CHAPTER 3: Back to Normal Life

35 0 0
                                    

Matapos ang ilang araw na Bakasyon Grande ay agad din silang umuwi ng Maynila upang makapagpahinga dahil next week ay balik-trabaho na sila.





"Thank you Babe! Na-enjoy ko talaga lalo na yung rapelling, it may be hard at first, pero ang sarap ng feeling pagkatapos na you almost want to repeat over and over again". Ani Sophie habang nakayakap sa likod ni Jeco.

"Oo naman Babe, kaya tayo nagbakasyon para di naman puro work ang topic natin diba?".

"Oo Babe at meron na naman tayong memories together for about 5 years being together."


"And counting!" Sabay nilang sinabi at nagtawanan.

"Tara Babe, kailangan na muna nating magpahinga para mabawi natin lahat ng lakas natin." Si Sophie.

"Pano yan Babe? Makita ko pa lang ang kagandahan mo eh, nanghihina na ko."


"Ikaw talaga Jeco, ang galing galing mambola." Habang pinipisil ang pisngi.

"Sus. Ayaw pang maniwala, kaya na-inlove agad ako sayo eh." Sabay bigay ng mabilis na halik.


"Ikaw din naman Babe eh, nakakainlove ka lalo na nung sorry ka ng sorry saken matapos mo kong sigawan sa Airport nung unang pagkikita natin." Kasabay ng paghalakhak nito.


"To naman oh, pinaalala pa, kinalimutan ko na yun eh, pero di bale, napapayag naman kita eh at kung di dahil dun eh, di sana kita nakilala." Kasabay ng pagkindat.



"Mapilit ka kasi eh, tapos ang gwapo mo pa." Paghagikhik nito.


"Gwapo talaga ako." kasabay ng pagkiliti kay Sophie.



Matapos ang lambingang iyon ay sabay silang natulog para mabawi ang nawalang lakas sa ilang araw na Bakasyon.

JECO'S POV:

"Good Morning Babe, gumising ka na. Ako na naghanda ng almusal natin." hinalikan niya ito sa noo.

Bahagyang gumalaw at umungol ito na hudyat na para magising. Pagkagising ni Sophie ay inalalayan siya ni Jeco para pumunta ng banyo at makapag-ayos na. Sa kusina na lang naghintay si Jeco at maya-maya pa ay pumunta na si Sophie sa kusina.



"Good Morning Babe! Dami ng niluto mo ah?" Si Sophie.


"Kailangan yan Babe, para mabilis bumalik agad ang mga lakas na nawala saten nitong makaraang araw."


"Sa bagay, tara kain na tayo."



"Hatid kita sa work mo ha?" Si Jeco



"Ok Babe, kaso baka ma-late ka naman sa work mo."

"Ayos lang, understood na nila na galing tayong bakasyon kaya aasahan nilang male-late ako at wala naman kaming meeting with the bosses eh."


"Ok sige Babe."


Matapos ang pagkain ng almusal ay naghanda na sila para makapasok na sa trabaho at hinatid si Sophie sa Airport na pinagtatrabahuan nito.


"Mag-iingat ka Babe ko ha?" Si Jeco.


"Oo Babe, ikaw din, wag papalipas ng gutom." At nagbigayan ng mabilis na halik.


Matapos ang pangyayaring iyon ay pumasok na din si Jeco sa trabaho.


JECO'S POV:

"Good Morning Guys!" Bati ko habang pumupunta sa office ko.

"Oh? Hyper ka ata ngayon pre? Ang alam namin nanlalambot pa tuhod mo eh." Biro ni Nathan na katabi ko ng table.

"Loko ka talaga pre, siyempre mas inspired akong magtrabaho, kasi nabigyan ko na siya ng time."


"Sa bagay, Pre, kwento ka naman oh?" Pagpupumilit nito.

"Ok sige."


Si Nathaniel Rodriguez ay matalik na kaibigan ni Jeco, bukod sa kababata eh parang kapatid na niya ito. Halos lahat ng dapat malaman sa kanya ay alam lahat ni Nathan, may time na nagkakatampuhan pero naaayos din naman agad.

"Ako naman ang may ikukwento sayo pre." Si Nathan.

"Ano yun?"


"Nung nag-leave ka, may bagong nag-apply dito, IT specialist din siya pero babae, balita ko chicks daw eh." Pagbibiro nito.


"Loko ka talaga Pre! Basta pag babae ang bilis sayo ah?" Sabay silang nagtawanan.

"Emily daw ang pangalan". Dugtong ni Nathan.

Napaisip ako sa sinabi niya.

Just One TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon