CHAPTER 6: Concerned Emily

37 0 0
                                    

JECO'S POV:


I was at my office and I saw Emily on her cubicle and she came early to the office at talagang makikita mo ang willingness sa kanya. When I saw her going to my office ay hinanda ko na ang mga gawain niya, this time, talagang work na ang makakaharap niya at sa tingin ko ay nakapag-adjust na siya sa first day of work sickness niya.



"May I come in Sir?" Si Emily.




"Sure. Have a seat Em."



"Ok Sir."




"Here's your tasks Em, you're going to report me about the status of these every end of the day. Kailangan pulido, you know Sir Jorge is a man who checks every little detail of our work so you must be careful."




"Yes Sir, I'll remember that."




"Ok. Goodluck Em."


"Thanks again Sir."


"Ok, you may proceed."





I know she can because she's a good one. After giving instructions, Sir Jorge called me for the meeting of all the department heads.





"Guys, I'll leave for a while to attend to the department heads meeting, if you have inquiry, you may ask my Assistant IT Specialist Nathan." Sabay turo ko dito.




"Yes Sir!" sabay sabay nilang sagot.



EMILY'S POV:

May kahirapan na ang mga pinapagawa saken ngayon pero kaya naman, nung nakita ko si Sir Jeco kanina ay halatang malungkot ito, siguro dahil sa trabaho or maybe something else at bigla ko na lamang naisip ang sinabi ni Edge na nakasama kong uminom kagabi.

Sa isang Resto kami nagpunta kagabi.



"Emily, este Em, kumusta ang First day?" Si Jonathan, sa kaliwa kong cubicle nakapwesto.


"Ok naman Jonathan, medyo light pa lang naman ang pinagawa saken." Tugon ko.


"Ah, alam ko namang kakayanin mo yan kasi nakikitaan kita ng malaking potensyal sa field ng IT."


"Sana. Kasi meron akong magagaling na co-workers." Pagbibiro ko sa lahat.


"Sus, nambola pa siya oh? Tara na nga,magsimula na tayo, Cheers!" Si Edge short for Edglofel, ang babaeng napakaprangka pero alam kong masarap kasama, sa kanang cubicle ko naman nakapwesto.


"CHEERS!" Sabay-sabay naming tugon.



Anim lang kaming nag-get together, Ako, Edge, Jonathan, Cyrah, Mila at si Paul dahil ang iba ay may mga pamilya na at yung iba naman ay wala pang pahinga, labinlima kami sa department namin at ako din ang pinakabata.


"Pansin ko lang Em, panay ang tingin mo sa office ni Sir Jeco kanina, siguro type mo no?" Bulong ni Edge.



"Ha? Di ah? Tinitignan ko lang baka kasi sumenyas siya o kaya may ipapagawa pa." Tanggi ko.




"Sus, wag ako Em, alam ko na yang mga galawan na yan, at alam kong type mo siya, di bale, tayo lang namang dalawa ang makakaalam."


"Wala naman talaga Edge eh."



"Sus."


"Ahm, Edge, matanong ko lang, bakit parang walang tulog si Sir kanina?"



"Ah yun ba? Nag-leave for one week kasi yun for vacation nila ng Girlfriend niya."



"Ah, may Girlfriend pala si Sir."



"Oo at matagal na din sila. Tsaka maaga niya sigurong hinatid ang Girlfriend niya sa Airport."



"Airport? Pupunta ba ng abroad Girlfriend niya?"



"Hindi. Stewardess kasi Girlfriend ni Sir."


"Ah, kaya pala."



"Minsan lang din kasi silang magka-time sa isa't isa dahil sa di nagtatagpo ang mga schedule nila."


"Ah, siguro ang hirap nun no? Magkalayo kayo because of work. Pero nakakabilib din ang mga ganong relasyon."


"Oo naman, kaya idol ko yun si Sir when it comes to waiting."



Matapos ang pag-alala sa nangyari kagabi ay naisip ko na baka yun ang dahilan kung bakit mukhang malungkot si Sir Jeco.


"Kaya siguro malungkot si Sir dahil dun." Nasa isip ko.



Matapos ang pag-iisip na iyon ay agad ko ding ibinaling ang sarili sa trabaho.

Just One TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon