulog na rin.

Oh Sehun

"Se? Tulog ka na ba?" I heard Kyungsoo hyung asked me. Nakatalikod akong nakahiga sa kanya so he managed to see if I already slept.

"Hmmm.." I hummed in response. "Sus. Di ka pa tulog eh." Tumawa siya ng pagkasabi niya nun. I wanted to face him and cuddle with him hanggang sa makatulog siya. Pero nawalan ako ng gana.

"Okay. You're not replying anymore. Baka tulog ka na. Goodnight Se." Hinaplos niya ang braso ko bago patayin ang lampshade sa tabi niya. Maybe he already fell asleep. Ako nakahiga ako but my mind won't stop responding. Ayaw akong patulugin ng utak ko.

Luhan

Luhan

Luhan

Ughh! Damn it! Ayaw parin makisama ng utak ko na kailangan ko ng matulog dahil kay Luhan. Iniisip ko rin, bakit ba kasi ako takot na malaman ng iba na mahal ko si Luhan hyung? Hindi naman kasi masama na magmahalan kami eh. Si Luhan hyung ang una kong minahal kaysa kay Kyungsoo hyung. Sikreto ang pagmamahalan namin noon. Then dumating ang araw na kailangan niyang umalis. He left me without a word. At habang sawi ako, Kyungsoo hyung is there. Siya ang nag-alaga sa akin that I didn't even know I fell for him. I asked him to take him out. We started dating, he became mine. After a months of being together, nabalitaan kong bumalik si Luhan hyung.

One time nagkita kami and all he did that day was to ask forgiveness from me. He kissed me then I felt myself responding to him until it took to another level. Walang akong kamalay-malay na nagawa namin yun. And I can't lie to myself. I still love him. I really do. We didn't have a proper closure so I insisted to continue our secret realtionship. Hindi ko sinabi sa kanya na may karelasyon na akong iba. I don't want him to stay away from me again.

Siguro I didn't know much about love that I kept doing these things. Na hindi ko man lang namamalayan na nakakasakit at makakasakit ako ng ibang tao.

Hinarap ko ang sarili ko kay Kyungsoo hyung. God forgive me! Na nakayanan kong saktan ang isang mabuti at inosenteng tao katulad ni hyung.

"I'm sorry hyung. I'm sorry.." I whispered through the air as I felt my cheeks wet with tears.

Maybe this is my punishment. Pagdating sa huli kailangan ko ng mamili. It's either I will be selfish by continuosly dating Luhan hyung and Kyungsoo hyung will suffer or I will be considerate towards Kyungsoo hyung's feelings and stop everything about me and Luhan.

Hindi ko alam kung gaano pa kachildish at ka-immature ang pag-iisip na meron ako to think na nagmamahal ako ng sabay at alam kong may masasaktan. Ang abnormal kong tignan. I might be crazy.


/
Oh Sehun is a total jerk! Keme lang ;) hahaha dual relationship at the same time! Aba senpai talaga charot!

Dedicated to: Yadong6969 salamat sa comments dear ♡

Together (Kaisoo Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon