Chapter IV

119 3 0
                                    

     “Ano kaya dapat ang sasabihin ni Kiko kanina?hmmm” kausap ni Kian sa sarili habang pabalik na sa mga barkada niya.

     “Hoy pare san ka naman nanggaling at iniwan mo kami dito?” sita naman ni Dandy sa kanya.

     “Ahh wala..gusto ko muna kasi mapag isa”

     “Eh bat natagalan ka?” usisa parin ni Dandy.

     “Nakasalubong ko kasi yung kapatid ni Charlize..may sasabihin sana ehh..kaso di niya nasabi kasi dumating na yung ate niya”

     “Kapatid ni Charlize? May kapatid siya? Pano mo nakilala pare?” sabi naman ni Angelo na nagtataka.

     “Yep..dalawa silang magkapatid..at alam ko kasi jan lang sila nakatira sa kabilang bahay”

     “Magkapit-bahay kayo???!!!” sabay namang sabi ni Angelo at Dandy.

     “Oo..” walang imosyong sagot naman niya.

     “Bakit hindi mo sinabi sa amin? Ikaw pare pailalim ka kung lumaban ha..kunwari ka pang galit na galit kay Charlize yun pala sinosolo mo siya dito..hahaha” sabi naman ni Dandy.

     “Gago! Kasalanan ko ba kung jan bahay nila..at bakit ko naman sasabihin sa inyo eh ayoko nga pag-usapan ang babaeng yan”

     “Asus..kunwari ka pa! Alam na Kian!!” kulit parin ni Dandy..at nagkatitigan nalang sila Kian at Angelo.

___

Monday morning..umagang nagising si Charlize para pumasok sa school..naabutan niya si Kiko na nag aalmusal.

     “Hi ate..good morning..tara breakfast tayo” nakangiting bati ni Kiko. Agad naman naupo si Charlize at kumuha ng pagkain.

     “Si Mommy??”

     “Maagang umalis ‘te ehh..may mahalaga daw meeting”

     “Good morning mga baby ko” nakangiting bungad ni Danilo sa mga anak at isa isang hinalikan ang mga ito.

     “Daddy naman..we’re not babies anymore” reklamo naman ni Charlize.

     “Asus..ayaw na magpa baby ng dalaga ko..bakit may boyfriend kana ba?” nakangiti namang sabi ni Danilo at umupo na.

     “Wala daddy noh!”

     “Denial si ate..inlove na yan dad!!ARAYY!!” dahil sa pambubuking ng kapatid ay nasipa niya ito.

     “Talaga baby? Kanino? Pakilala mo naman at ng makilatis ko..hehe”

     Wala yun daddy..maniwala ka naman kay Kiko..masyadong wild lang mag isip tong gwapo kong kapatid.. J By the way dad simula pala ngayon past 6 na ako makakauwi” pagpapaalam naman ni Charlize.

     “Bakit naman baby?”

     “May itututor po kasi ako dad..diyan lang naman sa kabilang bahay..naatasan po kasi kami ni Miss Santos..pakisabi nalang din po kay mommy”

     “Sa kabilang bahay?? That means si kuya Kian ang tuturuan mo ate?” excited namang sabi ni Kiko.

     “Sino pa nga ba?”

     “Aaayyeehh! AARRRAAAYYY!!” isang sipa pa ulit ang pinatikim nya sa kapatid.

     “Sige dad..alis na po ako..baka malate pa ako ehh..ikaw Kiko di kaba sasabay?”

     “Kay daddy nalang ako sasabay ate..kaw nalang magpahatid kay kuya Andoy”

     “Ok..bye”

___

Nang hapong yun ay nakaupo si Charlize sa library at nagbabasa ng libro.

     “Hey! Miss sungit start na ba tayo?” nakangiting bungad ni Kian.

     ”Ay kalabaw!” sabay lingon sa nakangiting si Kian “wala kana bang ibang alam kundi gulatin ako? At himala excited ka yata magpa tutor eh nung Friday lang halos kainin mo si Miss Santos sa galit mo kasi ayaw mo magpatutor ahh.”

     “May masama ba kung excited ako magpa tutor? Eh sa maganda tutor ko eh Jsabay harap kay Charlize at titig na titig sa mukha nito..ang lapit na nang mukha nilang dalawa. Hindi malaman ni Charlize ang gagawin..ang bilis ng tibok ng puso niya..

     “Ano ba Kian!” sabay tulak dito “kung akala mo katulad ako sa ibang babae jan na hahabol habol sayo.. well think twice!”

     “Hahahaha..akala mo naman miss sungit! You’re not my type..wag ka nga assumera jan!”

     “Watever with a capital “W” mister yabang! At by the way mamayang 5 pm pa po ang tutorial session natin..3pm palang..wag ka masyadong excited na makasama ako! Punta nalang ako sa bahay niyo mamaya!” nakangising sabi niya sabay tayo at alis na..pero hinabol siya ni Kian at hinawakan sa kamay.

     Lumingon si Charlize at tiningnan ng masakit ang kamay niyang hawak ni Kian..Agad namang binawi ng huli ang kamay niya.

     “uhhmm..sabay nalang tayong umuwi mamaya..para deretso kana sa bahay, hindi na hassle sayo.”

     “Ok!” yun lang at umalis na siya.

____

Sa kotse ni Kian…

♫ ♫ ♫Ikaw na ang may sabi na akoy mahal mo rin,

At sinabi mo na ang pag-ibig mo’y di magbabago

Ngunit bakit sa tuwing  ako’y lumalapit ika’y lumalayo

Puso’y laging nasaksaktan pag may kasama kang iba

Di ba nila alam, tayo’y nagsumpaan

Na ako’y sayo at ika’y akin lamang………….♫ ♫♫

     “Nakikinig ka rin pala sa kantang yan” pagsisimula ni Charlize ng usapan.

     “oo naman..favorite ko nga yan ehh” sabay lingon kay Charlize na nakangiti.

     “talaga?? Favorite mo yan?? Pareho pala tayo..pero parang di naman bagay sa image mo ang ganyang kanta” nakangiti ring sabi ni Charlize.

     “Kamusta pala kayo ni Gelo?” pag –iiba niya sa usapan.

     “Kami ni Gelo? Ano bang meron samin ni Gelo?”

     “Diba nanliligaw siya sayo? May gusto ka rin ba sa kanya?”

     “Bat mo ko tinatanong niyan Kian?” nagtataka namang sabi niya.

     “Wala! Just drop the topic” at tahimik na sila hanggang sa makarating na sa bahay nila Kian.

Secret Love (Kathniel FanFic) **FINISHED**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon