Chapter VIII

110 2 0
                                    

Sobrang bilis talaga ng mga araw..Graduation na! Almost 1 month na rin na hindi pinapansin ni Charlize si Angelo at Kian. Ilang beses na siyang tinatanong ni Gelo pero lagi niya itong iniiwasan. Kahit nung pumunta ito sa bahay nila ay hindi niya ito hinarap. Naging maingay din na issue sa AVA ang pag walk out niya sa JS Prom nila pero nawala lang din naman yun ng tumagal na.

Ngayun nandito na naman siya sa gym ng AVA pero ngayon nakasuot na siya ng toga. Siya ang valedictorian ng batch nila. Si Gelo naman ang salutatorian.

Pagkatapos ng Graduation Ceremony ay hinila siya ni Gelo papunta sa likod ng stage..

     “Charlize ano bang problema mo?! Ilang buwan mo na akong hindi pinapansin! Ano ba nagawa ko sayo? Sabihin mo! Ayokong maghiwalay tayo na may samaan ng loob!” sabi naman ni Gelo na pinigilan ang kamay ni Charlize dahil aalis na naman sana ito.

     “Gusto mo ba talagang malaman ha Gelo? Sinungaling ka! Sinungaling ka Gelo! Akala ko pa naman kaibigan kita!” galit niyang sabi at napaiyak na.

     “Hindi kita maintindihan Charlize”

     “Sabi mo noon sakin hindi girlfriend ni Kian si Bea! Pero noong prom… nakita ko sila Gelo! Nakita ko silang magkayakap sa labas ng gym na to! Ngayon sabihin mo sa akin na magkaibigan lang sila!”

     “Charlize mali ka nang akala..hindi—“

     “Tama na Gelo! Ayoko nang marinig ang mga kasinungalingan mo! Bukas pupunta na kami ng States. Doon ako mag aaral ng college” sabi niya at iniwan na niya si Angelo na napatulala sa mga sinabi niya.

After 10 years…

     “Friend you need to go home!” pagpipilit parin ni Anna sa kanya..madalas silang magtawagan ng kaibigan niya. Hindi sila nawalan ng communication since umalis siya ng San Rafael 10 years ago.. Ang dami nang nangyari sa buhay niya..Masasabi din niyang successful na siya.. Isa siyang hotel manager sa LA at 3 years ago ay nagpatayo sila ni Anna ng café na nakabase sa Manila at si Anna ang namamahala dito since nasa LA siya “It’s been years Charlize! Bakit ba ayaw mong umuwi dito? May pinagtataguan ka ba?”

     At sino naman ang pagtataguan ko? Silly girl!” pero ang totoo ay takot siyang magkrus ulit ang landas nila ni Kian. Lumayo siya para kalimutan na ito. Walang patutunguhan ang damdamin niya dito gayong may mahal na itong iba.

     “So you should go home! I would’nt take no for an answer friend! This is very important”

     “Bakit? May nangyari ba? May problema ba sa café?”

     “Wala! Ano ka ba!”

     “Eh ano?”

     “Friend I’m getting married! And you will be my maid of honor so be ready!” masayang sabi nito.

     “Married?! Are you kidding Anna?!” nabigla siyang talaga sa sinabi nito.

     “Mag long distance call ba ako sayo para lang lokohin ka? Friend naman!”

     “Ok! Who’s the lucky guy?”

     “You’ll know when you get here!”

Tinapos na nila ang usapan..Hindi na nakahindi si Charlize sa pagpipilit at pangongonsensya ni Anna sa kanya.

___

♫ ♫ ♫ Pag nakikita ko ang mga ulap

Naaalala kita

Kapag may bulaklak sa mesa

Secret Love (Kathniel FanFic) **FINISHED**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon