EMILY'S POV:
Pagkatapos na pagkatapos ng pinagawa sa akin ay agad akong nag-report kay Sir Jeco, ng malapit na ko sa pintuan ng opisina niya ay napansin kong nakayuko ito sa desk niya, halatang wala pang tulog dahil napansin ko din kanina ang malalaking eyebags nito but still attractive.
"Sir, May I come in?" Pagkatok ko. Agad naman siyang nagising matapos ng pagkatok, nakita kong pumungay ang kanyang mata patungo saken.
"Yes sure. Please come in and have a seat." Anyaya niya.
"I'm sorry Sir if I disturb you, I just want to pass my report regarding on the number of apps downloaded."
"No, it's my negligence. I should be the one who will say sorry."
"Ok Sir."
"Ok, let's start."
"Yes sir."
Matapos ang reporting ay agad din akong nagpaalam sa kaniya at sa lahat ng mga co-workers ko. They invited me for a drink since it was my first day at pumayag naman ako.
JECO'S POV:
"She's a good one huh?" Nasa isip ko.
I think she deserves to be hired here and as I saw on her performance, I know that she can go far to this field.
After her report ay agad din akong nagligpit upang makaalis na dahil tumawag sa akin si Sir Jorge na di siya makakarating sa office due to the board meeting na talagang naging seryoso ang pag-uusap dahil nabalitaan ko na magla-launch sila ng isang messaging app.
I was at my apartment at ako lamang mag-isa kasi ang pamilya ko ay nasa probinsiya at si Sophie naman ay may sarili ding apartment malapit sa Airport na pinagtatrabahuan niya, kahit na gusto ko siyang kumustahin ay di ko magawa dahil walang signal sa ere at lahat ng phone nila ay naka-power off.
Napabuntong hininga ako, kahit limang taon na ang aming relasyon ay di ko maiwasan mag-isip kung magtatagal pa ba kami dahil sa di magtagpong schedule. I want to be with her everyday and everynight pero sino ba naman ako para mag-demand nun eh kailangan niya rin ang work na yun for her family.
I went to the fridge to get a glass of water ng biglang tumunog ang cellphone ko at agad ding binasa ang message na yun.
Hi babe. I miss you already. Kakadating lang namin from the flight, don't worry Babe, I'm fine, konting pahinga lang to. Namimiss ko na yung massage mo, kahit nagpapamasahe ako sa mga spa, ikaw pa din ang the best! Haha. Kumain ka sa tamang oras Babe ha? Then pahinga agad para mabawi mo ang lakas mo. I love you and Goodnight Babe. 😘😘😘
From: Babe.
Napangiti ako sa nabasa at agad din akong nagreply, I want to call her, pero baka di kami magkaintindihan dahil nasa Airport pa siya at kung hihintayin ko pa siyang makauwi ay baka pagod na siya at naisip ko din na kailangan niyang bumawi ng lakas.
Hello Babe. I've eaten already. How's the flight? Was it good? Kwento ka naman. Don't abuse yourself okay? Kumain ka din sa tamang oras ha? Namimiss na din kita sobra, gusto ko ngang lumabas ngayon sa phone mo para makasama kita pero it's impossible. I love you too Babe, just always stay safe. Goodnight too. 😘😘😘
Sent to: Babe.
Naghintay ako ng ilang sandali sa texts niya pero walang reply. Nalungkot ako ng kaunti dahil dun.
"Hanggang kailan ko kaya matitiis ang ganito?" kausap ko ang sarili ko.
After that frustration ay nagtungo ako sa banyo upang maglinis ng katawan at ng makapagpahinga na before the frustration kills me.

BINABASA MO ANG
Just One Time
RomantizmPeople change kapag sila ay nasaktan ng sobra, they chose to be a new one, maaaring maging negative o positive. Meet Jeco. A broken hearted man, di pa din siya maka-move on sa kanyang ex niyang si Sophie na nakasakit sa kanya ng sobra. Pero nakilal...